Noong una kitang makita
Namangha ako..
Para kang isang bituin na mahirap abutin
Kaso nga lang may kasama kang iba
Pero hindi naman ito naging hadlang
Kasi patuloy pa din akong humanga sayo
Kahit na alam ko naman na hindi pwede
Hindi mo nga akong magawang tignan
Mapansin pa kaya?
Ni sa realidad, wala pa din.
Ang saklap diba?
Ang gwapo-gwapo mo!
Nakaka-inlove ang ngiti mo.
Yung tipong kapag ngumiti ka laglag panty
Ang hirap naman magpapansin sayo..
Tignan mo lang ako..
Pakiusap...
Tingin mo lang okay na ako.
Kuntento na ako.
At masaya na ako.
Una palang kitang makita ay nagustuhan na kita
Lalo pa nung nakilala pa kita ng lubusan
Lalo akong nahulog sayo..
Yung tipong nasa malalim akong bangin
Kaso nga lang, wala e.
Hindi mo man lang magawang mapansin ako
Oo na.
Makapal talaga ang mukha ko
Para magpapansin sayo!
Gusto ko lang naman na mapansin mo ako
Ang hirap sayo masyado kang mataas.
Ang hirap abutin.
Ang sakit.
Sige, hanggang dito nalang.
Tanggap kong mali ako
Ititigil ko na ang kabaliwang ito.
Paalam.