Samara
Matapos naming maghabulan na parang bata ni Zaya, nagpunta kami sa may garden. Umalis na din yung tatlo. Nagulat na lang ako kasi kasama nila si Tyra. Gusto lang talaga nilang inisin si Zaya. Si Syrena naman nagpunta talaga siya dito dahil may business trip daw siya at binigay niya na din sa akin yung wedding inivitation nila ni Cassie. Si Irish at Tyra naman nanadya talagang sumunod sa akin dito.
Tahimik kaming nakaupo sa may damuhan ni Zaya habang pinagmamasdan yung mga bituin sa langit. Hindi pa din maalis ang ngiti ko sa aking labi, liligawan daw ako ni Zaya akala ko pa naman magpopropose na siya. Propose agad Samara? Aba bakit naman hindi diba? Napatigil ako sa pag-iisip ng may maalala ako, nawala din yung mga ngiti ko.
"Okay ka lang?" Takang tanong ni Zaya sa akin dahil bigla akong napatayo kaya naman tumayo din siya.
"Bakit mo pa ako liligawan eh may Perrie ka naman." Nakasimangot na sambit ko sa kanya. Tumawa naman siya ng mahina.
"Hindi naman kami ni Perrie eh."
"Hindi kayo? Pero nakita ko kayong naghahalikan. Pumunta ako sa bahay mo kasi nagpaalaam ako kina Manang Lucy tapos nung pauwi na ako nakita ko kayong magkahalikan ni Perrie. Dagdag mo pang magkayakap kayo." Inis na sabi ko sa kanya. Naiinis ako kapag naaalala ko yun.
"Ah yun ba? Sabi niya kasi bago niya ako ipaubaya sayo gusto niya akong halikan sa huling pagkakataon. Kaya kami nagyakapan dahil tanggap na niya na hanggang magkaibigan lang talaga kami." Paliwanag niya.
"Hmmmppp..."
"Huwag ka ng magselos sa kanya." Sabi pa niya at hinawakan yung magkabilang balikat ko.
"Eh si Natasha, diba mahal mo pa din siya hanggang ngayon." Naalala ko kasi na mahal na mahal pa din niya si Natasha.
"Oo mahal ko pa din siya pero narealize ko na kailangan kong mag move-on at mag move forward na kasi wala na siya. Kaya nga heto oh, liligawan kita."
"Hmmmm... okay. Bakit ka nga pala agad-agad na sumunod sa akin dito?" Gusto ko kasing malaman yung dahilan. Wala naman talagang sinabi sa akin sina Cara. Ang sinabi lang nila sa akin ay yun ngang nakausap daw nila si Zaya.
"Ah... ano... ahmmm..." Hindi niya naman masagot ng maayos yung tanong ko. Halatang hindi siya mapakali tapos hindi pa siya makatingin sa akin ng diretso.
"Ano?"
"Ano... sabi kasi nila Kate kapag punta mo dito maghahanap ka daw ng limang boyfriend at limang girlfriend kaya heto sinundan kita. Baka kasi maghanap ka talaga, maunahan pa nila ako." Nakayukong sagot niya. Para siyang bata kaya naman pinisil ko yung magkabila niyang pisngi na ikinasimangot niya.
"Hahaha. Naniwala ka naman?" Natatawang tanong ko sa kanya.
"Oo." Inis na sagot niya sa akin.
"Joke lang naman yun eh." Natatawa pa din na sambit ko sa kanya.
"Siyempre sa pagkakaalam ko ay patay na patay ka sa akin kaya pala namasukan kang katulong para mapalapit sa akin." Nakangising tugon niya sa akin kaya naman hinampas ko yung braso niya na ikinatawa niya.
----
Halos isang buwan na ng makabalik kami sa Manila, isang buwan na din akong nililigawan ni Zaya. Hindi ko naman siya sasagutin agad-agad no! Papakipot muna ako hihi. Masasabi kong napaka sweet pala niya, sorry na lang sa mga nagkakandarapa sa kanya dahil ako ang gusto ni Zaya my baby, my loves.
BINABASA MO ANG
The Heart Wants What It Wants
RomanceMula ng mamatay dahil sa malubhang sakit ang mapapangasawa sana ni Zaya, naging masungit na siya, palagi ding nakakunot ang noo neto at madalas uminit ang ulo niya. Until one day, may isang maganda at sexy na babae na napaka kulit. Palagi niyang ki...