Hell day....
Khazzhia
"Po?! Per-"
"Walang pero pero, Khazzhia. My decision is final." Putol ni Mam sa sasabihin ko.
"Pero Mam, alam niyo naman pong kasali na ako sa battle of the bands at vocalist po ako dun." Sagot ko.
"Khazzhia, para rin naman ito sa level niyo and besides isang kanta lang ang kakantahin mo. Kaya nga ikaw na ang pinapapili ko ng kanta." Sabi ni Mam at umalis na.
Juskooo naman! Ako ang vocalist ng battle of the band sa level namin tapos ako pa ang kakanta para rin sa level namin.
Pahingi ng tali! Tara bigti!
"Hey, are you okay?" Napatalon naman ako ng biglang sumulpot sa gilid ko si James.
"Oo." Matamlay kong sagot.
"Are you sure? Parang hindi e." Tanong niya pero nginitian ko lang siya.
"Sis!" Tawag ni kuya sa akin pero na patigil siya ng makita si James." Hinahanap ka nga pala ni daddy. "Sabi niya pero nakikipagtitigan pa rin siya kay James.
"Auh, sige. James puntahan ko muna si daddy." Paalam ko at umalis na. Nilingon ko muna sila bago ako makalayo at may binulong si kuya kay James na hindi ko na narinig dahil medyo nakalayo na ako sa kanila.
Nag-lakad ako papunta sa office ni daddy at lahat ng mga estudyanteng madadaanan ko ay babati o ngingiti sa akin. Hindi naman ako snobber kaya binabati ko rin sila at nginingitian. Mabait kaya ako, duh!
Pagkarating ko sa office no daddy kumatok muna ako. Baka kasi kapag pumasok ako dirediretso e pagalitan ako at sabihin pang wala akong manners, hindi daw ba niya ako tinuruan? At marami pang iba. 'Yun ang mga sasabihin niya ng dahil sa hindi pagkatok.
"Come in." Si dad.
"Pinapatawag niyo raw po ako sabi sa'kin ni kuya."
"Ah, yes. Ikaw ang napili kong kakanta ng special number sa acquaintance party ninyo." Whaaat!?!?
" Pero kasi da-"
"Pupunta ang lolo mo." Paki sampal ako!!!!!
"Seriously? Daddy? Sumali na kasi ako sa battle of the bands para sa level namin tapos ako pa ang kakanta sa para sa level namin tapos papakantahin mo naman ako para sa special number para s-"
YOU ARE READING
That Special Feeling
TeenfikceMag'mahal? Oo, nag'mahal na'ko. Sa pamilya't kaibigan ko nga lang. Ma'inlove? Hahaha, bata pa ako. Study first muna si ate niyo. Pero sa hindi inaasahan magba'bago ang lahat ng 'yan sa pag'dating ng isang lalaki. Isang lalaki kung saan mararanasan k...