Chapter 4

88 2 0
                                    


Halos mapuno na ang basket ng drawing books at color pencils pero ayaw pa rin ni Danica na tantanan ang pamimili. Para sa mga bata iyon sa ampunan. Balak niya kasing magkaroon ng aktibidades at lahat ay may matatanggap na premyo.

Nakita niya si Bracks sa entrada ng bookstore. Halos magsugpong ang mga kilay nito sa kung ano man ang nakikita nito.

"Bracks!" tawag niya para magpatulong.

Nagmamadaling lumapit ito at kinuha ang bitbit niya. "Akin na iyan. Ito na ba lahat?" kitang-kita niya ang pagkabalisa nito na lumilingon pa sa labas. "Wala ka na bang nakalimutan?"

"Wala na. Okay ka lang ba? Ex mo na naman?"

"No. I just- Wait!" humarang ito sa daraanan niya. "My friends. 'Yong mga nakasama ko sa bar. I haven't answered any of their calls yet. Ayaw ko pa kasing pag-usapan ang nangyari."

"Sigurado ka ba?" nagdududang tanong niya.

"Sure and clear, head and shoulder." Tinawanan nito ang sariling biro pero hindi niya iyon kinagat. Naramdaman yata nito iyon kaya agad umayos. "Anyway, naalala kong may gusto akong ballpen na balak bilhin. Nandito yata iyon sa bookstore na ito- Hey! Nica!"

Hindi nagpahuli si Danica sa pagsubok ni Bracks na agapan siya. She unusually acting weird, she noticed, but so was he. Kaya dapat ay makita niya ang kung sinuman ang dahilan kung bakit hindi maipinta ang mukha nito. Hindi kamo ex nito. Gusto niyang matiyak ang bagay na iyon.

But she should have chosen to listen, instead. Dahil hindi na siya pinahirapan pa ng mga malalaki niyang mata at agad nakita ang sa tingin niya'y totoong pinagtatakpan ni Bracks. 'Coz not too far from her is really a scene to behold. Na mas nakakahalinang panoorin dahil kilalang-kilala niya ang aktor at aktres.

Hindi alam ni Danica kung ano ang dapat na maramdaman habang natutunghayan niya si Chito at matalik na kaibigang si Tala sa isang jewelry shop na nasa harap ng bookstore. Magkahugpong ang mga kamay nito habang namimili ang huli ng alahas. The former's arm slid on the latter's shoulder and kissed her friend on the cheek. Bago pa mag-landing ulit sa kung saan ang mga labi nito ay may mainit na kamay ang marahang humablot sa braso niya at inilayo ang paningin niya sa hindi nagugustuhang pangyayari.

"Bracks..." sambit niya nang yakapin siya nito. Habol niya ang hininga na 'di niya mawari kung bakit bigla siyang kinapos.

"It's okay," bulong nito at hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya. Hinimas-himas nito ang likuran niya. "It's okay."

Hinayaan niyang maglandas ang mga luhang nais kumawala. Komportable rin yata siya kay Bracks kaya hindi na siya nahiya pa. Being in his arms, she felt protected. Kahit pa may nararamdaman siyang sakit dahil sa nasaksihan.






Inihilamos ni Danica ang mukha sa mga palad saka pagod na umupo sa nadaanang bench. Kung saang lupalop na siya dinala ng mga paa niya nang mag-desisyon siyang maglakad-lakad. Kung lakad pa bang matatawag ang penetensyang inabot na siya ng dilim sa daan.

A familiar scent sat beside her. Wala sa sariling inihilig niya ang ulo sa kawawang lalaking naging aso na sunod ng sunod sa kanya na animo'y isa siyang butong paborito nito.

"Bracks, pwede ka ng umuwi," wika ni Danica at suminghot.

"Sasamahan kita."

"Aren't you tired?"

Back to BracksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon