Tabi tabi po! (Kulam)

2.2K 66 1
                                    

(Kulam)

Josie's POV

Galit na galit at nakaabang na naman si Rossette sa harap ng bahay namin. Hindi ko kasi alam kung paano ko ba mababayaran ang isang daang libo na inutang ko sa kanya. Limang buwan na siyang naghihintay saamin pero hindi parin namin siya mabayaran ng asawa ko. Maliit lang kasi sweldo ng asawa ko kaya paunti-unti ang hulog namin. Isa pa may ibang mga utang din kami sa mga katrabaho niya. Hindi ko nga alam kung bakit naging ganito ang buhay namin. Gipit na gipit at tila kinakarma kami.

"Hoy Josie! Lumabas ka diyan. Asan na ang bayad mo!? Pambihira napakatagal na nang utang nyo ah! Josie?!" Sigaw na sigaw si Rossette sa labas. Nag iiskandalo ito na tila pinapahiya kami sa aming mga kapitbahay.

Hindi ko alam na ang pagiging matalik naming magkaibigan eh maghahantong sa ganitong alitan. Galit na siya saakin at hindi na ako masyadong pinagkakausap.

Maya maya ay nakita kong biglang dumating ang asawa ko kaya siya ang nakausap ni Rossette. Nagulat ako ng biglang umaliwalas ang mukhang galit ni Rossette.

Matapos ang pag uusap nila ay maayos na umalis si Rossette. Pagkatapos nun ay pumasok na sa loob ng bahay si Randy.

Hindi ko alam kung ano ang napag usapan nila. Hindi ko din alam kung bakit pagdating sa asawa ko ay nagiging maaliwalas ang mukha ni Rossette. Dati bali-balita na may gusto si Rossette sa asawa ko. Diwa-diwara yun noong high school pa kami. Pero dahil matalik na kaibigan ko si Rossette at alam kong hindi niya magagawa ang bagay na ahasin ang asawa ko ay hindi ako naniniwala sa chismis nayun.

"Anong napag usapan nyo? Bakit natigil sa pagtatalak si Rossette?" Tanong ko agad ng pumasok na siya.

Hindi siya agad nakasagot. Tahimik at walang emosyon ang mukha niya.

"Wala. Sabi ko sa susunod na buwan mababayaran ko na kako siya ng buo. Yun lang." Sagot niya at agad na umakyat sa itaas.

Naawa ako sa asawa ko. Alam kong malaki na ang hirap niya. Pagod na pagod siya sa mga araw araw na trabaho na alam kong pilit niyang kinakaya.

Binaba niya ang phone niya sa may sofa kaya nagulat ako ng may mabasa akong message na biglang umilaw yun.

"Hihintayin ko yung sinabi mo...." Basa ko sa phone niya na number lang ang nagpadala.

Sino kaya itong nagtext na ito? Pinagwalang bahala ko lang ang message nayun dahil ang akala ko ay sa trabaho lang yun. Pero hindi ko alam na yun pala ang unang hudyat na mawawala ang asawa ko sa buhay ko.

Ilang araw na siyang naging cold saakin. Ilang araw na siyang gabi kung umuwi. Ilang araw na din na naamoy kong may nahahalong ibang pabango sa damit niya. Pabangong alam kong sa babae nanggagaling.

Kinukutuban na ako. Nararamdaman kong may iba ng nangyayari.

Hanggang sa may nakita akong kagimbal gimbal sa phone ni Randy. Tulog siya nun ng makita kong may message na natanggap ang phone ni Randy.

"Hindi mo ako pwedeng iwan. Ang usapan natin ay isang buwan kitang matitikman. Ano itong kalokohan mo na ayaw mo na? Nakaka kalahating buwan palang tayo. Baka naman gusto mo pang takutin kita. Ito maghintay ka. Ikakalat ko ito..." Habang nagbabasa ako ng message ay hindi ko napigilan ang sarili ko. Tumulo na ng tumulo ang luha ko. Hanggang sa isang video ang sinend niya.

Nanlaki ang mata ko sa napanuod ko. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Mga hayop!

Inakyat ko si Randy sa itaas. Natutulog siya ng ibalibag ko sa kanya ang cellphone niya. Sa lakas ng tama ng phone niya sa mukha niya ay napabalikwas siya ng tayo.

"Ano bang problema mo?!" Galit niyang tanong.

"Problema? Ayan? Panuorin mo ang kalawaswaan nyo ni Rossette! Nakakadiri kayo! Kailan mo pa ako niloloko? Kailan nyo pa yan ginagawa?! Grabe ka Randy!"

Napapailing na agad na sumagot si Randy saakin. "Ginagawa ko ito dahil iyun ang bayad natin sa utang natin sa kanya. No choice na tayo, Josie. Wala na akong maiibabayad pang iba kundi katawan ko nalang. Gusto niyang magtalik kami ng maraming beses. Yun ang mangyayari sa isang buong buwan na ito. Ang totoo ay hindi ko talaga sinabi sayo dahil alam kong magagalit ka. Saka isa pa nandidiri narin ako kaya umayaw ako kaya lang hindi ko alam na may video pa pala siyang hawak ng sex namin. Sorry Josie, kailangan ko sigurong sundin ang napag usapan namin. Ayokong masira ang pangalan ko na baka ipagkalat pa niya ang video namin."

"Anong gagawin mo? Babalik ka pa sa kanya? Magtatalik pa kayo ng maraming beses?" Tanong ko. Hindi parin ako matigil sa pag iiyak.

"Oo. Ayoko kasing makulong ang babaeng ayokong mawala sa buhay ko. Ayokong makulong ka. Pinagpaplanuhan na niya yun kaya wala akong nagawa kundi sumunod sa gusto niya. Huwag kang mag aalala. Tatapusin ko na ang isang buwan na usapan namin."

Nagulat ako ng kumuha ng isang bag si Randy. Nag silid siya ng mga damit doon at iba pa niyang mga gamit.

"Hintayin mo ako. Babalikan kita, Josie..." Siniil niya ako ng halik sa labi ko at pagkatapos nun ay tuluyan na niya akong iniwan.


******

Randy's POV

Maluha luha ako ng umalis ako sa bahay namin. Hindi ko kayang makita pang umiiyak ang asawa ko. Naawa ako kay Josie. Mabuti nalang at wala ang anak namin. Mabuti nalang at kinuha muna siya ng lola niya. Dahil kung nagkataon na makita niyang umiiyak ang mama niya ay baka lalo na akong maluko. Ayokong nakikitang malungkot ang pamilya ko. Tatapusin ko na ang isang buwan na ito sa amin ni Rossette. Pagkatapos nito ay aayusin ko na ang amin ni Josie.

Andito na ako sa harap ng bahay ni Rossette. Agad akong pumasok sa bahay niya. Sinabihan ko siyang mag ayos ng gamit dahil lalayo muna kami. Doon nalang muna niya ako pagsamantalahan sa malayong lugar para hindi masyadong nakakahiya sakaling may aberyang mangyari.

Nagpunta kami sa malayong malayo sa lugar. Ilang araw palang na nakasama ko si Rossette ay hinang hina na ako. Grabe sa lib*g na babaeng ito. Walang oras na hindi ata ako natitikman. Mayroong habang kumakain kami ng tanghalian ay bigla nalang siyang pumupunta sa ilalim ng lamesa at magugulat nalang ako na binunuksan niya ang zipper ng short ko. Habang kumakain ako ay pinaglalaruan niya ang ari ko. Kahit diring diri ako sa ginagawa niya ay wala akong nagawa kundin pumayag nalang. Araw araw nakaka ilang palabas ata ako ng likido ng dahil sa kanya. Sinusulit niya talaga ang bawat araw na magkasama kami.

Tulad nito. Alas kwatro na ng madaling araw ng magising ako. Nagulat nalang ako ng pagmulat ng mata ko ay nakapatong siya saakin at nasa loob na ng ari niya ang pagkalalaki ko. Tulad ng sabi ko, gusto ko mang tumanggi ay wala naman akong nakakagawa.

Pero ng malapit na akong labasan ay hindi ko yun nahugot dahil ayaw magpatanggal ni Rossette. Natakot ako ng sa loob ko siya naputukan.

"Tang ina mo! Bakit mo ginawa yun?" Galit ko kaagad na tanong habang inaalis ko ang ari ko sa pagkababae niya.

"Ayos lang yun. Hindi naman kita hihingan ng pera sakaling magkaanak tayo. Hindi kita guguluhin. Saka anong mapapala ko sayo eh, wala ka namang pera. Basta ang saakin lang ay paligayahin mo ako gamit nitong masarap mong katawan."

Hindi pa siya natigil ay muli na naman siyang pumatong saakin. Ang madaling araw nayun ay naging  malagim na pangyayari na nakita ko sa buong buhay ko.

Nagulat kasi ako na habang nagtatalik ulit kami ay nilabasan ng isang damak damak na karayom sa tiyan si Rossette. Sa gulat at sakit na naramdaman niya ay napasigaw siya.


-To be continued-

Tabi tabi po!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon