IX - Remanda

18 2 0
                                    

"Hi, I'm Remanda Angelica..." Pakilala nya then bigla syang tumingin sakin nang masama. Bigla akong nakaramdam ng kaba na ewan. Ang weird nyang tumingin. Psh! Iniwas ko na lang yung tingin ko sa kanya. Feeling ko may galit to sakin. I didn't know her and she didn't know me. So, bakit ganyan sya makatingin?!

Nawala lang yung masamang tingin nya sakin nung biglang may nagsalita. Si Exel. "Miss, bakit dito mopa naisipang mag transfer? Siguradong magsisisi ka lang." Then bigla silang humalakhak ni ken and lindz. Tinignan naman nya si exel tsaka ngumiti.

Feeling inosente huh!

kung pagmamasdan mo sya. She looks Angelic face. Talagang mapagkakamalan talaga syang inosente. Pero kung paano sya mag ayos? I think, she's nerd. Well, Tama nga siguro yung sinabi ni ma'am na kung may mawawala, may papalit naman. Pero may pagkakaiba naman sa kanila ni merry. kung si merry ay laging nakasimangot. Ito namang isang to ay laging nakangiti.

Hindi na ako magtataka kung bully lang din ang aabutin nya dito. Gaya ni merry.

Pinaupo na sya ni Mrs Evilyn sa harapan nya mismo kung saan ang dating upuan ni merry. Ang katabi naman nun ay upan ni christia.

Wait? Nasaan naman kaya si christia?

"By the way, Nalaman na nila kung sino ang isa pang namatay. Ayon sa natagpuan nilang babaeng wala ng ulo sa Abandonadong Classroom ay wala iba kundi si...Christia," Agad namang nag react ang lahat, kahit pati ako hindi makapaniwala.

"Okay class, let's move on. Ipapaalala ko lang sa inyo na sa wednesday na magsisimula ang camping natin ah. Hindi ako magtuturo hanggang bukas dahil marami pa akong dapat asikasuhin para sa gaganaping camping." Madami namang natuwa dahil wala kaming lesson sa kanya hanggang bukas. It means na vacant namin ang subject na ito.

Well, natuwa din naman ako dahil ayoko din namang mag-aral sa ngayon. Ewan ko ba, sinasapian nanaman ako ng katamaran.

"Goodbye Class." Paalam nya then lumabas na sya sa Classroom. Tumayo naman ako kaagad tsaka ko kinuha yung bag ko. Tinignan ko pa si cypher kasi hanggang ngayon ay hindi pa din sya tumatayo.

"Oy tayooo!" Binatukan ko pa sya kaya umeffective yung pagpapatayo ko sa kanya.

"Aray! Bat ba namamatok ka?!" Angal nya.

"Lutang ka kasi dyan! Ano ba kasing iniisip mong puso ka?" Pang-aasar ko pa gamit ang second name nya. Itinagalog ko lang naman yung heart.

"Ewan ko sayo. Palibhasa matamis ka," Aba! Tignan mo nga naman nakuha ding mang-asar. Parehas naman kaming natawa dahil sa mga pinagsasabi namin.

"Tara sa cafeteria. I'm starving." Napangiti naman ako nung Inakbayan nya ako tsaka kami nag tungo sa cafeteria.

-

"Lovely, are you sure na sasama tayo sa camping?" Alinlangan nyang tanong. Tumango naman ako habang may nginunguya.

"Kaso lovely, nag-aalala lang ako sayo. Ayoko nang maalala mo ulit yung nangyari sayo dun, ten years ago." Saglit akong natigilan. Binitawan ko yung kinakain ko tsaka umayos nang upo.

Ngumiti ako ng mapait. "Cypher, wala na yun sakin kaya...kalimutan mo na yun."

"Sige na nga! basta kung saan ka masaya, dun din ako." Binato ko naman sya ng fries dahil sa mga pinagsasabi nya. Ang panget ng mga lumalabas sa bibig nya. Nagpatuloy na lang kami sa mga kinakain namin. Mukha din naman gutom sya kasi kakasabi nya nga lang naman kanina.

-

Kinabukasan...

Pareho kami ni cypher na nasa library ngayon. Nadidistract ako sa kanya kasi kanina pa sya tulala. Actually, kahapon pa talaga sya tulala.

Sassy, Where are U? (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon