Bakit ang hirap tanggapin na meron ka ng iba?
Bakit?
Porket mas maganda siya sa akin?
Hindi naman ganda ang usapan, pagdating sa pag ibig.
Na dadaan lang sa mga kolorete sa mukha
Kung sa magandang katangian lang ay may laban pa ako.
E wala, siya na.
Ako na ang talo!
May nanalo na.
Tara uwian na.
Kung dadating ang araw na mapansin mo ang lihim kong pagtingin
Sana ikaw pa din ang nasa puso at isipan ko
Baka kung mangyari man iyon,
Baka may iba na ako
Sana kaagad mong mapansin ang pag ibig ko
Para may habol ka pa.
Bakit kapag mahal mo ang isang tao e hindi naman niya kayang y din ng pagmamahal?
Ang saklap di ba?
Mahal mo siya, mahal niya iba.
Kaya ang puso mo ay nalilito
Kung dapat pa bang ipagpatuloy
O susuko na.
Handa ka bang ibigay ang lahat?
Para makuha mo lang siya?
Kung kaya mo, go.
Ituloy mo ang nasimulan mo
Pero kung hindi, okay tama na.
Nasasaktan mo lang ang sarili mo.
Baka makadamay ka pa ng ibang tao.
Bakit?
Puro bakit nalang ba ang itatanong mo?
Pwede bang maiba naman?
Hindi ka pa ba nagsasawa?
Baka yung mga taong nakapaligid sayo, sawang sawa na.
Kaya itigil mo na ang kabaliwang ito.
Bakit?
Hindi na tama.
Isang malaking kamalian na ang lahat ng ito.
Ito nalang..
Mahalin mo muna ang sarili mo.
Bago ang iba.
Patawarin mo din muna ang sarili mo
Bago ang iba.
Kung natapos mo na ang lahat ng kailangang gawin..
Pwede ka ng tumingin at humanga.
Huwag kaagad magmahal..
Nagmamadali?
May lakad ka ba?
Kung meron na.
Pahalagahin mo muna ang oras at panahon na kasama mo siya.
At magpasalamat na dumating ang isang tulad niya.
Dahil siya na ang sagot sa madami mong tanong na bakit.
Bakit?
Hindi ko din alam.