Samara
"Ma'am, ayun yung sinasabi ko sa inyo nung nakaraan oh! Yung magandang babae." Sabi sa akin ni Jane habang tinuturo yung tinutukoy niya. Busy kasi ako sa pagchecheck ng kinikita namin dito sa bakeshop.
"Ma'am, dali tignan niyo!" Kinalabit pa niya ako kaya naman tinignan ko na yung tinuturo niya. Bigla na lang akong nagtago sa ilalim dito sa may counter. Oh my! Si Zaya! Buti na lang hindi niya ako nakita.
"Ma'am? Ano pong ginagawa niyo diyan?" Takang tanong sa akin ni Jane.
"Shhhh! Ikaw munang bahala dito. Tsaka ko na ikukwento sayo." Pabulong na sabi ko sa kanya buti na lang narinig niya. Tumango na lang si Jane sa akin.
"Good afternoon po Ma'am. What's your order?" Rinig kong tanong ni Jane sa kung sino man ang customer na yun.
"Yung dati pa din." Bigla namang bumilis yung tibok ng puso ko ng marinig ko yung boses niya.
"Okay po Ma'am."
"Here's your order Ma'am."
"Thanks. Keep the change."
Nag-antay ako ng ilang minuto tsaka ako sumilip. Nakahinga naman ako ng malalim ng wala na dito si Zaya.
"Ma'am, okay lang po ba kayo?" Takang tanong ni Jane.
"Ah, oo."
"Nakita niyo po ba siya Ma'am? Madalas siyang bumili dito ng blue berry cheesecake eh. Ang ganda niya po no? Kaso mukhang suplada."
"Suplada talaga yun." Sabi ko sa kanya.
"Ho? Kakilala niyo po ba siya?"
"Oo. Siya yung nakwento ko sa inyong babae."
"Kaya pala nabaluktot kayo Ma'am haha. Infairness kasi ang ganda niya talaga pero paano niyo pong nalaman na suplada talaga siya?
"Mahabang kwento Jane. Paano aalis na muna ako, pupunta ako sa bahay. Ikaw ng bahala dito ha? Pasabi din kay Kate na kayo na ang bahala dito." Bilin ko sa kanya, tumango-tango naman siya. Aalis na sana ako kaso bigla akong tinawag ni Jane.
"Ma'am, sandali lang po. Na c-cr ako. Kayo po muna dito. Sandali lang po talaga." Pumayag na ako. Wala kasi yung isang kasama ni Jane dito, absent daw.
"Hi. One chocolate cake please." Napatingin naman ako sa harap. Bumungad sa akin ang isang magandang babae. Para bang kapag tinignan mo yung mga mata niya eh parang maaakit ka pero kay Zaya lang ako maaakit hihi.
"Ahmmm, Miss? One chocolate cake."
"Ayy. Sorry. Wait lang po."
"Bago ka dito no?" Tanong nung babae sa akin habang nilalagay ko sa box yung order niya.
"Actually, isa ako sa owner nitong bakeshop." Sagot ko sa kanya.
"Ooohhh. Ngayon lang kasi kita nakita dito. Madalas akong bumili dito sa bakeshop niyo." Nakangiting sabi pa niya. Inabot ko na sa kanya yung cake.
"Wow. Nice." Nakangiting sambit ko.
"By the way, I'm Syrena nga pala." Nakangiting inilahad niya naman yung kamay niya.
BINABASA MO ANG
The Heart Wants What It Wants
RomanceMula ng mamatay dahil sa malubhang sakit ang mapapangasawa sana ni Zaya, naging masungit na siya, palagi ding nakakunot ang noo neto at madalas uminit ang ulo niya. Until one day, may isang maganda at sexy na babae na napaka kulit. Palagi niyang ki...