Part VI--- Swimming Challenge

27 1 0
                                    


Part VI--- Swimming Challenge

Hindi ako mahilig sa kahit na anong sports. Kaya itong swimming class namin... isang bangungot para sa akin. Hindi kasi ako marunong lumangoy. Pag nag swi-swimming ang family namin, sa gilid gilid lang ako lagi. Kaso kailangang pasukan syempre ang class ni sir ramirez. Nakapagpabili na rin ako ng rash guard at cycling shprts na kailangan sa PE class namin. Well... oras na para sa isang extra challenge.

"Ok class listen meron kayong practical test later kaya you better learn how to swim well."

Ayoko na ng PE...

Ako lang ba ang hindi marunong lumangoy? Lagot ako mamaya.

At the corner of my eyes I saw someone na nagiging panira na ng araw ko. Hanggang dito ba naman?

"Class meet Mr. King Mondejar. He volunteers to be my student assistant for today. As you know, he is a champion swimmer and we are really proud of him. He will be assisting you today."

Grabe ang reaction ng mga classmates kong girls. Bigla na lang maraming hindi marunong lumangoy. Hahaha... Ok sige lang acting pa more. Hindi ko naman sila masisisi... Ang abs ni King Yabang nakadisplay... Hahaha...Parang may panaderyang bukas sa lahat ng gustong kumain.

"Do you know how to swim Alex?" Hindi ko napansin nakalapit na pala sya. Talagang malakas yata talaga ang dating ni Haring Panget!

At talagang ako pa tinanong nya. Sino ba kasi nakaimbento ng PE...

"E ano naman kung hindi pa ako marunong lumangoy? Kaya nga may ganitong class di ba para matuto."

"Ok then let me teach you how."

Kapit sa patalim bayan ko ang drama ko. Kailangan kong may magtuturo sa sa akin sa swimming. Kaya eto go na.

"King..." Si Valerie habang hila hila na si King palayo. "Hindi ko alam kasi kung paano yung backstroke pls help naman oh." Ang kaisa isang pag asa ko ayun kasama na nila Val. Lalo akong nainis. Paasa...

Swerte na kung maka-two points ako sa practical test...

My Kib and IWhere stories live. Discover now