Gusto kong dito ka lang sa aking tabi
Ayoko kong mawala ka sa aking paningin
Pero wala e, iniwan mo pa din ako
Pero wala akong magagawa
Kasi hindi ko naman hawak ang puso mo
Kaya, yan tuloy iniwan mo akong nag-iisa
Sinubukan kong kalimutan ka
Pero laging bumabalik ang mga alaala nating dalawa
Hindi ko makalimutan
Kaya pinili kong panghawakan ang lahat.
Bakit kailangan mo akong iwan?
Ang sabi mo basta nagmamahalan tayo
Walang makakatibag sa atin.
Pero bakit ngayon ay nag-iisa lang ako?
Patuloy pa din na umaasa na babalikan mo ako
Pagbalik mo ay ako pa din ang nasa puso mo
Kaso nga lang may iba ka na
Ang sabi mo sa akin siya na ang mahal mo
At hindi na ako..
Bakit ganoon?
Minahal lang din naman kita.
Siya na ba?
Anong meron siya na wala ako?
Grabe ka!
Hindi mo man lang naisip na masasaktan ako
Meron kang iniwan dito
Naghihintay sa pagbalik mo
Ang kaso pagbalik mo ay may kasama ka ng iba
Pinapangarap ko pa naman sana na tayong dalawa ang mag-kasama hanggang sa pagtanda natin.
Panaginip lang lahat pala iyon
Na ang imahinasyon ko lang ang may gawa
Sana hindi totoo lahat ng nakikita ko
Na ako pa din!
Na ako pa din ang mahal mo.
Pweding ako nalang ulit diyan sa puso mo
Sana hindi ko nalang hinayaan na umalis ka
Sana nandito ka pa din sa piling ko..
Dito ka lang..
Dito ka lang..
Pakiusap..
