Zaya
Hindi ko talaga akalain na susundin ni Samara na linisin yung chandelier na inuutos ko. I'm just kidding lang naman. Tsaka ang taas-taas kaya nun. Nagkasagutan pa kami kanina. Siya lang ang may lakas ng loob na sagutin ako samantalang yung ibang katulong dito sa bahay ni hindi ako masagot sagot dahil takot sila sa akin.
Nagtungo naman ako sa living room. Naabutan ko dun si Samara na nakatulala na naman. Nakasalubong ko pa si Manang Lucy na kakatapos lang mag lampaso sa sahig, tumango na lang ako sa kanya.
"Bakit ba palagi kang natutulala na lang bigla?" Tanong ko sa kanya.
"Ay Zaya! Este Ma'am. Palagi niyo na lang akong ginugulat." Gulat na sambit niya sa akin.
"Hindi kita ginugulat. Sadyang palagi ka na lang natutulala kapag nakikita kita." Sabi ko sa kanya at naupo ako sa sofa.
"Gusto niyo po ng kape Ma'am?" Tanong niya sa akin.
"Ang init-init na nga magkakape pa." Sabi ko tsaka nagbasa ng magazine na nasa maliit na table.
"Sungit talaga." Bulong niya.
"Kung bubulong ka siguraduhin mong hindi ko maririnig. Linisin mo na yung kwarto ko tapos magbihis ka. Aalis tayo."
"Saan tayo pupunta? Magde-date ba tayo?" Halata namang na-excite siya. Napaangat naman yung gilid ng labi ko sa sinabi niya. Pinipigilan kong huwag matawa.
"Anong date pinagsasabi mo diyan? Basta magbihis ka. May pupuntahan tayo." Kunot noong sabi ko sa kanya. Ngumuso naman siya.
"Huwag ka ngang ngumuso diyan. Para kang isda." Nakasimangot na sabi ko pa sa kanya na mas lalo atang tumulis yung nguso niya.
"Ang sama mo naman. Ang cute cute ko nga." Parang batang maktol niya.
Padabog na inilapag ko sa lamesa yung magazine tsaka siya iniwan mag-isa sa living room. Nagtungo ako sa garden, dun ko pinakawalan yung tawang kanina ko pa pinipigilan. Para kasi siyang bata. Naalala ko bigla sa kanya si Natasha. Kapag kasi nagagalit ako madalas siyang ngumuso.
----
"Ma'am san po ba tayo pupunta?" Naiinip na tanong sa akin ni Samara. Kanina pa siya tanong ng tanong pero hindi ko naman sinasabi kung saan.
"Hindi ko din alam." Sagot ko sa kanya. Nanlaki naman yung mga mata niya.
"Ha? Hindi niyo ho alam? Para pala kayong sira diyan eh."
"Shut up! Ang ingay mo eh." Inis na sabi ko sa kanya kahit kailan talaga napakadaldal niya. Bigla namang nag red light kaya hininto ko yung kotse ko. May kumatok na bata naman sa bintana sa pwesto ni Samara.
"Ate, bili na po kayo. Pangkain lang po namin." Sabay pakita ng hawak hawak niyang mga rose.
"Ay naku. Pasensya na ha? Wala akong dalang pera eh." Bigla namang nalungkot yung batang babae. Aalis na sana siya kaso tinawag ko siya agad.
"Magkano ba yan lahat?" Tanong ko sa batang babae.
"150 lang po." Magalang na sagot niya.
"Sige. Bibilhin ko na." Inabot ko naman sa kanya yung isang libong piso. Binigay naman ng bata kay Samara yung bulaklak.
"Ate, wala po akong panukli eh."
![](https://img.wattpad.com/cover/120665189-288-k705932.jpg)
BINABASA MO ANG
The Heart Wants What It Wants
RomanceMula ng mamatay dahil sa malubhang sakit ang mapapangasawa sana ni Zaya, naging masungit na siya, palagi ding nakakunot ang noo neto at madalas uminit ang ulo niya. Until one day, may isang maganda at sexy na babae na napaka kulit. Palagi niyang ki...