Kaibigan.
Sila ang kasa-kasama mo sa saya, hirap at kalungkutan
Sila lang ang nakakakita ng tunay na ikaw.
Pero kapag nakaharap ka sa iba ay parang hindi ikaw iyon.
Para kang isang anghel na bumababa sa langit.
Kapag sila lang isa kang demonyo na galing sa impiyerno
Na puro kabaliwan ang alam
Ang sabi nila, "gusto mo lang barkada"
E minsan kase hindi mo maiwasan na mangyari iyon
Siyempre madami kang iniisip na iba pang mga bagay
Tapos magagalit sila kapag hindi ka sumama
Pero kapag hindi na sila nagalit at kinausap
Hala, lagot!
Wala na silang pakialam sayo.
Hindi ka na nila itinuturing na kaibigan
Masarap sa pakiramdam na meron kang masasandalan
Tuwing masaya ka
Tuwing malungkot ka kase may problema kang dinadala
Ang sasabihin pa nila sayo
Puro kalokohan para matawa ka lang
Matatawa ka nalang
At hindi mo na maisip na may problema ka nga pala
Hindi ka magugutom kase tawanan palang wala na
Hindi mo na maiisip na gutom ka pala
Kapag may exam o quiz
Wala magtatangkang magbukas o magreview
Pero kapag oras ng sagutan..
Huwag ka..
Ang tataas ng mga nakukuha
Kulang nalang masagutan mo na lahat
Hindi ko lubos maisip na dadating sa punto na magkakaroon ako
Ng mga kaibigan
Tanggap ka kung ano ka
Hindi ka nila huhusgahan kung anong meron ka
Na merong kang lihim
Na hindi maisip ng iba na meron ka palang ganoong tinatago
Wala, ganoon talaga.
Sila lang ang pinakamahalaga sa ngayon
Wala ng makakatibag pa
Sa binuo naming mga pangarap
At handang harapin ang lahat ng pagsubok na magkakasama.
Yan ang tinatawag kong..
Kaibigan.