CHAPTER TEN

4 1 0
                                    

Khazzhia

"K-Kisha, are you mad?" Tanong ko sa kanya dahil kanina pa niya ako hindi pinapansin.

"Bakit naman ako magagalit?" Tanong niya at ngumiti.

"K-Kasi pumayag ako na maging date K-Keir." Sabi ko tapos ay yumuko.

"Hindi ah. Wala naman akong karapatang mag-selos, wala namang kami e. Tsaka anong magagawa ko kung ikaw yung gusto niya? Masasaktan lang ako kapag pinilit ko yung sarili ko sa kanya. Alam ko naman na umpisa pa lang ikaw na yung gusto niya. Don't worry, wala lang sa 'kin si Keir. Mas mahalaga yung friendship natin kaysa sa kanya." Mahabang paliwanag niya.

Nakikinig lang sa 'min si Shaillie habang kumakain. Kasalukuyan kaming nasa cafeteria. Makakakain na rin ako ng maayos dahil hindi naman pala galit sa 'kin si Kisha. Kilala ko rin kasi siya. Hindi siya nagtatanim ng sama ng loob sa isang tao.

"Hello girls! "Nakangiting bati sa 'min ni Keir.

"Oh! Parang kanina lang pinag---" bigla ko na lang sinalampak sa bunganga ni Shaillie ang burger na hawak hawak ko. Napakaingay naman kasi.

"Huh? Ano yun?" Takang tanong ni Keir.

"Ha? Ano ka ba! Wala! Huwag mo intindihan yan! Gutom lang yan." Pagkumbinsi ko sa kanya.

"E? Okay, sabi mo e." Sagot naman niya at umupo sa tabi ni Shaillie na nginunguya ang burger na nasa bunganga niya habang naka-tingin ng masama sa 'kin kaya napangiwi na lang ako.

"Oh! Hi Khazzhia!"bati sa 'kin ni James habang papalapit. Nakita ko naman ang matalim na titig sa kanya ni Kuya.

"Hi din." Masayang bati ko sa kanya.

"Ahm. Ano kasi... P-Pwede ka bang maging date sa a---"

" May date na siya." Putol ni Keir sa sasabihin niya kaya napatingin siya sa 'kin na para bang nanghihingi ng kumpirmasyon. Tumango na lang ako sa kanya bilang sagot.

"Ahh. Ganun ba. Ikaw, Shaillie ma--"

"Pasensya na bro. Na una na ako." Putol ni Kleo. Yung best friend ni kuya. Tiningnan naman siya ni Shaillie ng masama.

That Special FeelingWhere stories live. Discover now