Chapter 12

15.6K 483 9
                                    

Samara


Nagtitili ako dito sa kwarto ko ng maalala ko yung nangyari kanina. . .

Yung nasa ibabaw ako ni Zaya my loves. OMG! Akala ko talaga nagkiss kami, yun pala imagination ko lang yun. Napansin ko kasing napatitig siya sa kissable lips ko eh hihi kaya na-imagine ko tuloy na nagkiss kami. Omg! Ang manyak lang haha. Manyak agad-agad? Napailing na lang ako habang kilig na kilig pa din.

Kinabukasan maaga akong nagising at tinulungan si Manang Lucy na magluto ng umagahan, saktong patapos na kaming magluto ng bumaba si Zaya. Nakasuot siya ng pang-opisina, papasok na siya siguro.


"Coffee po Ma'am?" Alok ko sa kanya.


"Thanks." Tipid na sabi niya. Hindi ko maiwasang pagmasdan na naman siya.

Ang ganda-ganda niya kasi eh. Bagay sa kanya yung pagkalapad ng noo niya, yung hugis ng mukha niya, yung mga kilay niyang madalas nakataas, yung mga napupulang labi niya na parang ang sarap halikan. . .


Lahat sa kanya maganda. Parang napaka perpekto niyang tignan kahit ubod ng sungit.




"Ehem. Tulala ka na naman diyan." Kunot noong sambit niya. Tsk! Kahit kailan talaga palaging nakakunot yung noo niya. Hindi man lang siya ngumiti o tumawa tsk.


"Hindi ah!" Inirapan ko naman siya at umalis na sa dining room.





Hapon na pero wala pa din si Zaya my loves ko. Masyadong busy na tao daw si Zaya sabi sa akin ni Ate Zaireen. Nagtataka ako kung bakit hindi dito nakatira yung Daddy at Mommy ni Zaya pati na din si Ate Zai. Masyadong malaki kasi yung bahay kung si Zaya lang ang titira dito except sa amin na mga katulong. Siguro sobrang lungkot ng bahay kung siya lang yung nakatira dito buti nga naisipan niyang maghired pa ng katulong dito eh.



"Samara, pwede mo ba itong bilhin. Naubos na pala yung stock natin." Inabot naman sa akin ni Manang Lucy yung nasa listahan.

"Sige po Manang. Magbibihis lang po ako."

Nagtungo naman ako sa kwarto ko, nagsuot na lang ako ng maong short tsaka t-shirt at nagsuot ako ng gladiator sandals.


"Manang Lucy, alis na po ako." Sigaw ko kay Manang Lucy. Narinig ko namang nagsalita siya at lumabas na ako.

"Wow! Samara, ikaw ba yan? Ang ganda ganda mo talaga." Manghang sambit ni Marie sa akin ng makasalubong ko siya, mukhang kakauwi niya lang galing school.





"Naku, alam kong maganda ako. Haha. Sige na. Baka gabihin pa ako eh may pinapabili kasi si Manang Lucy sa akin." Sabi ko kay Marie na ikinatawa pa niya.





"Ikaw talaga. Ang taas ng self- confidence mo. Sige na. Pasok na ako tutulungan ko pang magluto si Manang." Pumasok naman na siya sa loob ako naman naglakad na palabas ng gate. Sabi sa akin ni Manang Lucy may malapit na grocery store dito kaya naman naglakad na lang ako.



Matapos kong i-check kung nabili ko na ba yung nasa listahan agad na akong pumila para magbayad sa cashier. Pagtapos kong magbayad lumabas na ako ng grocery store. Lalakarin ko na lang, hindi naman gaanong madami yung binili ko tsaka malapit lang naman mula dito yung bahay ni Zaya, siguro mga 5 minutes.


The Heart Wants What It WantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon