III - Who is Sassy?

17 5 0
                                    

Lovely.

  Binilisan ko na ang paglalakad papuntang class room. Ayokong ma-late lalo na't Math pa ang first subject namin. Terror pa naman yun 'kaso nang dumating ako dun. Nagkakalat-kalat pa din ang mga studyante. Kung pag mamasdan mo ang buong Class room 'yung iba mga nakatayo habang nakikipag daldalan, may  nag haharutan at may mga sariling mundo

Nang makaupo na ako sa desk ko 'tsaka ko lang napansin na nandito na din pala si Cypher. Naka-headphone sya habang nakapikit kaya mukhang hindi nya talaga napansin ang pag dating ko.

Kukunin ko rin sana ang cellphone and earphone ko nang naudlot ito dahil kay merry. Remember? Yung natamaan ko ng libro.

Nagtaka ako nung may ibinagsak sya sa desk ko na isang picture. "Gagawin ko dyan?"

"Kakainin. Ofcourse 'titignan mo!" Sarcastic nyang wika. Tumayo muna ako para magka-level na kami. Tinitigan ko ang mga mata nya. I think, galing lang nya sa kakaiyak. Magang-maga eh.

"Stop staring at me. Tignan mo na lang yung picture."

At dahil masunurin ako' tinignan ko ito. Kumunot ang noo ko nung nakita ko ang picture. Magsasalita sana ako kaso naunahan nya ako. "Ikaw ba ang may gawa nyan sakin?" Aniya. Tinignan ko sya nang matalim sa mata. Sino sya para pag bintangan ako?!

"Ayos ka din mambintang ah!bakit 'may ebidensya ka?" Hindi ko napigilan mapasigaw kaya nakuha namin ang atensyon nang lahat. Maging si Cypher na kanina'y naka naupo ay nakatayo na rin ngayon.

"Nothing, pero sa pagkakaalam ko kasi wala namang may galit sakin. Sadyang 'ikaw lang talaga ang nakasagutan ko kahapon."

"Kaya ako ang nakuha mong pag bintangan ganun?" Tumango naman sya habang nakangisi.

I smirked too. "Pasensya, but you don't have an evidence 'para pag bintangan mo ako, So please? Get out of my way."

Hindi pa din sya umalis sa harapan ko kaya 'no choice. Sinanggi ko sya at nag dire-diretsong lakad. Kaso itong merry na to' hinawakan ang kamay ko upang pigilan ako.

"Ano nanaman ba?!"

"Let's go to CCTV room. Let see kung ano ang nangyari kahapon." Aniya. Wala naman akong ibang nagawa kundi tumango na lang. Hindi ako titigilan nitong babaeng to kung mag mamatigas din ako.

"Lovely!" Lumingon ako mula sa likod ko. Si Cypher. "Sasama ako."

Habang nag lalakad kami. Napatingin ako kay cypher nang bigla nyang hawakan ang kamay ko. "Kinakabahan kaba?" Mabilisan naman akong umiling.

Sa totoo lang, hindi ko alam pero may onting kaba din ang namumuo sa puso ko habang palapit kami nang palapit kung saan ang CCTV Room. Ewan ko ba 'basta kinakabahan ako. Siguro kahit sino naman na mapag bintangan ay hindi maiiwasang kabahan diba?

Nang makapasok na kami. Kaagad naman kaming bumati sa nagbabantay dun. Kinausap sandali ni merry yung may hawak ng computer. Maya-maya'y pinalapit nya na kami.

"Panoorin nyo." Maowtoridad nyang sabi. Pinanood ko naman yun habang naka cross arm. Cool lang lovely. Hindi naman ikaw ang may gawa nun eh' So, don't panic.

Pinagmasdan ko ang pinanonood ko kung saan nag lalakad papuntang locker si merry. Kaso biglang lumabo. Anyare?

"What the hell?! Pano ko malalaman kung sino ang nagbigay nung box sakin kung sira yang walang kwenta nyong CCTV?" Pagwawala ni merry.

"Neng, wag mainit ulo. Tsaka dapat hindi mo muna sisihin ang dalagitang yan kung hindi mo naman talaga alam kung sino. Makasalanan ang ginagawa mo neng 'masama mambintang--."

"I.DONT.CARE!" Pagkatapos nyang sabihin yun ay tsaka na sya nag lakad palabas ng pinto. Hindi pa nakuntento dahil sa padabog nyang binuksan at isinara ang pinto. Tch!

At dahil hindi naman ako ang kinakausap nung nag babantay dito. Tinalikuran ko na rin sya habang hila-hila si Cypher. Paglabas namin nang pinto, nandun pa pala si merry. Halatang inabangan ako.

"Who is Sassy?" Walang pag aalinlangang tanong nya. Kumunot naman ang noo ko dahil dun.

"Sino yun?"

"Wag ka nang mag kunwaring hindi mo alam. I know na kasabwat mo sya." Wtf?

"Ano bang pinagsasabi mo?!" Tinulak ko sya pero mahina lang. Kanina pa ko napipikon eh. "First of all. Hindi mo ko kilala para mapag bintangan mo ko nyan.  Pangalawa, hindi ko kilala yang sinasabi mo. At pangatlo, Umalis ka sa harapan ko kung ayaw mong masipa koyang mukha mo!"

"Mag iingat ka sa mga pinagsasabi mo merry. Nandyan lang sya sa tabi-tabi." Pang-aasar ni cypher. Mukha namang natakot si merry sa amin kaya agad syang kumaripas ng takbo papalayo samin.

Tinignan ko naman si cypher na nakangiti lang sakin.

"Bat di mo man lang ako tinulungan?!" Sigaw ko sa kanya. Humalakhak naman sya. "Alam ko namang kaya mo lang yang si merry. Ayun pa, e ang hina-hina nun. Hahahaha!" Ay? Ang saya saya kuya will.

Inirapan ko na lang sya at nauna nang maglakad papuntang canteen para kumain. Hindi ko naman alam na a-absent pala teacher namin si math. Nag sisisi tuloy ako kung bakit pa ako nag mamadaling pumasok. Edi sana nakapag break fast ako kanina.

*************

A/N: Hello, pasensya na kung hindi ako masyado nakakapag update kasi hindi naman ako nakawifi. Tsaka marami ding ginagawa sa school hehe. Wow! Kala mo talaga may readers. Hahahhaa :) so ayun, Kamsahamnida <3

Don't forget to vote and comment.

Sassy, Where are U? (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon