Part VIII---Project Runway
Hindi ko akalaing mapapasubo ako sa ganitong klaseng event. kung 'di ko lang talaga lab 'tong bespren ko tagal ko na 'tong iniwan.
"Uy bes 'yung org namin may event. Kailangan kasi namin ng modelo limited lang 'yung budget namin e para sa charity pa naman 'to. Pag hindi 'to natuloy kawawa naman 'yung mga batang beneficiary nito."
"Parang meron akong nararamdaman na may gusto kang ipagawa sa'kin sabihin mo na lang kaya?"
"E bes ikaw kasi 'yung napili kong model no'ng damit na dinesign ko, sukat na sukat sa'yo 'yon kasi alam ko 'yung sukat mo diba?"
'Yan ang bespren ko. Lahing nakakaisip ng paraan para hindi ako makatanggi sa mga request niya. Charity... Damit na sa'kin lang kakasya... Obvious na obvious wala akong takas sab ago na naman niyang kalokohan... charity nga pala kaya sige gora na.
"As if naman makakatanggi pa 'ko. Kailan ba 'yan?"
"Mamayang gabi?" Kunyari nahihiya niya pang sinabi talagang sinadya niya na ngayon lang sabihin para wala talaga akong choice.
"Alam na ng mama mo bes ipinagpaalam na kita hahatid na lang kita mamaya."
"Talaga lang mas nauna pang nakaalam ang nanay ko? Mabuti ka talagang kaibigan."
"Luv you bes excuse na rin tayo sa mga prof natin, alam na nila. Atsaka excuse ka na rin sa swimming class mamaya... o di baa yaw mo mag PE? Hehehe..."
Ayon hila-hila niya 'ko sa bahay nila, nakaabang na pala do'n ang makeup artist at ang damit na isusuot ko. Na-shock ako.
"Sigurado ka 'yan ipasusuot mo sa'kin?!"
"O 'di ba ang galing ng bestfriend mo! ang ganda 'di ba. Lahat sila sa'yo lang nakatingin at sa creation ko."
"Ayoko beeeeeeeeeeeeeeeeessssssss..."
Pero iyon wala naman talaga akong nagawa isinuot ko pa rin 'yung kanyang ginawa. Paano ko ba ide-describe 'tong damit na 'to? 'di pumasok sa isip ko namakakapgsuot ako ng ganito ka-daring na damit.
"Wow bes! Para kang dyosa nai-imagine ko na siguradong maraming bidder para sa'yo."
"Anong bidder?! Anong sinasabi mo?"
"Ay nakalimutan ko pala sabihin sa'yo bes kasi may bidding. 'Sa highest bidder mapupunta 'yung ginawa naming mga members ng org. Tsaka nga pala...'yung modelo will spend one hour with the highest bidder to explain the design. Kayang kaya mo yun. Hehehe..."
"Grabe ka talaga sa'kin! Matapos lang 'tong araw na 'to magtutuos tayo."
"Isipin mo na lang bes na nasa audience si Kib...Tapos ma me-mesmerize siya ng kaibigan kong parang dyosa...Oy ayon o nangingiti na siya o basta marinig ang pangalan ni Kib."
"Loka! Galing mong mambola. Sige rarampa na 'ko para kay Kib. Halika na umalis na tayo bago pa magbago ang isip ko."
'Di ko lubos maisip kung pa'no pala ako maglalakad sa gitna ng maraming taong nandoon sa venue. Bakit ang daming tao! Ang ikli ng damit ko... ang taas ng heels ko. Basta pumikit muna ako at inisip ko na lang ang kaisa-isang taong pinapangarap ko bago lumabas ng stage. Para sa'yo 'to Kib!!!
Ang pangalan ni Kib parang magic word para siyang gasolina sa sasakyang 'di makatakbo. Para siyang charger ng cellphone kong madalas ma-lowbat sa kakabasa ng Wattpad at sa kakastalk kay Kib.
Heto na ako na. Nag-umpisa na 'kong maglakad kunyari papunta kay Kib kaya I have to do my best!
OMG! Si Haring Yabang ba 'yung nakikita ko sa dulo ng runway?! Kib Kib Kib Kib Kib concentrate! Hangin lang 'yan!