Tabi tabi po! (Look What You Made Me Do 3)

2.2K 71 2
                                    


(Look What You Made Me Do 3)

Lupaypay at tulala ako matapos akong pagsamantalahan ng labing tatlong dimonyong. Hindi ko aakalahing mabubuhay pa ako dahil sa buong magdamag, sunod sunod sila na ginalaw ako. Nakapasakit at tila umaapoy sa init ang pagkababae ko. Mahapdi na di ko mawari lalo na't lahat ata sila ay pinutukan ako sa loob.

Ilang buwan akong nakulong sa kwartong ito. Naglagay sila ng tv sa loob kaya nakikita ko ang ginagawa ng clone ko na ginawa nila na magpapasikat saakin. Walang kahirap-hirap ay pinagkakaguluhan na ako ngayon sa buong pilipinas. Sa ilang buwan na nakulong ako dito ay maraming nagawa para saakin ang clone ko. Habang ako naman ay araw-araw na naghihirap dahil sa isang anak ng diablo na dala-dala ko. Mahirap dahil para akong sinusuntok sa loob ng batang ito. Malikot kasi siya.

Isang buwan nalang ang hihintayin  ko at makakalaya na din ako sa impyernong ito. Sising sisi ako. Napakalaking hirap ang dinanas ko. Dapat nakinig ako sa kanilang lahat. Dapat nakinig ako kay Papa. Miss na miss ko na sila. Lalo na si Mama. Nagsisisi ako ng dahil sa inggit ay dinanas ko ang parusang ito. Dahil sa katakawan kong sumikat ay nababoy ang pagkatao ko. Makatakas lang ako ay hinding hindi na ako babalik sa impyernong ito.

Minsan dinadalaw ako ni Katty. Gusto ko siyang sapakin. Gusto ko siyang patayin! Siya ang may kasalanan nito. Siya ang dahilan ng kamalasang ito. Kung sinabi niya lang saakin ang mangyayaring ito ay dapat hindi na ako tumuloy. Kahit hindi ko siya pinapansin ay tuloy parin siya ng tuloy sa kwarto ko. Marami siyang sinasabi saakin. Tulad ng pag nanganak ako ay tiba-tiba na ako sa pera. Paglabas ko daw dito ay sikat na ako. Saka isa pa, hindi lang daw naman ako ang nakaranas nito. Pati din daw siya at lahat ng sikat na artista ngayon. Bago daw sila namayagpag sa buong pilipinas ay nakadanas din sila ng paghihirap. At lahat din daw sila ay nagkaroon ng anak sa dimonyo. Isa pa sa nalaman ko ay hindi lang pala puro lalaki ang dimonyo dito. May mga babae din at sila naman ang inaanakan ng mga lalaking gustong sumikat.

*****

1 month later...

Pawis na pawis at napakasakit na ng tiyan ko ngayon. Ito na ang araw ng panganganak ko. Nasa harapan ko ngayon ang labing tatlong diablo at isang babae na mag aasikaso saakin. Ang mga dimonyo ay anyong tao ngayon. Mga gwapong lalaki ang istsura nila ngayon, na kapag nakita ng mga babae eh maakit ka. Nandito daw ang mga yan dahil isa daw kasi sa mga ito ang ama ng anak ko. Makikita daw nila sa magiging itsura ng bata kung sino ang kamuka ay siya  ang ama nito. Patawarin sana ako ng maykapal. Hindi ko inaakalang gawa ng diyos ang aanakan lang ng mga dimonyo. Hindi tama.

"Ano ang nararamdaman mo Selena?" Tanong nung babae.

"Napakasakit! Sobrang sakit!" Sagot ko. Tila kasi mabibiyak na yung tiyan ko. Tapos para bang mainit ito na may sumisipang kung ano.

Maya maya pa ay hindi ko na kinaya. Grabe na yung sakit kaya nagsimula na akong manganak. Naka ilang sigaw ako at matapos ng ilang minuto ay nanganak din ako.

"Si Zayn. Si Zayn ang ama ng batang ito." Yun ang huli kong nadinig matapos akong mawalan ng malay-tao.

*****

Pagmulat ng aking mata ay nagulat ako. Ang lakas ko na agad. Para akong hindi nanganak. Tumayo pa nga ako. Wala na din ang mga gapos sa katawan ko.

"Congratulation! Maari ka ng lumabas sa kwartong ito." Nagulat ako sa biglang pag sulpot ni Zayn. Ang ama ng demonyo kong anak.

Tabi tabi po!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon