Chapter 22

15.6K 510 60
                                    

Zaya

"Zaya, nasaan na si Samara? May pasalubong pa naman ako sa kanya." Tanong sa akin ni Ate Zaireen na may hawak hawak na paper bag. Galing kasi siyang Singapore kasama yung mga kasamahan niya sa trabaho.

"Wala na. Umalis na." Walang ganang sagot ko kay Ate.


"Oh, Hi there Ate Zai." Masiglang bati ni Perrie kay Ate. Napakunot naman yung noo ni Ate kay Perrie.

"Hi." Tipid na bati ni Ate kay Perrie. Dati pa man ay ayaw na ni Ate kay Perrie. Ayaw daw ni Ate sa pag-uugali ni Perrie, masyado daw kasing maldita.

"Bakit umalis si Sammy dito?" Tanong ulit ni Ate sa akin. Sasagot na sana ako kaso naunahan ako ni Perrie.

"May ginawa kasi siyang hindi maganda sa akin eh kaya pinaalis ni Baby Zaya." Sagot ni Perrie sabay kapit sa braso ko, napaka clingy niya talaga.

"Baka naman hindi sinasadya." Sabi naman ni Ate. Hindi niya pinansin yung sinabi ni Perrie.

"Sinadya niya yun Ate Zai. Kung anu-ano ba naman ang nilagay sa coffee ko. Hindi nga ako makahinga nun eh. Buti na lang nandito si Zaya."

"Baka kasi ikaw ang may ginawang hindi maganda kay Sammy." Mataray na sambit ni Ate kay Perrie. Sasagot pa sana si Perrie ng inunahan siya ni Ate.

"By the way, pinuntahan pala ako ni Helena nung isang araw. Inimbitahan niya ako sa engagement party nila ni Rhea. Nasabihan ka ba niya?" Close din kasi ni Ate Zai yung mga kaibigan ko.

"Yes Ate. Next next week na ata yun. Sabay na tayong pumunta."

"Okay. Sige na. Mauna na ako. Bye."

Pag-alis ni Ate, kinulit naman ako ni Perrie.

"Pwede ba akong sumama?" Malambing na tanong niya sa akin. Halos isang taon lang yung tinagal ng relasyon namin ni Perrie, nahuli ko kasi siya na may ibang kahalikang babae kaya naman ako na mismo ang nakipag break sa kanya pero kahit ganun naman naging magkaibigan pa din kami.

"No. Huwag na. Tsaka bakit ka palaging nandito? Hindi ka ba hinahanap ni Tito? Wala ka bang trabaho?"

"Eh kasi nga namimiss kita eh. Hmm meron akong trabaho hehe. Sige. Gotta go na. Bye baby Zaya." She kissed me sa may lips ko smack lang. Hinayaan ko na lang siya dahil alam kong grabe siya magtampo.

----

Nandito ako ngayon sa bakeshop na madalas kong bilhan. Papasok na sana ako ng mapatingin ako sa glass window ng bakeshop. Parang si Samara yun ah? pumasok naman ako agad sa bakeshop. Hinanap ko kung nasaan yung nakita ko kanina baka kasi mamaya namamalik mata lang ako. Hinanap ko pero wala naman, namamalik mata lang siguro ako. Nitong mga nakaraang araw kasi madalas kong mapanaginipan si Samara, nasanay din ako na walang araw na hindi niya ako kukulitin. Pinaalis mo diba? So kasalanan mong hindi nakikita si Samara palagi. Sabat ng isip ko.

Sa totoo lang nabigla lang ako nun, kasi nataranta ako nung halos hindi na makahinga si Perrie ng inumin niya yung kape na dala ni Samara. Tinikman ko yung kape nun, halos madura ko nga dahil maalat na maasim at maanghang ang lasa, bawal sa maanghang si Perrie. Naalala ko kasi dati nung nagdate kami may nakain siyang maanghang, halos mamula siya kaya naman sobra talaga akong natataranta pag ganun.

Nag-order naman ako ng cheesecake at sinabi kong dine in na lang. Naghanap naman ako ng pwesto, malapit sa may bintana. Natakam kasi ako sa cheesecake, naalala kong nagbake si Samara nun. Ang sarap niya ngang magbake eh parang namimiss ko yung cheesecake niya. Cheesecake niya o baka si Samara mismo ang namimiss mo? Sabat na naman ng isip ko. Bakit ko naman mamimiss yun eh napaka kulit nun. Pakielamera din. Pakikipagtalo ko sa isip ko. Natigil lang ako sa pakikipagtalo ko sa isip ko ng dumating na yung order ko. Nagpasalamat naman ako sa babae.

Pagkasubo ko ng cheesecake bigla kong naalala yung lasa ng cheesecake na binake ni Samara. Ganun na ganun ang lasa. Hindi kaya si Samara yung nagbake nito? Mas nagulat ako ng makita kong may lumabas sa isang pinto malapit sa counter, parang mini office ata yun. Nakangiting si Samara ang nabungaran ko, so hindi talaga ako namamalik mata kanina.

Kumunot naman yung noo ko ng mapansin kong may kasama siya. Nakakapit pa yung kamay niya sa braso ng babae. Tinignan ko naman yung babae mula ulo hanggang paa. Well, maganda yung babae kung titingin ka sa mga mata niya parang nang-aakit siya. Hmm sexy din siya pero mas sexy si Sam... nevermind. Hindi naman ako mahilig pumuri eh. Si Natasha lang naman yung maganda para sa akin at sexy na din. Hello Zaya, patay na si Natasha. Move-on, move-on din! Tatanda kang dalaga sige ka. Sayang genes. Sabat nanaman ng isip ko kaya naman napailing na lang.

Mas lalong kumunot yung noo ko ng marinig kong tumawa ng malakas si Samara. Nakaupo sila ng babaeng kasama niya malapit sa may pinto. Hindi ko marinig yung pinag-uusapan nila dahilan para tumawa siya ng ganun. Tsismosa lang? Sabat nanaman ng isip ko.

Tumayo naman silang dalawa at lumabas na ng bakeshop. Dali-dali din akong tumayo at sinundan sila. Tsk! Bakit ko ba naisip pang sundan sila?


Nakita kong nagpunta sila sa parking lot. Kung sinuswerte ka nga naman doon pa talaga sila sa tabi ng kotse ko. Ngayon ko lang napansin na may gasa yung isang braso yung kasama ni Samara. Parang may kumurot sa puso ko ng makita kong bumeso yung babae kay Samara. Kumaway naman si Samara dun sa babae, nang makaalis na yung sasakyan humarap naman si Samara sa gawi ko. Nagulat siya ng makita niya ako pero naglaho din yun agad, naka poker face na siya.

"Anong ginagawa mo dito?" Mataray na tanong niya sa akin.

"Ikaw kamo, anong ginagawa mo dito?" Balik na tanong ko sa kanya.

"Dito ako nagtatrabaho. So, anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?" Namanghang napatingin naman ako sa kanya dahil sa tanong niya.


"Ha? Bakit naman kita susundan? Kumain lang ako diyan sa may bakeshop no! Tapos nakita kitang may kalandian." Babawiin ko sana yung huli kong sinabi dahil bakas sa mukha niya na nasaktan siya sa sinabi ko pero inunahan niya akong magsalita.

"Kalandian? Malandi ba ang tingin mo sa akin ha? Nandito ako para magtrabaho! Matapos mo akong paalisin sa mansion mo ganyan sasabihin mo ha! Kung wala ka namang sasabihin, mauuna na ako sayo. Kailangan ko pang magtrabaho. Tsaka kaibigan ko yung tinutukoy mong 'KALANDIAN KO'." Diniin niya naman yung pagkakasabi niya sa huli.

Parang umurong naman bigla yung dila ko dahil wala akong masabi sa kanya. Hanggang sa namalayan ko na lang, wala na siya sa harap ko.


Anong ginawa mo Zaya? Tsk tsk! Alam mo namang hindi ganung klaseng babae si Samara. Sa katunayan nga siya yung babae na dapat nirerespeto at ginagalang. Bukod sa napakabait at matulungin ni Samara, wala ka naman atang nagawang maganda para sa kanya. Pangongonsensya ng isip ko.

Nung nasa mansion pa si Samara, nakikita ko siya minsan na tinutulungan niya si Marie at Roan sa mga home work nito o mga project. Minsan nga siya na yung gumagawa sa mga gawaing nakatoka kay Manang Lucy, napaka matulungin niya at aaminin ko na napaka buti niyang tao, pero anong ginawa mo Zaya? Ayan na naman yung konsensya ko.

Tamad akong naglakad papunta sa kotse ko.

----

(Edited)

The Heart Wants What It WantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon