Tabi tabi po ( Look What You Made Me Do)

2.8K 81 6
                                    

(Look What You Made Me Do)

Lahat ng kasabayan ko umangat na. Lahat sila kumikita na ng malaki. Lahat sila sikat na sikat na. Ako nalang talaga ang naiwan sa dilim na kung saan ay wala manlang pumapansin sa natatangi kong galing pagdating sa pagkanta at pag sayaw. Highschool palang ibinabahagi ko na ang talento ko sa lahat. Kumakanta pa ako sa Mall baka sakaling mag viral. Palagi din akong nagcocover ng mga kanta at ina-upload sa facebook, pero wala. College na ako pero wala parin ako sa tuktok na gusto kong maakyat.

"Anak, napakinggan ko ang bagong kanta ng kaklase mo. Grabe siya. Sikat na sikat na siya at number pa agad sa top 100 billboard philippines ang kanta niya."

"Kaya nga po mama. Iba na talaga sila. Lalo na yang si katty Gomez. Nakaka-inggit!" Napasimangot tuloy ako.

"Okay lang yan Selena. Pagbutihan mo lang at mapapansin ka din ng mga tao. Saka anak  mas magaling ka pa nga sa mga yan. Balang araw magiging sikat kadin." Ayan ang gusto ko sa nanay ko eh. Nag iisang number one fan ko yan. Palagi siyang positibo sa lahat kaya hindi ako nawawalan ng pag asa. Pinalalakas niya ang loob ko.


"Hayaan nyo po Mama, pinapangako ko po sainyo na mga kanta ko naman ang kahuhumalingan nyo balang araw."

"Hindi na ako makapag-hintay." Aniya sabay niyakap ako.

******

Ginayak ko ang camera ko, gitara at nag ayos ng sarili. Magko-cover ulit ako ng kanta. Pinaghusayan kong mabuti ang pagkanta para pak! Laban! Sana lang magustuhan nila.

Minsan nakakadalawang take ako ng kanta. May time kasi na nagkakamali ako sa lyrics. Minsan naman ay nawawala sa tono. Pero pagkatapos kong mag-video ay agad ko namang ina-upload sa facebook account ko. Atat na atat na talaga akong sumikat. Gusto ko ng bigyan ng maraming pera ang Mama.

"Ayan na naman. Trying hard talaga!"

"Walang wala. Kasawa ka na girl!

"Napag iwanan na si ateng kaya papansin nalang ginagawa!"

"Oo nga. Balita ko kasabayan niyan si Katty Gomez."

At syempre sa bawat upload ko ng video ko ay hindi ako nawawalan ng bashers. Sila lang naman palagi. Sila pang mga classmate ko ngayong college. Sumikat lang talaga ako, who you saakin ang mga yan!

Habang pinakikinggan ko ang cover song ko ay biglang nag message saakin si Katty Gomez. Saya at inggit ang naramdaman ko. Ewan ko, basta naiinggit ako.

"Hi! Selena! Napanood ko yung bago mong cover. Di ka parin kumukupas. Galing mo parin," message niya na kinatuwa ko. Totoong tao si Katty at noon pa man mabait naman talaga siya.

Agad naman din akong nagreply. "Ikaw ang tunay na magaling Katty! By the way, congrats! Number one ang kanta mo sa top 100 billboard Philippines. Iba ka na talaga!"

Napapailing nalang ako habang hinihintay kong magreply siya. Hindi ko kasi mapigilan ang kilig ko. Ka chat ko ngayon ang isa sa pinaka sikat na artista ngayon sa pilipinas. Artista na tinitingala ng lahat.

"One time magkita tayo. Siguro oras na para mag shine ka din. Sana lang lakasan mo ang loob mo dahil kakaiba itong gagawin mo. Para ito sayo at para sa future mo." Nalito ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong pinupunto niya.

Tabi tabi po!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon