Chapter 3

113 2 0
                                    


"Nica!"

Awtomatikong lumihis ng daan si Danica nang makitang nakaabang na naman si Bracks sa gate ng university. Lakad-takbo ang ginawa niya para hindi maabutan nito at laking pasalamat niya nang agad siyang makasakay sa jeep. Subalit hindi natuloy ang pagbubunyi niya nang ang tumabi sa kanya, lingunin niya man o hindi, amoy pa lang, kilalang-kilala na niya.

"Magkano ang bayad?" tanong ni Bracks sa tabi niya. Hindi siya sumagot kaya kinalabit siya nito sa siko. "Magkano?" anitong bahagyang nilakasan ang boses. Hindi pa rin siya tumugon. "Magka-"

"Mukha ba akong konduktora?!" sigaw ni Danica at marahas na binalingan ito. Natahimik naman ang mga nagtsi-tsismisang estudyante na kasabay nila sa jeep na halatang si Bracks ang pinag-uusapan dahil sa huli ang mata ng mga ito.

"No. Pero ikaw lang ang kakilala ko rito-"

"Hindi tayo magkakilala," pangbabara niyang inignora ang mga tsismosa.

"Pero ikaw lang ang kilala ko kaya sa 'yo lang ako magtatanong," pagra-rason ni Bracks na ngumiti pa at hindi inalintana ang pagtataray niya. "So... how much?"

"Hi. Ako si Madel," pakikisali ng isang babaeng abot-tainga ang ngiti at tagtag ang mukha ng make-up. Titig na titig ito sa katabi niya na kulang na lang ay mahubaran si Bracks sa lagkit. "Kilala mo na ako. Pwede mo na akong tanungin."

Pero imbes na sumagot ay ni sulyap, hindi ginawa ni Bracks. Sa kanya lang ito nakaharap na para bang silang dalawa lang ang lulan ng jeep.

Landi pa more! Buti nga! kutya ni Danica sa isip. Nakikinita niya ang mala-demonyo niyang halakhak na may effect pang pag-gulong-gulong sa sahig. Somehow, she felt so proud and beautiful. Lalo na nang ingusan siya ng babae.

"How much?" again, Bracks asked.

Bumuntong-hininga siya. Nang makitang nakarating na sila sa mall na pupuntahan niya ay pumara siya saka binayaran ang pamasahe nila ni Bracks. Hinawakan niya ang manggas ng suot nitong polo pagkatapos hinila na ito pababa.

"How much?"

"Ganyan ka ba? Parang sirang plaka? Paulit-ulit?" parang no'ng unang nagkita sila. Wala itong bukam-bibig maliban sa una nitong tanong na 'Who are you?'.

"It is because you're not answering me properly. Kung sinasagot mo lang sana agad ako, hindi sana ako mukhang sirang plaka."

Napahinto si Danica sa gagawing pagtawid nang hawakan nito ang kamay niya. Babawiin niya sana iyon nang hilahin siya nito sa tabi nito.

"Maraming palyado na ganyan dito kaya dapat mag-ingat tayo," paalala nitong turo-turo ang pobreng traffic light na wari'y pinag-aaralan ang pagkakambyo ng kulay. "Let's observe first."

Imbes na sa concern nito siya titingin ay mas natuon ang atensyon niya sa mga kamay nilang magkasugpong pa rin. She tried to take it but Bracks just tightened the grip. Naramdaman niya ang mala-kuryenteng dumaloy mula roon papunta sa tiyan niyang ngayon ay kinikiliti na ng kung anong specie na naglalaro sa loob.

"Let's go."

Walang nagawa si Danica kundi ang magpatangay dito. Hanggang makapasok ng mall ay windang pa rin siya. Pumasok kasi sa isip niya ang pagkakataong hinawakan din ni Chito ang kamay niya pero wala siyang ganoong naramdaman. Everything inside her stayed still and calm. Kinilig siya, oo. Pero iba. Walang... excitement?

Binitiwan ni Bracks ang kamay niya nang mapaupo siya nito. Bumalik ang huwisyo niya at saka lang napag-aralan ang lugar na pinasukan nila. Sa isang restaurant siya nito dinala at wala sa sariling tinanggap ang menu book na iniaabot ng waitress.

Back to BracksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon