Part I-Si Kib... at Ako

149 5 1
                                    


Part I—Si Kib... at Ako

"Umiiyak ka ba o tumatawa?"

"Ma... Si Kib kasi e... In lab na yata ako sa kanya..."

" Yan ba yung writer na araw araw ko na lang naririnig sa 'yo? Naku.. Sa dami ng fans nun buti kung mapansin ka! Hindi mo pa nakikita gusto mo na! Tumingin ka nga sa sahig."

Bakit Ma?"

"Baka may nalaglag na turnilyo..."

"Grabe ka Ma..."

"Joke lang.. Sige ok na yan at least sigurado akong hindi ka magkakaboyfriend agad dahil baliw na baliw ka sa Kib nay an."

Yan ang usapan naming ng Mama ko kanina. Ang mama ko na minsan may pagka KJ. Don't get me wrong. I love her sooooo much! Binibilhan nya kasi ako minsan ng books na sinulat ni Kib...

Si Kib?

I think I love him. Kahit hindi ko pa siya nakikita o kahit na ano pa itsura nya gusto ko sya. I think he is kind and sweet and everything a girl would want. Ang sweet kasi ng mga lines dun sa sinulat nya e. Basta... I like him and he is My Kib with an exclamation point!

At ako?

Akala ng iba dahil mahilig ako sa Wattpad hindi na ko nagbabasa ng textbooks. Nakuha kaya akong scholar... Dito sa isang prestigious school ako nag aaral. Sa Rosenhill University. My world revolves around books.... and Kib.

Si Kib at ako... Well...darating ang araw magkikita rin kami. Wala palang kami. Teka... Wala PA palang kami... Hehe... Fighting!


My Kib and IWhere stories live. Discover now