Tabi tabi po! (Look What You Made Me Do 2)

2.2K 74 1
                                    

(Look What You Made Me Do 2)

Hindi na ako lumabas pa ng kwarto ko kahit katok ng katok ang Mama ko sa pintuan. Hindi narin ako nakakain ng hapunan. Hinanda ko na ang sarili ko. Ang sabi ni Katty maghanda na daw ako dahil sasabik ako sa kakaibang ritwal. Masakit at kailangan sundin kung ano man ang iuutos ng pinuno nila. Ang sabi pa niya ay tamang tama talaga ako dahil kailangan daw sa kanila ay virgin bago pumasok sa 666 club. Medyo creepy kasi alam kong masamang number ang pangalan ng grupo nila. Pero okay lang. Desidido na ako. Kahit ano ang ipagawa o kahit napakasakit okay lang. Hindi na ako aatras. Laban kung laban lang.

Alas kwatro na ng madaling araw. Andito ako ngayon sa desk ko at nagsusulat para sa Mama ko. Matapos magsulat ay ginayak ko na ang sarili ko. Yes, tatakas ako. Alam ko kasing hindi ako papayagan ng Mama ko. Pero isa lang ang sinusigurado ko. Pagbalik ko sa bahay na ito ay siguradong magiging proud na sila saakin. Ipapakita ko sa lahat ng basher ko na iba ako.

Sinabit ko na ang bag ko sa likod ko at lumabas na ng kwarto ko. Dinikit ko sa pinto ng refrigerator ang liham ko para kay Mama. Matapos nun ay tuluyan na akong lumabas ng bahay namin. Medyo madilim pa sa labas. Kahit natatakot man ay pilit kong tinahak ang daan hanggang sa makarating ako sa tagpuan namin ni Katty. Sa park nakita ako ang magarang sasakyan na sigurado akong si Katty na. Nang matanaw niya ako ay agad siyang lumabas ng kotse.

Nasilaw ako dahil napakaganda na niya ngayon. Artistang artisa talaga ang dating. Niyakap niya ako. Medyo naluha ako kasi ito na talaga. Matutupad na ang pangarap ko.

"Finally! Halika na. Dadalin na kita sa pinuno natin."

Sabay na kaming pumasok sa loob ng kotse. Grabe lang. Pag upo ko sa loob ng kotse ay marami akong kakaibang bagay ang nakita. May mga ulo ng mga hayop na nakasabit sa harap ng bintana. Tapos may mga sticker din na puro mata at syempre, hindi mawawala ang pangalan ng club. 666 Club.

Ang tahimik namin. Hindi ako sanay. Kaya binasag ko ang katahimikan. Nagtanong na ako kay Katty.

"Malayo ba ang pupuntahan natin?"

Ngumiti siya. " Yes, tatlong oras ang tatahakin natin. Liblib kasi at nasa gitna ng isang bundok ang ating hide out. Kaya if i were you, matulog ka muna dahil halatang wala ka pang tulog dahil nangingitim ang ilalim ng mata mo." Natawa naman ako sa sinabi niya. Pero tama siya. Wala pa talaga akong tulog dahil isip isip ko buong magdamag ang mangyayari mamaya. I hope na makayanan ko ang lahat.

Pinikit ko ang mga mata ko at hindi nagtagal ay nilamon na din ng dilim ang paningin ko.

****

Isang tapik sa mukha ang gumising saakin. Ngiti ni katty ang bumungad sa aking paningin. "Gumising ka na girl. Andito na tayo." Sambit niya.

Inayos ko ang sarili ko at saka kami tuluyang bumaba. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang isang mataas na gusali na kulay pula. Sa tuktok nito ay nabasa ko ulit ang pangalan ng club na sasalihan ko. 666 Club. Ang creepy!

"Ano pa hinihintay mo?" Tanong bigla ng nakangiting si Katty.

Napatinag tuloy ako bigla, "Sorry! Nakakamangha kasi yung kulay ng building na ito. Kakaiba. Nag iisang kulay red na building sa gitna ng bundok. Amazing!"

Tumawa siya. "Ganyang ganyan din ako nung una." Saad niya.

Nag simula na kaming maglakad. Sa entrance ng building ay may dalawang gwardya na sumalubong saamin. Nagulat ako sa ginawa ni Katty na pagbati sa dalawa. Nag sign kasi ng parang number six si Katty sa mata niya. Yun yung parang saludo nila sa isat-isa.

Tabi tabi po!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon