Samara
Kanina pa ako paikot-ikot dito sa kama, hindi ako makatulog. Kinikilig pa din kasi ako hanggang ngayon nung inaya akong lumabas ni Zaya my loves ko. Pinilit kong huwag mapangiti kanina dahil hindi siya makapalag sa mga utos ko sa kanya hihi. Under pala si Zaya hahaha hindi pa nga kami in-under ko na.
Kinabukasan maaga akong gumising, nagluto na ako ng almusal. Mukhang tulog pa yung mga tao. Ala sais pa lang kasi.
"Bango naman niyan Ate Sam." Sabi sa akin ni Roan, kasunod niya si Marie. Gising na pala sila. Si Manang Lucy naman naghahango daw ng sampay.
"Mukhang masarap 'yang niluto mong pancake ah." Sabi naman ni Marie.
"Siyempre naman. May kasama yang pagmamahal eh hihi." Napahagikgik na sabi ko sa kanila.
"Uyyy si Ate Sam, inlove na inlove talaga kay---" Hindi na natapos ni Marie yung sasabihin niya ng may sumabat.
"Kanino inlove si Samara?" Kunot noong tanong ni Zaya my loves kay Marie pero sa akin siya nakatingin. Gulu-gulo pa yung mga buhok niya at bahagya pa siyang humikab. Nakasuot lang siya ng malaking white na t-shirt tsaka naka jogging pants lang siya, kahit ganun lang suot niya hindi iyon nakakabawas sa kanyang kagandahang taglay.
"Ah-eh... Hindi ko po alam Ma'am." Mukhang natakot naman si Marie kay Zaya ko kasi naman ang aga-aga nakasimangot. Inirapan naman ako ni Zaya. Nagpaalam naman yung dalawa sa akin na maghahain na sila, patapos na din naman yung niluluto ko.
Aalis na sana kami pero tinawag kami ni Zaya.
"Sabay-sabay na tayong kumain. Tawagin niyo na sila sa labas." Bakas sa mukha ni Roan ang pagkagulat.
"Roan? Sabi ko tawagin mo na sila. Masamang pinaghihintay yung pagkain." Sabi pa ni Zaya na prenteng nakaupo at nagbabasa ng diyaryo.
"O-opo Ma'am." Magalang na sagot ni Roan sa kanya at nagtatakbo na palabas ng kusina.
"Maupo na kayo at kumain." Sabi ni Zaya sa amin ni Marie, kami lang naman tao dito. Nagtinginan pa kami ni Marie, naupo naman agad si Marie ako naman nakatingin lang sa nagbabasang si Zaya. Nagulat ako ng bigla siyang tumayo at pinaghila ako ng upuan.
"Maupo ka na. Tsk." Bulong niya sa akin. Ramdam ko yung init ng kanyang hininga na nagdulot sa akin ng kakaibang pakiramdam. Parang nagsitayuan yung mga balahibo ko.
"Sa-salamat." Nauutal na sambit ko sa kanya, sinuklian niya naman ako ng isang ngiti. Sana palagi siyang nakangiti. Napatingin naman ako kay Marie na nakatingin pala sa akin at nakangiti pa. Parang kinikilig pa siya sa amin, ako din naman kinikilig.
Saktong dumating na yung dalawang guard kasama si Manang Lucy at si Roan. Sabay-sabay kaming kumain ng agahan pero bago kami kumain, nagdasal muna kami.
Pagtapos namin kumain, niligpit na ni Roan at Marie yung mga pinagkainan namin. Si Manang Lucy naman abala sa pagdidilig ng halaman sa may garden. Ako? Eto nandito sa kwarto ni Zaya my loves ko.
"Hmmm ang kalat ngayon ah?" Sambit ko sa sarili ko. Ang dami kasing nakakalat na damit ngayon sa kwarto niya. Naliligo naman ata si Zaya, hindi niya alam na nandito na ako sa kwarto niya para maglinis.
Dinampot ko naman yung mga nakakalat na damit sa sahig. Tinignan ko na din yung sa ilalim ng kama niya baka meron. Kapa dito. Kapa dun. May nakapa ako kaya kinuha ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/120665189-288-k705932.jpg)
BINABASA MO ANG
The Heart Wants What It Wants
RomansaMula ng mamatay dahil sa malubhang sakit ang mapapangasawa sana ni Zaya, naging masungit na siya, palagi ding nakakunot ang noo neto at madalas uminit ang ulo niya. Until one day, may isang maganda at sexy na babae na napaka kulit. Palagi niyang ki...