Part VII--- The Unexpected

26 1 0
                                    

Part VII--- The Unexpected

Ilang araw na lang Friday na naman. Friday used to be my favorite day pero iba na nagyon. Every Friday lagi ko na lang pinoproblema ang PE namin. Sinubukan talaga akong tulungan ni Bess pero kahit anong turo nya sa akin, hindi ko talaga magets. So eto... nandito ako ngayon sa swimming pool area ng school. Swerte ko naman walang tao. Yun nga lang pag ako nalunod lagot... Hay naku! remove all the negative thoughts. Hindi pwedeng masira ng swimming na yan ang pinaghirapan kong scholarship. Magiging Certified Public Accountant ako balang araw at dito sa prestigious school na to ako gagraduate! at walang makakapigil sa 'kin!

Ready na ko to conquer my fears ng biglang ...

"How long are you going to stare at the pool?"

Sya na naman. Bigla na lang syang sumulpot sa kung saang kailaliman ng pool area.

"Ikaw pala Haring Yabang... Ikaw.. what are you doing here?"

"What am I doing here? What if I say I am here waiting for my queen to come?"

Mahusay sya talaga... Mahusay mang-inis. Sa pagkakangiti nya alam mong natutuwa siya sa pang aasar na ginagawa nya.

"Ah ganun.. Ok nasa England ang queen..kaya pwede na siguro ako naman muna dito?"

"Ang alam ko hindi ka marunong lumangoy, right? Well, I'm here to help. Ikaw... ok lang kung ayaw mo... Hmmm by the way, Mr. Ramirez told me you are going to have another practical test."

Pagkasabi nun umahon na sya ng pool. Halata rin naman na gusto nyang ipangalandakan yung abs nya. Hindi ko na sya pinansin. I really need more time makapagpractice. Kakayanin ko tong magisa. Pero lalo akong kinabahan nung sinabi nya na may practical test kami ulit. Torture talaga para sa akin ang PE. Huhuhu...

Ang huling naalala ko I jumped into the pool... Bakit nandito si King? at hinahalikan nya ba ako? He was so close to me and.... I saw how worried he is.

"Alex! Thank God."

Niyakap ako ni King ng sobrang higpit I almost couldn't breathe.

"Are you okay?"

Tumango lang ako. Muntik na pala akong malunod. I thought he was kissing me pero CPR pala yun. Totoong pag aalala ba ang nakita ko sa mukha nya?

"Sige ok na ko pwede mo na kong iwan.Salamat."

Kahit muntik na kong malunod, yung takot ko pa ring bumagsak sa swimming class namin ang naangingibabaw sa 'kin.

"I told you I will help pero lagi ka na lang galit! Sa ayaw at sa gusto mo magpapahinga ka at tuturuan kita whether you ask for it or not!"

Hindi ako nakakibo. Para akong batang pinagalitan. At ewan ko ba for the first time, wala akong nasabi.

It was unexpected...

�O

My Kib and IWhere stories live. Discover now