MAY AAMININ AKO SAYO

30 0 0
                                    

May aaminin ako sayo...
Kaso nakakahiya kase.
Ang hirap sabihin.
Tapos ang dami pang tao.
Sige na nga..
Sasabihin ko na ng harap harapan..
Oo.
Oo, matagal na kitang gusto.
Ay, hindi pala.
Matagal na kitang mahal.
Oo, tanggap ko na.
Malabong mangyari na mahal mo din ako
Parang langit at lupa tayo
Ikaw nandiyan ka
Ako heto umaasa pa din
Huwag ka ng sumagot
Matagal ko ng tanggap sa sarili ko na, wala.
Oo na.
Ako na ang tanga.
Na patuloy pa din na umaasa.
Bwisit!
Ang manhid mo!!
Matagal ko ng pinaparamdam sayo.
Matagal ko na din pinapakita sayo.
Kaso hanggang ngayon wala pa din.
Ang tagal ko ng kinikimkim ito sa loob ko
Gusto ng sumabog.
Hindi ko na kaya..
Ang sakit sakit na e.
Ayan na.
Nailabas ko na.
Pero bakit ang sakit sakit pa din?
Bakit ako pa kase e.
Pwede bang hindi ko na ito maramdaman ito?
Kahit ako lang..
Okay lang sa akin.
Lagi nalang ba akong iiyak ng palihim?
Kase ang sakit sakit..
Sobra.
Gusto kong tumakas..
Gusto kong takasan ang lahat lahat!
Lahat lahat!!
Sinasabihan nila akong baliw..
Oo, baliw ako sayo!
Matagal na.
Matagal na din dapat ako nadala sa mental..
Kaso ayoko mapunta doon.
Paano na?
Hindi na kase kita noong makikita at makakasama.
Kahit pansamantala lang.
Kahit kunwari lang..
Na ako ang mahal mo.
Ako lang!
Sa akin ka lang..
Sa panaginip lang lahat mangyayari..
Yan naamin ko na.
Kahit ang hirap aminin.
Alam kong hindi ka naniniwala sa akin.
Okay lang.
Nasabi ko na.
Mahal kita.
Kahit sa huling pagkakataon masabi ko sayo na...
Mahal kita.
Paalam.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon