Part V --- My WISH LIST
Nakakapagod ang araw na to pero lahat ng pagod mamaya lang mawawala na kasi mabibili ko na yung book ni Kib. Hay naku Kib! Wait ka lang papunta na kami ng bookstore.
"Halika na bilis!"
"Nagmamadali ka bes? Aalis ba yung libro sa bookstore? May book signing ba dun? Grabe magmadali."
Lagi kong naiimagine... Si Kib... naghihintay sa bookstore. Loyal ako sa kanya. 'Yun nga lang, hindi nya pa kasi alam na kami na.. Hahaha... Ang sarap talagang mag daydream. Buti na lang libreng mangarap.
"This is my favorite place of all time... maliban sa bahay namin syempre." Dali dali akong nagpunta dun sa area kung san nakalagay lahat ng books na sinulat ni Kib. Para akong bata na nasa candy store.
"Hi Alex! Fan ka pala ni Kib?"
Ang kinaiinisan ko... nasa bookstore na naman.
"O ngayon?"
"Ngayon? It's a special day. Everyday is special with you around. Lalo na siguro kung ngingiti ka. Grabe yung wishlist mo! Sa haba puro Kib lang naman nakalagay. Ano na nga ba yun? Makita si Kib, malapitan si Kib, makapagpapicture kay Kib, mayakap si Kib, maha..."
Oh my ghad! Nabasa niya yung nakalagay sa flashdrive, nabasa niya yung wish list ko. Nakakainis talaga 'tong bwiset na 'to!
"Hindi ko alam na nagbabasa ka pala ng mga bagay na hindi mo naman dapat basahin!"
"Miss sunget, kung 'di ko ginawa 'yon malamang 'di kayo nakapag-present ng grupo niyo. Maglalagay ka na rin lang kasi ng label sa flashdrive mo tatatlong letra lang ang nakalagay. Ano ba yun? Kib? Syempre titingnan ko ang contents ng flash mo. Pasalamat ka pa nga e na-late ako sa klase ko sa paghahanap ng room niyo. Pero okay lang, basta ikaw... ang queen ng buhay ko...ready to serve you Alex My Queen."
"Queen mo mukha mo!"
Tinalikuran ko na 'yung mahanging panget na hindi ko gustong Makita.
"Bes halika na okay na... nabili ko na 'yung libro labas na tayo."
"Ikaw ba 'yan bes? Pag nandito tayo halos ayaw mo nang lumabas ah."
"Wala... gusto ko nang umuwi."
Pagdating ko sa bahay tiningnan ko ulit 'yung laman ng flashdrive, oo na nakakahiya naman talaga 'pag may ibang nakabasa kasi may spg sa wish list ko. Bakit ba... natural lang naman sa isang fan na kagaya ko na makita at mahalikan idol nila ah...Kung bakit naman kasi of all people 'yung pang si Haring Yabang ang nakakita. E ano naman?! For Kib kahit ano basta para sa kanya I'll never be afraid to show this whole wide world how much I love him oo love talaga! at walang kokontra.
A/N: Sorry natagalan lol, swimming yesterday gabi na nakauwi then pagod