Chapter 7

101 4 0
                                    


"Trixia, tingnan mo 'to."

Kinuha ni Trixia ang newspaper na kasama sa mga papeles na dala ni Clay. Parang wala lang na itinapon niya iyon sa basurahan nang mabasa ang walang kwentang bagay na pinag-uusapan ng madla.

"Huwag mong alalahanin iyan," aniya rito at ipinagpatuloy ang pagpipirma ng cheque. "Okay kami ni Chard."

Months ago, she had a well-known boyfriend- Chard Tan. He's an event organizer and a model at the same time. Nang makipag-break siya rito, isang buwan pagkatapos niya itong sagutin, ay may karumal-dumal na nangyari rito. He prepared a surprise for their monthsary but unfortunately, he's the one who was stunned and was paid by an unexpected incident.

Habang pilit niyang binabawi ang sariling braso ng mga oras na iyon sa gitna ng pagtatalo nila ay hindi niya napansin ang kalapit na poso negro. Bukas iyon at nang maglagay siya ng pwersa, napaatras si Chard at nahulog ito. It became the talk of the town. Dahil walang interbyu na nakuha sa lalaki ay patuloy pa rin ang media sa pagkalap ng impormasyon.

A video from a netizen was posted. A clearer one where she can be seen. Nakilala si Trixia. At nakalagay sa article na sinadya niyang itinulak ang binata.

"Pero-"

"Mas maraming bagay na dapat pagtuunan ng pansin, Clay. May ampunan na magbubukas at festival na pagkakaabalahan ng lahat. Mag-pokus na lang tayo sa mga bagay na iyon."

Bumuntong-hininga ang kaibigan niyang naging katuwang niya sa clothing line company niya. "Okay. Basta mag-iingat ka lang. Baka bigla kang palibutan diyan sa daan. Wala pa namang pinipili ang mga tsismoso at tsismosa, may maibalita lang."

She smiled. Nag-aalala talaga ito. "I know. Pero hindi hahayaan ni Governor na may manggugulo sa mga mamamayan niya. So as long as I'm here in Capogian Grande, I'm safe." She stood up. "Dadalaw ako sa pagawaan."

Mula sa pinakababang palapag kung saan ang opisina niya ay tinungo ni Trixia ang factory na nasa itaas lang. Si Clay ang kadalasang gumagawa niyon at mas nakatuon ang pansin niya sa paggawa ng mga designs.

Her clothing line that has a brand namely 'X' is existing for three years now. Limited ang inilalabas niya per month aside from having a collection per season. Distributed na rin iyon nationwide kung saan may shop siya sa malalaking siyudad sa Pilipinas.

From being a local designer, Trixia expanded her piece to some countries in Asia. Halos nakahanda na ang lahat sa pagbubukas ng mga shop at ang hinihintay na lang ay ang magaganap na runway sa collection niya ngayong taon na nagbibigay ng pressure sa kanya. But she knew she can manage. Kailangan lang niyang magmukmok at matatapos niya rin agad lahat.

Maingay na tunog ng mga makinang ginagamit sa pananahi ang sumalubong kay Trixia nang makapasok siya sa factory. Sumenyas siyang magpatuloy lamang ang lahat sa ginagawa ng mga ito at hindi siya mang-iistorbo. Lumapit siya sa isang tauhan at kinuha ang natapos nitong damit.

Pinasadahan niya ng tingin ang bawat dinaanan ng karayom at sinulid. Hinawakan niya rin at pinakiramdaman ang telang ginamit kung iyon ba ang naaayon sa design niya. Nang makontento ay nakangiting pinasalamatan niya ang mananahi bago lumapit sa iba.

Iyon kasi ang importante sa produkto niya. Dapat may sinusunod na standard lalo pa at ayaw niyang masabihan ang bawat gawa niya na mababang klase. Hers are simple yet she wants to maintain its label as classy. Lalo na at sa bawat pino-produce ng abilidad niya, hindi niya tinatantanan hanggat hindi maganda mismo sa paningin niya.

Napabaling si Trixia nang may marinig siyang umubo. Awtomatikong inutusan niya ang isang supervisor na pasunurin ito sa opisina niya.

"Yes, Ma'am?" ani ng babaeng kung hindi siya nagkakamali ay mga nasa daisy otso pa lamang ang edad.

Back to BracksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon