Tabi tabi po! (Live sale)

3.7K 92 5
                                    


Tulala at bumabaha ang luha habang nakatanaw ako sa kawalan. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Bakit nagkasabay-sabay pa ang problema ko. Bakit kung kaylan wala akong trabaho ay saka pa naospital ang tatay ko? Bakit ngayong pang butas na butas ang bulsa ko? Mahina na si Nanay at oo ako nalang ang bumubuhay sa kanila. Nag iisa akong anak nila kaya ako at ako nalang talaga ang gagastos para sa kanila. Hindi naman kami makakalapit sa kamag anak namin dahil matagal na namin silang hindi nakikita o nababalitaan.

Biglang nag ring ang cellphone ko na nasa bulsa ng pantalon ko. Agad kong dinukot iyun at nakita kong si Nanay ang tumatawag.

"Hello po nay?"

"Anak, Jacob 20 thousand ang kailangan nating bayaran para maoperahan ang tuhod ng tatay mo." Dinig ko palang sa perang binanggit ni nanay ay lalo ng nalukot ang mukha ko. Saan ako kukuha ng ganung kalaking pera?

"Sige po nay, gagawan ko ng paraan yan. Maghahanap ako ng pagkakaperahan natin."

"Pasensya ka na anak. Mag iingat ka at pag may pera kana, tumuloy ka kaagad dito sa ospital."

"Sige po nay."

Pagkababa ko ng aking telepono ay naglakad lakad na agad ako. Naisip kong manghiram sa mga kaibigan ko ng pera, pero kapos din sila kaya naisip kong maghanap nalang ng trabaho sa kahit na anong pwedeng kumita ako.

Pumasok akong taga linis sa carwash. Naging taga urong din sa isang karinderya at taga buhat ng bigas sa bigasan. Tanghali na pero kapos na kapos parin ang kita ko. Binilang ko ang pera sa bulsa ko at ni hindi manlang ata umabot ng isang libo. Pagod at gutom ang inabot ko. Kitang kita sa suot kong puting t-shirt ang pawis na tila ba galing lang ako sa banyo. Basang basa ako ng pawis. Iiling iling ako habang hawak ko ang kaunting pera na kinita ko.

Maya maya ay isang lalaking maganda ang porma ang biglang lumapit saakin.

"Mukang problemado ka tol ah?" Hindi ko siya kilala pero sumagot naman ako.

"Naospital kasi ang tatay ko. Kailangan ko ng malaking pera."

Tumango siya at tinitigan ako mula ulo hanggang paa.

"50 thousand mahigit kayang kaya mong kitain sa isang gabi lang."

Napatingin agad ako sa kanya. Teka baka modus ito ah. Baka droga iaalok saakin nito. Sari-saring masama kutob ang naisip ko agad sa kanya.

"Ang laki? Anong klaseng trabaho ba yan?"

"Tol isang libo lang ang puhunan mo." Sagot niya. Sabi ko na nga ba eh. Manghihingi ito ng isang libo at sasabihing ipapasok ako sa trabaho. Tapos pagdating ng oras tatakbuhan naman ako. Naku hindi na. Wag ako.

"Hindi na tol. Alam ko na yung mga ganyang eksena. Modus yan pre!" Sagot ko.

"Ito oh! Ikaw na bibigyan ko. Puhunan mo na yan. Tulong ko na sayo. Mga damit at katawan lang ang kailangan mo. Yang isang libo, ibili mo yang ng jacket, t-shirt, pantalon at brief sa ukay-ukay. Ipapasok kita sa bar na pinagta-trabahuhan ko."

Nagtaka ako na siya pa nagbigay ng pera saakin. Inisip ko na baka hulog na ng langit ito kaya hindi na ako nagdalawang isip. Sinunggaban ko na dahil kailangang kailangan ko na ng pera ngayon.

Tabi tabi po!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon