LOVELY.
Kasalukuyan kaming nagsusulat lahat ng lecture. History subject namin ngayon. Ano pa nga bang maaasahan nyo? Edi hahalungkatin nanaman yung nakaraan. Actually gusto ko din naman ng history ang kaso, I really really hate lecture. Just sayin'Nakaramdam ako ng papel na tumama sa may likod ng ulo ko kaya lumingon ako kung sino ang bumato.
Si ken. Tinignan ko sya ng nakakamatay na look. Go to hell!
Ngumiti naman sya at nag peace sign sakin. Tsk! Di yan uumbra sakin. I hate him. Masyado syang bully. Itinuro nya naman yung nasa harapan ko.Tumingin naman ako dun at nagets ko naman na si Exel pala ang dapat nyang babatuhin ng papel. Ang malas lang kasi sa akin tumama.
Ipinagsawalang bahala ko na lang. Hay ano pa nga bang magagawa ko? Kung pwede lang putulin ni ang kamay ni ken, gagawin ko eh. Para lang tumigil ma sya sa pambabato. Andami nya na kasing natatamaan, baka mamaya nyan si Sir Pante na ang mabato nya. Paniguradong lagot sya!
"What the hell! Sino ang bumato nito!?"
Bingo.
"Walang aamin? Sigi. Ibabagsak ko na lang kayong lahat sa quiz--." Ang lahat ay nag react dahil sa sinabi ni sir. Ofcourse' grades namin ang nakasalalay dyan, alangan namang ipagsawalang bahala namin diba?
Nagtaka ako nung nakita kong biglang tumayo si ken.
Wait, what!?
Ang lahat sa amin ay nakay ken lang nakatuon ang atensyon. Seriously? Aamin sya? Tumikhim muna sya bago mag salita. "Pasensya na po Sir Pante. Pero si Jerome at Layne po talaga ang bumabato sa inyo kanina."
Napanganga ako. As in ngangang nga nga! Akala ko talaga aamin na sya kay Sir na sya yung gumawa nun. See? That's why i really really hate him. Gagawa sya ng kalokohan tapos mandadamay.
Eto silang dalawa ngayon. As always namang punishment tuwing may nakakagawa ng kasalanan kay sir. DETENTION.
Wala namang nagawa sila Jerome at Layne kundi pumunta na lang sa Office ni Sir Pante dahil maging sila ay nagulat din. Di siguro sila na Inform. Langya kasi tong ken na to. Hanggang kailan kaya to titino?
-
"Class dismiss." Nag sigawan naman ang mga kaklase ko. Yung iba naman parang akala mo nanalo sa lotto kasi nakikipag kamayan pa. Umiling na lang ako. Weird!
Tumayo na ako at nag ayos ng gamit para sana umalis kaso bigla akong inakbayan ni Cypher. Cypher is my bestfriend guys, less malisya okay?
"San mo gusto kumain Lovely Sweet Mendez?" Napanguso ako. Ayan nanaman po sya sa pang-aasar sakin. Kailangan talaga buong pangalan ko? Burogbog!
"Kahit saan 'basta may pagkain Cypher Heart Imperial." Paggaganti ko. Ang kaninang nakangisi nyang mukha ay napalitan ng pagka-kunot ng noo. "Tss! Pasalamat ka bestfriend kita. Kundi kanina pa kita inupakan." Nakangiti nyang sabi sabay gulo ng buhok ko.
Gusto nyo bang malaman kung bakit sa dinami-dami ng magiging bestfriend ko, lalaki at si Cypher pa? Well, Mag bestfriend na talaga kami nyan since fetus pa kami. Kumbaga sya din ang nag iisang childhood friend ko. Mag bestfriend din kasi ang mama ko at mommy nya kaya ayun, pati second name namin napagtripan.
Ayoko kasi sa mga babae makipag bestfriend. No offense pero ang mga babae kasi kayang mag plastikan. Pero hindi naman ako masyadong maldita sa mga babae. Mabait din naman ako sa kanila kahit papano.
Hinablot nya sa akin ang bag kong dala. Ang gentelman talaga ng bestfriend ko. Kaya love na love ko sya eh. Pumunta na kaming dalawa sa Cafeteria para kumain.
-------
3rd Person's POV
Kasalukuyang busy sa pag lilinis ang dalawang na detention kanina ni Sir Pante. Si jerome ay sa mga lalaki nag lilinis at si layne naman ay sa mga babae.
Halata sa mukha nang dalaga ang pag ang pagka-irita dahil sa nangyari kanina. Pero wala paring syang magagawa kasi nangyari na.
Nang matapos ang dalaga mag linis ng salamin sa C.R 'nag paalam sya sandali kay jerome na bibili daw muna ng maiinuman nila. Agad namang tumango si jerome, dala na rin siguro ng pag kauhaw nya kaya hindi na sya nag dalawang isip na pumayag.
Nang makaalis na si layne. Huminto saglit si jerome sa kanyang paglilinis at kinuha nya ang phone at earphone mula sa kanyang bulsa.
Agad nyang isinalpak ang earphone sa may tenga nya at nag patugtog ng pag kalakas-lakas. Dahil sa sobrang saya ng music na kanyang pinakikinggan, hindi nya na napigilang sumayaw kahit may hawak syang map habang nakapikit. Para dama wag kayong ano!
"Fireeee! Eyo eyo!" Kanta pa nya.
Patuloy lang sya sa kanyang ginagawa. Hindi nya napansin na nasa harapan nya na pala ang salarin at nakangisi sa kanya.
Nang maidilat nya ang mata nya, biglang syang sinunggaban ng isang napakalakas na suntok ng salarin kaya't agad syang nawalan ng malay."Goodbye Jerome..."
***********************
A/N: Hi guys? Pasensya na sa chappy 01 ah. Ang burogbog ng scene diba? ahahaha. Don't
forget to vote and comments. Thankyieee <3
-Iyangs