Samara
Nililinis ko ngayon yung chandelier. Medyo nanginginig pa yung paa ko habang nakatuntong ako sa pinakuha kong hagdan sa isang guard dito sa mansion. Medyo takot pa naman ako sa matataas. Inutos kasi ni Zaya my loves na linisin ko daw itong chandelier na medyo puro maalikabok na. Nung una nga pinigilan pa ako ni Manang Lucy at ni Roan na huwag linisin 'tong chandelier dahil delikado daw. Yung guard daw minsan ang naglilinis nito. Pero sinabi kong utos yun ni Zaya, para ngang hindi pa sila naniniwala eh baka daw nagbibiro lang si Zaya.
Hello? Si Zaya? Magbibiro? Nako para ngang palaging Biyernes Santo ata ang araw nun. Palaging seryoso. Hindi man lang ngumiti. Para bang pasan ang mundo. Hmmpp kung hindi ko lang siya mahal! Oo mahal ko si Zaya kahit hindi ko siya lubos na kilala. Siya lang ang sinisigaw ng puso ko. My heart wants Zaya. Only her.
"Anong ginagawa mo?" Galit ang tonong tanong ni Zaya.
"Ano pa ba? Edi gagawin yung pinag-uutos mo." Para naman siyang timang. Malamang nililinis ko yung chandelier. Siya naman nag-utos nito eh. Ang gulo niyang kausap. Kung hindi ko lang siya mahal, lalayasan ko na siya eh. Mahal agad? Oo! Na love at first sight nga ako sa kanya eh.
"Bumaba ka diyan. Delikado 'yang ginagawa mo." Kunot noong utos nito sa akin.
"Ang gulo mo no? Ikaw nagsabing linisin ko 'to tapos papatigilin mo ako." Inirapan ko naman siya at pinagpatuloy yung paglilinis. Medyo nalulula talaga ako kaya hindi maiwasang manginig na naman ng mga binti at paa ko.
"I'm just kidding. Hindi ko naman alam na susundin mo ang utos kong 'yan. Bumaba ka na diyan." Kidding niya mukha niya. Hindi ko siya pinansin kaya pinagpatuloy ko na lang yung paglilinis. Nandito na din pala si Mang Lucy at Roan. Pinapababa na din ako.
Bababa na sana ako kaso nagkamali ako ng tapak kaya naman nahulog ako. Pumikit na lang ako. Jusko katapusan ko na po ba? Huwag naman po sana kasi hindi pa kami nakakasal ni Zaya my loves. Hindi pa kami nagkakaroon ng tatlong anak. Huwag niyo pa po akong kunin.
Ilang segundo akong nakapikit, nag-aantay na mabagok ang ulo. Nag-aantay na mabali ang sexy kong katawan.
"Napakatigas talaga ng ulo mo Samara." Napadilat naman ako ng maramdaman ko ang mainit na hininga ni Zaya na buhat buhat na pala ako. Nandito na din pala yung ibang katulong, nakatingin lang sa amin. Yung iba naman parang kinikilig pa.
Napalabi naman ako tsaka nagsalita.
"Eh sabi mo kasi linisin ko eh. Kaya naman sinunod ko inuutos mo. Alam mo namang lahat gagawin ko sayo eh." Mahinang bigkas ko sa huli kong sinabi sa kanya. Nahihiyang napayuko naman ako.
"Tsk." Tanging nasabi niya lang at ibinaba na niya ako. Hmmpp sayang feel na feel ko pa naman na parang bago kaming kasal sa buhat niya sa akin. Naamoy ko pa siya ang bango bango talaga niya.
"Sa susunod na gagawin niya ulit 'to huwag niyong bigyan ng hagdanan kung hindi masisisante kayo." Seryosong saad ni Zaya sa mga nandito. Nandito din yung isang guard. Tumango-tango naman silang lahat at halatang natakot kay Zaya.
"Hindi naman nila kasalanan eh. Ikaw kaya yung nag-utos na linisin yan! Tapos nagagalit kang nililinis ko yan kasi delikado! Ang gulo mo din ano!" Inis na sabi ko sa kanya hindi ko na napigilan yung sarili kong mapasigaw. Narinig kong napasinghap yung mga nandito. Totoo naman kasi eh ang gulo kaya niya tapos idadamay niya pa yung ibang tao. Tsk.
BINABASA MO ANG
The Heart Wants What It Wants
RomanceMula ng mamatay dahil sa malubhang sakit ang mapapangasawa sana ni Zaya, naging masungit na siya, palagi ding nakakunot ang noo neto at madalas uminit ang ulo niya. Until one day, may isang maganda at sexy na babae na napaka kulit. Palagi niyang ki...