LOVELY.
"SASSY!!!" Napabangon ako't napasigaw. Tinignan ko ang orasan, alas sais palang ng madaling-araw Hindi ko alam kung bakit parang ayoko ng matulog. Maaga pa kasi, kaso ayoko na talagang matulog. Naiisip ko palang yung panaginip ko kanina 'binabagabag na ako.Hindi ko masyadong matandaan. Isa syang liblib ng lugar na puno ng mga patay na tao. Pero ang ipinagtataka ko, bakit parang may isang babae sa panaginip ko? Sino ba talaga si sassy?. . .
Bumangon na ako at naligo na para makapag-ayos na.
Tapos kong makapag-ayos. Tinawagan ko na si cypher na pumunta dito. Actually malapit lang ang bahay nila samin. Mga ilang kilometro lang naman ang lalakarin. Ngayon na kasi ako bibili ng mga pag-kain or ano man yang bilihin para sa camping.
Dibush? Hindi pa sinasabi kung kailan at saan pero todo ready na ko. Ganyan talaga pag 'girls cout. Choss!
Maya-maya'y nandyan na si Cypher kaya agad akong bumaba't sinalubong sya ng yakap. Ganyan lang talaga kami kung mag turingan, so less malisya arraseo?
"Let's go?" Anyaya niya. Agad naman akong tumango at nag paalam na kay mommy.
-
"Cypher, wag mo ngang kunin yung mga chocolates ko. Kumuha ka din ng sayo kung gusto mo. Hmpp!" Singhal ko sa kanya. Kainis naman kasi 'lahat ng kinukuha kong chocolates 'kinukuha nya then nilalagay nya sa kanya. Sabi nya pa 'makakasama daw sakin yun pag madami.
Sa pagkaka-alam ko wala naman akong sakit sa lalamunan.
Wait? Meron bang nagkaka-sakit sa lalamunan?
"Hindi nga sayo pwede nang madami okay?"
"At bakit naman aber?"
"Malala ka pa sa baliw pag naging hyper eh. Nyahahaha." Tinarayan ko na lang sya at iniwan dun. Bahala sya, basta ako maganda.
Matapos kaming kumuha ng mga pagkain na gusto namin. Dumiretso na kami sa may cashier para mag bayad.
"Seriously? Nananadya lang ba sila o ganyan talaga kadami yung pinamili nila?" Singhal ni cypher, halata sa boses nya ang pagka-inis. Napatingin naman ako kung saan sya nakatingin. Sa harapan pala namin, hindi naman sa mainipin kami pero kanina pa kasi talaga kami naghihintay sa pila.
"Baka naman may tindahan sila kaya ganyan ka dami." Tinignan nya naman ako na parang nagtataka. "What? Eh kakarinig ko nga lang na para sa girlfriend nya yun lahat."
Napangisi naman ako.
Asus! "Tsismoso."
Tinignan nya naman ako ng masama. "I'm not."
"Kaya pala nakikinig ka sa usapan nila. Ahahahah." Ilang beses nya pa ako pinapatahimik pero hindi parin ako nag papatinag. Edi ayos! Nakabawi din ako sa pang-aasar nya.
"Sampung taon pa ata lilipas bago sila matapos dyan." Reklamo nya. Ilang beses pa syang tumikhim-tikhim pero sadyang walang kibo talaga yung dalawang mag shota.
Hindi ko masyadong makita yung mga mukha nila dahil nga nakatalikod silang dalawa sa amin ni cypher.
"Excuse me sir, matagal pa ba--." Napatigil ako sa pagsasalita nung mamukhaan ko na si detective pala itong kaharap namin ngayon. Girlfriend nya ata tong kasama nya. Infairness, may itsura.
"Seriously? Ganyan talaga karami ang bibilhin nyo?" Dahil sa pabalang mag tanong si cypher ay bigla-bigla ko syang binatukan.
"Kayo lang pala yan detective. Bakit parang napaka-rami ata nyang mga binili nyo? Kasama ba kayo sa camping?"
Ngumiti naman si detective david. "Mandy and Cypher right?" Tumango ako. Siniko ko si cypher dahil nagsu-sungit nanaman sya. Lumalabas nanaman ang pagkawalang modo nya!
"Actually yes, kasama kami sa camping." He answered.
"Bakit kasama kayo? Mag i-imvestigate din ba kayo dun?" Singit bigla ni Cypher. Hindi ko alam kung wala lang ba talaga sa mood to Or talagang sarcastic yung pagkaka-sabi nya.
"Yeah, your right. Pagi-imbestiga nga ang ipupunta namin dun. Why dude? May problema ba?" Hindi na lang sumagot si cypher. Humarap nalang sya sakin tsaka pinitik ang noo ko.
Tsk tsk.
"By the way, She's Cheenie. My girlfriend." Pagsasalita ulit ni detective. Syempre dahil mabait akong tao. Maganda pa 'nakipag kamayan ako sa jowakells nya. Buti na lang malambot kamay nya. Karamihan kasi sa mga magaganda ay magagaspang mga kamay. Hahahah!
"Hi!" Bati nya. Ngumiti naman ako. Ang ganda nya kaso bitin kilay nya. Choss!
"Geh, una na kami." Biglang paalam ni cypher. Gusto ko pa sanang makipag-usap sa dalawa kaso hinatak na ako ng katabi ko.
Ang kj.
***********
A/N: Sensya na kung waley yung chapter na to. Wahahaha! Pinilit ko lang talaga mag update kahit maraming ginagawa.