CHAPTER SIX

6 1 0
                                    

PLAGIARISM IS A CRIME!

HI, READERS!
MARAMING SALAMAT SA PAG-SUPORTA AT PAGBABASA!
NAKAHANDA NA SA UTAK KO ANG MALAGIM NA MAGIGING KATAPUSAN NG STORYANG ITO. KAYA SANA PATULOY NIYO ITONG SUPORTAHAN HANGGANG SA DULO.

Don't forget to vote,comment and follow!😘
Love lots!😘
-ShienaKTAN❤

Group project....

Khazzhia

"Ang kulit kulit mo!" Angal ko kay Keir habang hinahabol ko siya dahil pipingutin ko siya sa tenga.

Nandito kami sa bahay ng kaklase ko. Dito kasi kami gagawa ng group project.

"E, ikaw kasi-- awww!" Hindi na niya na tapos ang sasabihin niya ng mahabol ko na siya at napingot sa tenga.

"Ang kulit kulit mo kasi! Sabi ng wag kang maglalaro ng tubig e!" Angal ko sa kanya.

"E, sorry na. Hehehe"

"Letse ka! Manahimik ka na nga!" Sabi ko sa kanya.

"Ayieee. Nagkakainlaban." Pangangasar ng mga ka-grupo ko.

Buti na lang at hindi ko ka-group si Kisha dahil baka mag-selos yung babaitang yun.

"Manahimik nga kayo! Iingay niyo! Hindi pa naman tayo natatapos dito kung ano ano inaatupag niyo! Hala gawa! Kanina ko pa gustong umuwi!" Angal ko at tinulungan na rin sila sa ginagawa. Ako kasi ang Leader kaya kung maka-utos sagad.

Simula sa Lunes marami na naman akong gagawin dahil malapit na ang Acquaintance Party at kasali ako sa SSG o Supreme Student Government .

2nd year HS Representative lang ako kasama ko sila Rey ng section 8-B, at Hannah ng Section 8-C. Sa section A,B,C lang pwedeng kumuha ng representative.

Sa 3rd year HS and 4th year HS lang naman pwede kumuha ng mga president, secretary at iba pa.

Sa Student Supreme Government ngayong School year si Kuya ay Representative ng 3rd year section A.

Ten section kada grade level. Kaya A-J yung section. Sa isang section thirty student lang ang bakante. Three hundred lang ang student kada level kaya kung mauubusan ka ng slot o huli ka magpa-enroll hindi ka makakapasok.

Sa section A and B napupunta ang mga 95+ ang average. Pero karamihan ay nasa Section A. Kapag 90 hanggang 94 ang average mo Pwede kang mapunta sa section B kapag nagtake ka ng exam pero kapag hindi o kaya naman ay bagsak ka kailangan mo ng mamili ng ibang section at unahan ang iba sa slot. Ang section namin ngayon ay hindi puno dahil kakaunti lang kaming may 95+ ang average.

"Huy! Tulala ka!" Pansin sa'kin ni Keir.

"Pake mo!"

"Ang sungit mo naman sa'kin nung nasa school naman tayo ang bait bait mo ah" sabi niya.

"Manahimik ka! Muka ka kasing mabait nun! Kaso ngayon kilala na kita at ang kulit kulit mo pala.  Sabi ko sa kanya.

"Ay, ganun ba? Yeheeeeeeey!" Parang batang sigaw niya. Juskooo. Akala ko napaka-pormal ng taong to! Napaka-kulit pala!

"Oh?! Anong ikina'saya mo dyan?!" Iritang tanong ko sa kanya.

That Special FeelingWhere stories live. Discover now