*Cypher's POV*
Naglalakad na ako patungong room. I check my watch, it's already 5:30 Am. Madilim pa sa labas. Actually 7:00 pa ang pasok ko pero nasa school na agad ako."Ken, W-wala na si M-merry..."
"Dalawa silang natagpuan sa abandonadong room, hindi ba?"
Napahinto ako bigla sa paglalakad ng marinig ko yun. Maingat akong nagtago sa sulok para hindi ako makagawa ng ingay. Bakit ko nga ba to ginagawa? Hindi naman sa tsismoso, pero usapang patayan na kasi ito.
"Y-yes, pero hindi daw M-makilala Y-yung isa dahil W-wala na daw yung U-ulo..."
Sinilip ko silang dalawa. It's lindsy and ken. Tuluyan nang nang naiyak si lindsy matapos nyang sabihin yun.
Hindi na ko magtataka kung bakit ganyan nalang ang takot sa mga mukha nila. Kung ikaw ba naman ang bumubully araw-araw then isang araw mababalitaan mo na lang na patay na.
"Ssshhh! Stop crying lindz. Wala tayong kasalanan dun."
"Pero tayo ang bumubully sa kanya hindi ba? Malamang, tayo ang masisisi nyan."
"Wala tayong kasalanan dyan lindz. Wag ka ngang mag-isip ng ganyan. Alam mo namang hindi tayo mamamatay tao!"
Umiling ako habang pinagmamasdan silang dalawa. Nasa huli nga naman ang pagsisisi. Tumalikod na ako tsaka nag patuloy sa paglalakad papuntang room.
Nang makarating ako. Tinignan ko ang kabuuan ng Classroom. Ganun padin naman, walang pang katao-tao. Pumunta ako sa may malapit na bintana tsaka umupo doon. Inilagay ko sa katabi kong upuan yung bag ko para may mauupuan din si lovely.
Pinagmasdan ko ang buong kalangitan. Napangiti ako nang may maalala ako.
-----Flashback-----
Nagpunta ang lalakeng bata sa garden pero napahinto sya ng may nakita syang batang babaeng umiiyak habang nakaupo sa swing.
"Hi, I'm Cypher." Pakilala nung batang lalake. Inilahad nya pa ang kamay nya upang makipagkamayan sa batang babae pero imbis na abutin ay tinignan nya lang ito tsaka nagpatuloy sa pag-iyak.
Lumuhod naman ang batang lalake para maging pantay sila ng batang babae. "Anong problema?"
Pinunasan muna ng batang babae ang kanyang mga mata dahil sa pag iyak tsaka nag salita.
"H-hindi ka galit sakin?" Tanong nang batang babae na ikinataka nang batang lalake. Pero sa halip na kumunot ang noo nito ay ngumiti na lang sya. "Bat naman ako magagalit sayo? Eh ang bait-bait mo nga."
Napangiti naman ang batang babae dahil sa narinig. "Talaga? Hindi ka talaga galit sakin?" Panigurado pa nito. Agad namang tumango ang batang lalake tsaka mas lalong pinalapad ang ngiti. Nagulat sya ng bigla syang sinunggaban ng yakap ng batang babae.
"I'm lovely..." pakilala nang batang babae.
"Simula ngayon, bestfriend na tayo. hinding-hindi kita iiwan..." napangiti naman ang batang babae. Muli nanamang tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata.
At dahil dun, agad nagpanic ang batang lalake....
"Ayan ka nanaman! Umiiyak ka nanaman bestfriend." Pinunasan pa nito ang mga tumulong luha mula mga mata ng batang babae. "Lovely, tuwing maiiyak ka. Tumingin ka lang sa kalangitan, bigla ka na lang mapapangiti ng kusa dahil sa ganda ng kalangitan."
Agad namang sinunod ng batang babae ang sinabi ng kanyang katapat.
"Oo nga! Ang galing mo talaga bestfriend." Tsaka muling niyakap ng batang babae ang batang lalake.
"Pero mas mapapangiti ako pag lagi kang nandyadyan..."
------Flashback-------
"Hey!" Napalingon ako kung sino yung tumawag sakin. Magrereklamo sana ako kasi sinira nya yung moment ko kaso naalala ko. Si mandy pala yung kaharap ko ngayon.
"Ang aga mo ata ngayon." Ngisi nya pang sabi. Iniwas ko na lang yung tingin ko.
"Ang aga aga, mainit ulo mo."
"Batrip ka kasi eh, nag-iisip yung tao tapos bigla kang susulpot." Reklamo ko. Ngumisi naman sya. Pag ganyan yan alam ko nang may sasabihin yang hindi kanais-nais.
In 5....
4....
3....
2....
1....
"Lakas mong mag isip, bakit may utak kaba?"
Umiling nalang ako tsaka humarap sa bintana.
*Mandy's POV*
Pinagmasdan ko ang buong Classroom. Lahat sila may mga sariling mundo. Lalo na tong katabi ko na hanggang ngayon ay nakaharap padin sa bintana. Napailing ako dahil sa naisip ko. Tss! Malala nato.
Napapansin kong pa-onti nalang kami nang pa-onti dito. Hindi man lang ba sila na natatakot na baka isa samin ay malapit na ding isunod? Ako kasi takang taka na, lagi na lang sa section nato nagkakaroon ng patayan.
Tinignan ko si Cielo na walang ibang ginawa kundi magpa-ganda ng magpa-ganda sa Classroom.
Ang mag couple na si ken at lindsy na nambabato ng mga papel sa kahit na sinong mapagtripan nila.
Si jecko na may pinagkakaabalahan sa hawak nyang ipad. Malamang Spg nanaman yan. Anyway kilala sya dito sa classroom nato bilang pervert. Kaya nga andaming lumalayo dyang babae.
Minsan na rin silang nagkainit-an ni Cypher dahil nung unang pag tapak nya palang dito ay ako na ang nabiktima nya. Pero syempre hindi ako nagpa biktima noh!
Si kylde na nakatungo lang sa may desk nya. Kilala naman sya dito bilang mysterious guy. Ni hindi nga namin alam ang background nya. Kahit teacher ay walang alam.
Si Ailee at Aileen na parehong busy sa hawak nilang cellphone. Lagi man silang nag aaway sa mga bagay-bagay. Pero pansin ko sa kanila na ayaw nilang may masaktan sa isa't- isa.
Napatigil ako sa pinagi-isip ko dahil sa biglaang pag dating ni Mrs Evilyn.
"Good Morning Class." Panimula nya. Wala naman ni isang sumagot sa kanya.
"Since nawalan tayo ng dalawang studyante. May papalit naman so, don't worry because we have a new student."
"Kung iniisip nyong wala lang samin ang pagkawala ng mga ilan-ilan sa inyo. Nagkakamali kayo. So, please? Ayusin nyo yang mga busangot nyong mukha." Nagsi-ingayan naman ang lahat ng mga studyante.
"Hija, Come in." Agad namang pumasok yung babae tsaka ngumiti sa aming lahat. "Please introduce yourself."
"Hi, I am Remanda Angelica..."