OO NA

29 0 0
                                    

Alam mo, masakit palang marinig..
Galing mismo sa bibig ng taong mahal mo
Ng tanungin mo siyang..
"Mahal mo pa ba ako?"
Ang sagot niya, "Ewan ko."
Anong mararamdaman mo nun?
Siyempre masakit di ba?
Kase sa mga panahon na yun ay natutunan mo na siyang mahalin.
Tapos biglang sabi niya na hindi kana niya mahal
Meron ba akong ginawang mali?
Para gawin mo ito sa akin?
Parang hindi naman ata yun patas..
Kung masasaktan ako dapat ikaw din.
Para maramdaman mo ang nararamdaman ko ngayon.
Tuwing ako'y nag-iisa
Hindi ko pala namamalayan na pumapatak na pala ang aking mga luha
Kase naalaala ko ang mga panahon na magkasama tayo
Yung mga panahon na magkasama tayo
Hindi natin iniisip ang mga sasabihin ng mga ibang tao..
Pero bakit ngayon iniwan mo akong nag-iisa
Ikaw ba, masaya ka sa pinili mong desisyon?
O ako lang ang mag-isang nagdurusa?
Ang sama-sama mo talaga!
Pareho lang naman tayong nagmahal
Kaso nga lang
Ako, minahal kita at ikaw minahal mo siya.
Anong ginawa mo sa mundo ko?
Kung dati kaya kong mabuhay ng walang ikaw sa tabi ko
Pero ngayon, anong nangyare?
Biglang gumuho ang mundo ko!
Sa isang iglap nagkapira-piraso ang puso ko
Nang dahil sayo!
Anong ikaw?
Oo, ikaw lang naman ang may gawa nito.
Ano sa tingin mo?
Ibang tao ang may gawa?
Wow.
Hanep ka din e no?
Ang kapal kapal ng mukha mong iwan mo ako.
Heto nalang, isang beses ko nalang sasabihin sayo ito..
Sa mundong ito wala ka ng mahahanap at makikitang katulad ko
Na handang magpakatanga para sayo
Na handang gawin ang lahat para sayo
Patawad..
Dahil nauntog na ako sa katotohanan..
Salamat!
Dahil sayo natuto akong lumaban at magpakatatag
Kung hindi dahil sayo..
Baka nasa lugar pa ako ng pagiging tanga at pagiging martir.
Oo na.
Inaamin ko na nagpadala ako sa matatamis mong mga salita
Kulang nalang ay langgamin ka sa sobrang tamis.
At oo na.
Dahil nasaktan ako ng iwan mo ako..
Pero alam mo ba?
Ng dahil sayo nalaman ko ang lahat..
Lahat ng pasikot sikot ng letcheng pag-ibig na yan.
Wala akong pake!
Kung sabihan nila ang baliw..
Sana maranasan nila ang naranasan ko sayo..
Yung tipong triple ng sakit ng naranasan ko ng dahil sayo.
Oo na.
Nakakaabante na ako sa unang yugto ng paghilom ng mga sugat na dulot mo.
Oo na.
Ako na ang may mali.
Oo na.
Tanggap ko..
Oo na.
Para matapos na ang gulong ito.
Oo nalang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 24, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon