LUMAYO

14 0 0
                                    

Gusto kong lumayo..
Gusto kong tumakas..
Ayoko na.
Sawang sawa na ako.
Sana maumpog ang ulo ko
Yung tipong hindi ko maalala ang lahat.
Lahat ng masasakit!
Matitira nalang yung mga masasayang alaala
Pagkatapos nun parang normal lang ang lahat
Parang walang nangyaring hindi maganda
Masaya sana kung ganun ang mangyayari
Ang kaso hindi naman pwede yun
Na sa isang kisap mata ay posibleng maganap
Sa konting panahon at oras
Sana pahintulutan mo ang aking hiling
Kahit panandalian lang..
Yung kahit sandali lang..
Heto nalang
Gusto kong pumunta sa isang lugar
Yung hindi pa namin napupuntahan
Yung walang naiwang alaala naming dalawang magkasama
At parang awa muna..
Yung wala ding makakilala sa akin
Na parang ako lang ang tao sa mundo
Parang awa muna
Tantanan mo na ako
Hirap na hirap na ako
Lumayo kana sa akin
Yung permanente
Okay lang ako..
Huwag kang mag-alala sa akin
Makakaya ko ito ng hindi humihingi ng tulong galing sayo
Lumayo ka lang sa akin
Malayong malayo..
Pakiusap..

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon