Tabi tabi po! (Kulam 2)

2.7K 68 3
                                    


(Kulam 2)

Randy's POV

Nagbihis ako kaagad at inaksyunan ko ang nangyayari kay Rossette. Puro dugo na ang tiyan niya. Maya't maya ay may lumalabas na karayom sa tiyan niya.

"Anong nangyayari saakin?!" Sigaw ng sigaw si Rossette.

Kahit ako ay hindi ko masagot ang tanong niya. Nakakakilabot. Parang ganito yung nakikita ko sa mga palabas sa telebisyon na kinukulam o binabarang. Hindi ako sure kung yun nga ang nangyayari sa kanya.

Maya maya ay bigla nalang nawalan ng malay-tao si Rossette. Bumagsak ang katawan niya sa sahig. Agad ko naman siyang binuhat at inihiga sa kama. Tinignan ko ang tiyan niya. wala ng lumalabas na karayom. Wala na ding dugo. Pero bakas parin ang mga sugat na gawa ng karayom.

Nang maging ayos na ang lahat ay nagpahinga nadin ako.

*****

10:30am ng magising ako. Naamoy ko kasing may mabangong pagkain na nagluluto.

Bumangon na ako sa kama at agad na pumunta sa kusina. Ang buong akala ko ay si Josie ang madadatnan ko. Nagulat nalang ako ng ang makita ko ay si Rossette. Naalala ko, siya pala ang kasa-kasama ko nitong buong isang buwan na ito. Naalala ko tuloy ang nangyari kaninang madaling araw.

"Kamusta ang tiyan mo?" Tanong ko sa kanya.

"Okay na. Wala nang karayom na lumalabas. Grabe, ang creepy nun. Bakit kaya ako nagkaganun?"

Nang malaman kong ayos naman na siya eh, hindi na ako sumagot sa kanya. Naupo nalang ako sa at agad naman niya akong pinaghanda ng makakain.

"Nga pala. Maghanda ka dahil may mga amerikano tayong bisitang dadating. Kumain ka ng kumain diyan at ipaghahanda na kita ng susuotin mo para sa film natin mamaya."

"Film?" Tanong ko agad.

"Kailangan mo ito para magkapera ka. Para saiyo ito. Para sainyo ni Josie. Makakatulong ito para mabayaran nyo na ang lahat ng utang nyo. Alam kong hindi lang saakin kayo may utang. Wag nyong hintayin na makulong kayo dahil sa hindi pagbayad ng utang nyo. Kaya wag ka ng tumanggi."

Naguguluhan ako sa sinasabi niya.

"Anong film ba kasi? Anong gagawin?" Tanong ko parin.

"Magsesex tayo habang bini-videohan nila tayo." Sagot niya na agad nag patayo saakin.

"Ano?! Ang ibig mong sabihin ay gagawa tayo ng scandal?!" Galit kong tanong.

"Yup. Kalma. Hindi pa ako tapos. Wag kang mag alala. Ipapa hide ko naman ang magiging video natin dito sa pilipinas. Ang ibig sabihin niyan ay sa ibang bansa lang ito mapapanuod. Sa isang porn site ilalagay ang video natin at doon tayo kikita. Pero babayaran nila tayo kaya wala na tayong pakelam sa magiging benta ng video."

Maraming paliwanag ang sinabi saakin ni Rossette bago ako napapayag. Isa pa, nalula din kasi ako sa bayad na sinabi niya. Apat na million ang bayad. Maghahati kami don at ibig sabihin, dalawang milyon ang mapupunta saakin. Instant milyonaryo na agad ako.

Maya maya ay dumating na ang tatlong americano. Dahil mahina ako sa english ay si Rossette ang nakikipag usap dito. Ako naman naligo na at inayos ang sarili ko. Matapos nun ay lumabas na ako at humarap sa kanila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 03, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tabi tabi po!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon