Over acting kuya.
Khazzhia
"Thanks for today." Pagpapasalamat ko kay James nang ihatid niya ako sa bahay gamit ang kotseng hiniram lang daw niya sa daddy niya. Bilib nga ako sa kanya dahil sa murang edad pa lang niya ay marunong na siyang gumamit ng kotse. E, ako? Hindi ako marunong mag-kotse pero marunong naman ako mag-motor.
"Your always welcome." Sagot naman niya. "O' paano, una na ako." Paalam niya.
"Huwag, bata ka pa." Biro ko.
"Loko."
"Sige na. Baka hinahanap ka na sa inyo." Sabi ko at akmang bababa sa kotse pero pinigilan niya ako kaya napa'lingon ako sa kanya.
Nagulat na lang ako ng bigla niya akong halikan sa pisnge.
"Goodnight." Ani niya at ngumiti.
"G-Goodnight."
Bumaba na ako sa kotse at kumaway sa kanya.
It's already 7:45 pm. 8pm ang curfew ko.
Pagpasok ko bumungad agad sa 'kin si kuya.
"Saan ka galing?" Kunot noong tanong niya.
"May group project kami, right?"
"Pero sabi ng katulong ng classmate mo kanina pa daw kayo umalis." Ani niya habang ako ay patuloy na naglalakad hanggang sa napadaan kami sa sala at nandun din pala sila mommy at daddy na agad ko namang hinalikan sa pisnge.
"So sabihin mo sa 'kin kung saan ka galing?" Sabat na naman ni kuya.
"Over acting ah. Pagkatapos ng group project namin nagkayayaan kami mag-mall. Tsaka andami mong tanong, 8pm pa naman ang curfew ko. Sila mommy at daddy nga hindi umaangal tapos ikaw todo angal?"Angil ko sa kanya.
"Tch, mahirap na. May asungot na umaaligid." Ani niya at umakyat sa taas.
Tiningnan ko na lang sila mommy na parang nagtatanung ang mga muka. Nagkibitbalikat na lang ako bilang sagot at umakyat na rin sa taas diretso sa kwarto ko. Humilata agad ako sa kama ko.
"Sweetie? You should eat muna bago matulog. Masama magpalipas ng gutom anak." Ani ni mommy at ngumiti.
"Oh, I forgot to say. Tapos na po ako nag-dinner mom."
"Ganun ba? O' sige. Matulog ka na kung gusto mo. Mukang pagod ka e. Papadalhan na lang kita ng milk mo dito." Bakas sa muka ni mommy ang pag-aalala.
YOU ARE READING
That Special Feeling
TeenfikceMag'mahal? Oo, nag'mahal na'ko. Sa pamilya't kaibigan ko nga lang. Ma'inlove? Hahaha, bata pa ako. Study first muna si ate niyo. Pero sa hindi inaasahan magba'bago ang lahat ng 'yan sa pag'dating ng isang lalaki. Isang lalaki kung saan mararanasan k...