SANA

17 0 0
                                    

Palagi kong tinatanong sa sarili ko.
Tama ba? Mali ba?
Hindi ko din alam ang sagot sa tanong ko.
Laging humahantong sa wala.
Nagmahal lang naman ako pero wala e, Gano'n talaga.
Lagi nalang naiiwan at nasasaktan.
Gusto kong isigaw...
Gusto kong isigaw na sana..
Hindi na naimbento o nauso ang pagmamahal na yan.
Nakakaasar!
Nakakaasar kase!
Sa dami ba naman na pwedeng maibento at mauso
Ang letcheng pag-ibig na yan pa.
Bwisit!
Sana ang taong mahal ko ay masaya!
Oo masaya..
Dahil kung masaya siya..
Masaya na din ako.
Kahit pampalubag nalang ng loob ko na..
Wasak na wasak!
Dahil iniwan lang naman niya ako sa ere.. Pagbagsak ay bali bali na ang buto
Kahit sinong doktor na magtangkang gumamot o bumuo
Walang may kaya.
Sa mga taong nagsabi sa akin na..
"okay lang yan. He doesn't deserve you. Makakahanap ka pa naman ng iba ng mas higit pa sa kanya."
Putik!
Gasgas na ang linya na yan!
Nakakasawa na.
Kung sinabi nalang nila ipagdadasal nalang kita..
Tanggap ko pa at maiintindihan ko pa..
Pero yung mga salita na yun?
Wala!
Nakakabaliw isipin na may mga tao na kayang manakit ng kapwa.
Sabi nga nila, move on move on din pag may time.
Paano ako makakapag move on..
Kung ang mga bagay na masasakit lang ang naalala ko.
Kaya huwag silang mag expect na ora mismo gagawin mo.
Huwag nga silang magmadali!
Kapag may time nga di ba?
Minsan may nakikita tayong magka holding hands..
Ang sabi mo sa kanila..
"walang forever!"
Galit ka pa habang sinasabi iyon.
Bitter lang ang peg?
Namatayan ka ba?
Ang una mong sagot hindi siyempre.
Pero babawiin mo din at isasagot mo ay oo.
At ang sagot mo..
Dahil namatay na ang puso mo at sinisisi mo pa ang utak..
Ikaw kase!!
Pero ang sakit sakit talaga e!
Ang sakit sakit..
Sobra!
Minahal niya ba talaga ako?
O pakitang tao niya lang..
May ginawa ba akong mali?
Parang wala akong matandaan..
Gaguhan ba ito?
Kung, oo.
Handa akong magpakatanga basta siya lang.
Handa akong sumabak sa giyera kahit wala akong bala na panlaban..
Basta makuha ko lang siya.
Kahit ikamatay ko pa!
Hanggang kailan ba akong aaasa? Hanggang kailan magdurusa?
Buhay nga ako pero parang namang buhay na patay.
Dahil unti-unti din naman namamatay ang puso ko na ang gusto..
Tumigil sa pagtibok para maging manhid sa katotohanan.
Sana hindi ito totoo..
Sana hindi ko ito naranasan..
Sana..
Sana..

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon