Chapter 28

17.8K 517 52
                                    

Samara

Mahigit one week na mula ng mangyari yung sa amin ni Zaya. Sumakit puson ko dun my gosh! Nakuha na din niya yung first kiss ko.

Kung hindi pa siguro kumatok si Ate Helena nun baka tuluyan ng may mangyari sa amin ni Zaya. Sabi na eh may pagnanasa sa akin 'yang si Zaya. Tsk. Halos matawa ako nun nung mapansin kong nakatingin siya sa legs ko nung kumukuha ako ng damit na masusuot niya. Napansin ko din na napatingin siya sa aking hinaharap. Halos matawa ako sa itsura niya nun para kasi siyang natatae na ewan.



Nakakalungkot lang dahil matapos nun hindi ko na siya nakikita. Matapos niya akong pagsamantalahan tapos ganun na lang? Hmmpp!

"Mukhang malungkot ka ata?" Tanong sa akin ni Irish. Nandito nga pala siya sa bakeshop ko. Nilalantakan niya yung choco lava cake na binake ko.

"Hindi naman. May naisip lang. Hinay hinay lang diyan Irish." Sabi ko sa kanya.

"May naisip? Ano naman o sino? Eh ang sarap kaya ng binake mo. Don't worry hindi na ako magiging katulad ng dati."


"Sino naman ang iisipin ko? Ewan ko sayo Diana Irish."

"Oo hindi ka na nga magiging katulad ng dati. Ibang-iba ka na ngayon no! Anyways, nakita ko yung bagong cover ng isang sikat na magazine. Infairness ang hot mo dun tapos ang daring pa. Sino nga pala yung kasama mo dun na girl?" Nakita ko kasi kanina yung cover ng magazine, Siya yun tapos may kasama siyang girl. Magkayakap pa nga sila eh.





"Ah si Megan yun. Yung friend kong photographer kasi yung pinsan niya friend yung Megan. Nagmomodel pala minsan yung Megan kaya ayun." Kwento niya. Laking gulat ko kasi sa nalaman ko na nagmomodel pala siya pero bihira na lang daw dahil busy siya sa business nila. Napagkaalaman ko kasing hindi na daw niya natapos yung dentistry. Gustuhin ko man magtanong pa kung ano ang nangyari kung bakit siya biglang nawala eh ayaw naman niyang sabihin. Sabi niya hindi pa daw siya ready.


"Infairness, bagay kayo ha! Yieee. Bet mo ba siya?" Pagnunukso ko sa kanya.

"Sammy, may fiancé na yan ano ka ba. Tsaka wala akong nagugustuhan." Matamlay na sambit niya sa akin. Bakas na naman sa kanyang asul na mga mata ang lungkot.

"Bakit naman? Baka tumandang dalaga ka na niyan ha?" Biro ko sa kanya.

"Mabuti pa nga." Sakay niya sa biro ko.

"Uy Irish. Nandito ka pala." Biglang singit ni Kate. Nakipagbeso naman si Irish sa kanya. Nagpaalam din sa amin si Kate dahil magchecheck pa daw siya ng mga kulang na ingredients.

Nagkwentuhan lang kami ni Irish ng kung anu-ano ng biglang may tumawag sa akin.

"SAMARA!" Masayang sigaw ni Syrena.

"Uy Sy! Kamusta? Long time no see." Nakipagbeso naman ako sa kanya.

"Okay naman ako." Sabi niya. Naalala ko naman na kasama ko pala si Irish.

"Ay siya nga pala Sy, si Irish. Best friend ko." Pakilala ko kay Irish kaya naman tumayo si Irish.

"Uy ikaw pala yan Irish hehe." Parang kinikilig pang sabi ni Syrena kay Irish.

"Magkakilala kayo?" Takang tanong ko sa kanila.

"Ahmm yeah. Friend niya kasi yung friend kong photographer eh." Sagot ni Irish sa akin. Para namang bata si Syrena dahil nakita niya yung crush niya kaya naman binatukan ko siya.

"Hoy! Lagot ka sa fiancé mo." Sabi ko sa kanya. Natawa naman si Irish sa inakto ko. Nakwento kasi sa akin ni Syena na may crush daw siyang model kaya naman todo selos yung fiancé niyang si Cassie. Hindi ko naman alam na si Irish pala yung tinutukoy niya.

The Heart Wants What It WantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon