LOVELY.
"Cypher, i want more kimchi pleaseeee?" Kanina ko pa sya pinipilit pero hindi naman sya pumapayag. Napanguso na lang ako."Nah. Nakakarami kana kaya tama na, bukas naman ulit." Bakit bukas pa kung pwede namang mamaya na lang? Hayyy buhay parang life.
Sumubsob na lang ako sa may table. Wala na kong magagawa, lagi naman syang nasusunod. "Oy, anong kadramahan yan 'Sweet?"
Tinignan ko sya ng masama. "Don't call me sweet." Humalakhak lang sya na parang akala mo wala ng bukas. Malala na!
"AAAAAHHHHHHHHHH!!!!!" Napatayo ako dahil sa sobrang lakas ng tili na nagmumula sa may C.R. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Feeling ko may hindi magandang nangyari.
Hinawakan ni Cypher ang kamay ko at hinila ako papunta kung saan may mga nag kukumpulang studyante.
Napaiyak na lang ako nung makita ko si jerome na nakabigti habang may nakalagay na papel sa noo nya.
'Kpoper ako, wag tularan'
Sinong gumawa nito? Parang kanina lang pinagalitan sya ni Sir kasama si layne tapos ngayon eto na madadatnan namin.
Niyakap na lang ako ni Cypher. Sobra akong napahagulgol. Feeling ko bumalik nanaman sa akin yung nangyari nung bata pa ko. Pilit kong hindi inaalala yun pero wala. Talagang kusang pumapasok sa isipan ko yun.
------
KEN.
Nakatulala lang ako habang nakadungaw sa may bintana. Hindi ko maisip na si jerome na binubully ko....ay wala, alam ko namang palagi ko syang binubully pero nalulungkot padin ako dahil sa nangyari sa kanya. He don't deserve to die.
Kung tutuusin, ako dapat ang mamatay, kasi ako ang laging masama sa campus na to. Kinatatakutan ako dito. Share ko lang.
Pero syempre joke lang. Hindi ko din naman deserve mamatay noh, mababawasan ang mga gwapo sa mundo pag namatay ako.
"Huy ken, Sarap bang mag senti?" Nilingon ko kung sino ito. Si exel.
"Problema mo?"
"Madami, gusto mong manghingi?" Iniiwas ko na lang ako tingin ko sa kanya.
"Dude, Sa tingin mo? Sino kaya gumawa nun kay jerome?" Napatingin ulit ako sa kanya. Parang alam ko na ah.
"Pinagbibintangan mo ba ko?" Humalakhak lang sya dahil sa tanong ko.
"Masyado ka namang affected dude." Tinapik nya ako sa balikat ko. "kaibigan kita kaya kilala kita. Alam ko namang hindi mo kayang gawin yun kay jerome. Kasi naman dude, Tigilan mo na ang pang bubully."
"I can't. Alam mo namang hindi sumasaya ang araw ko nang walang binubully hindi ba?" Tumango na lang at tumawa.
"Oo na! Basta binalaan na kita." Tumayo na ko at niyaya na sya sa susunod na subject.
-----
LOVELY.
"Good afternoon class." Wika nang adviser namin.
Binati din namin sya pabalik. Hindi na ko tumayo.
Pinagmasdan ko ang buong paligid. Halata sa mga studyante na balisa sila dahil sa nangyari kay jerome. Lahat malungkot, hindi ko sila masisisi. Masyado kasing mabait si jerome kaya maraming nag mamahal sa kanya.