VII - The truth is...

24 1 0
                                    

"Good Morning Class," Panimula ni Mrs Evilyn. Sabay sabay naman kaming nagsi-tayuan at bumati pabalik.

"I just want to inform 'all of you na sa wednesday na ang camping natin. So class, be ready okay?"

"Ye," Sagot nang iba.

May mga ibang nagtatanong din kung kailan naman ang balik dito.

"Actually, five days tayong nandun pero sa sunday ang balik nating lahat dito. Monday naman ay walang pasok para naman makapag pahinga pa kayong lahat."

Tinaas ko ang kamay ko at agad naman itong napansin ni ma'am. "Yes Miss Mendez?"

"Saan po tayo magca-camping?"

Napansin kong biglang nawala ang ngiti sa mga labi nya.

"Sa Mendily Resort."

Wait what?! Sa resort namin?

"But--."

"No buts Miss Mendez. Alam kong abandonadong resort na yun, at alam ko ding kayo ang may ari nyun." Hindi ko alam kung anong ire-react ko sa kanya. Imposibleng doon kami e abandonadong resort nayun.

"I'm sorry Miss Mendez pero yun na ang napiling lugar para sa gaganaping camping dito. pwede ka namang mag back-out  if na ayaw mo dun. Tuloy padin naman ang camping kahit wala ka---."

Naputol ang sasabihin nya nang biglang tumayo si Cypher at nakisali sa usapan natin.

"I'm sorry for being sarcastic ma'am pero sumosobra naman ata kayo kay lovely. Wala nang preno yang bibig nyo," Ani Cypher.

Tumayo si ma'am at ikinalampag ang desk. Nainsulto huh?

"How dare you to insult infront of me?! Get out of my class." Ani ma'am habang nakaturo sa may pintuan kung saan kami pinapalabas.

Napangisi si cypher. "Goodbye," Hinawakan nya ang kamay ko tsaka ko hinatak papalabas ng Classroom.

Oh-kay.

Sa mga nakikita ko sa emosyon ng mga mata nya, alam kong galit na galit talaga sya sa sinabi ni ma'am. Kahit naman din ako. Pero... ugh! Kainis naman. Bat pa kasi kami napalabas, pano nako matututo nyan?

Nang makalabas kami. Agad kong binitawan ang kamay nya. "What do you think you're doing Cypher?!"

Ngumisi sya at hinawakan ulit ang kamay ko.

"Cypherbabe, not Cypher." I rolled my eyes. Letcheeeeee!

"Tara sa Cafeteria," Anyaya nya.

"Gagawin natin dun?"

"Mag-aaral."

Tinignan ko sya ng masama. "Syempre kakain tayo dun, ikaw naman."

-

Merry's POV

"Merry, mauna na ako ah." Paalam ni sakin ni christia.

Tinignan ko ang relo ko. It's already 5:45 pm. Hindi ko napansing padilim na pala dahil sa dami kong ginagawa.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo tsaka ko kinuha ang gamit ko para mag puntang locker. Psh! Ganito ba talaga pag buhay nerd?  Puro aral.

Habang may kinukuha ako sa locker ko hindi ko maiwasang pakiramdaman ang lugar. Feeling ko nakarinig ako ng kalabog. Hayyy merry stop it, napaparanoid kalang.

Sassy, Where are U? (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon