Chapter 15

246 12 1
                                    


"Kay Bracks ka ba sasabay?"

Pagkatango ay nagpaalam na si Trixia at Bracks sa mga magulang niya. Katatapos lang ng seremonyas sa kasal ni Governor Deo at Caille na isa nang Alcantara. Imbitado ang buong mamamayan ng Capogian Grande na sa loob ng dalawang buwan ay siyang pinaghandaan ng maigi.

"Ang ganda ni Ate Caille," aniyang nilingon pa ang bagong kasal na nasa labas pa ng simbahan at nagpapakuha ng litrato.

"Mas maganda ang nag-design at tumahi sa traje de boda," ani Bracks na nagpangiti sa kanya. "Matunghayan ko ba naman ang pagpupuyat at pagkokolekta ng babaeng iyon ng eyebags."

"Heh! Hindi kita pinilit na samahan ako."

Nang tuluyang ideklara ang kasal, agad kinontrata ni Trixia ang bride tungkol sa panaginip niya. At sa gulat niya, Caille was dreaming a wedding before as well. Kaya tawa sila ng tawa dahil parang sinadya.

"Gutom ka na?" Inabot ni Bracks ang kamay niya saka nagsimulang magmaneho. "Hindi ka na nakapag-pananghalian kanina dahil masyado kang excited."

"Hindi pa naman." Pero kung aabot ng dalawang oras ang biyahe papunta sa Hacienda Alcantara dahil sa dami ng taong pupunta doon, baka makaramdam na nga siya.

"Ang daming pakulo ni Kuya Deo, ayon kay Tita Laura. Ready ka na ba?"

"Kasali ako?"

"Lahat."

"Hindi iyan," kampante niyang tugon. "Tiyak mas abala si Gov sa pag-iisip tungkol sa honeymoon," natatawa niyang sabi at parang kiti-kiting kinilig.

Tumawa si Bracks. "Ikaw, saan mo gusto mag-honeymoon?" Natigilan siya. Biglang tumigil sa paggana ang utak niya. "Saan?"

"Bigyan mo muna ako ng mapapangasawa. Saka ko pag-iisipan," sabi niya na lang para mas safe.

"Okay. Bibigyan kita mamaya. May ipapakilala ako."

And that seemed not nice to hear.








Dapat pala, inisip na ni Trixia ang worst case scenario nang sinabi ni Bracks kung handa na ba siya sa inihanda ng loko-loko nilang gobernador. Dahil tumambad sa kanya ang una pa lang at hindi niya alam kung gaano katindi ang susunod.

"Get in," udyok ni Bracks. Naka-plastada na ito sa upuan ng bike at nakahawak na sa manibela.

"Kaya mo?"

"You're so light, honey. Para lang akong walang pasahero."

Kinakabahan man ay pumwesto na siya sa likurang upuan ng bike. Tiningnan niya ang mga kasabayang natutuwa sa nangyayari. Siya lang yata itong kinakabahan at hindi iyon nagustuhan.

"Ready?" Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa baywang ni Bracks at mariing pumikit. Hindi pa siya nakontento. Isiniksik niya ang mukha dito mismo para walang makita habang tumatakbo sila. "Relax," he said in an assuring voice. "I won't let you get hurt. I'll be careful."

Pagkasabi 'nun ay kumalma siya. Saglit. Dahil nang mag-umpisa na itong mag-pedal ay kagat-kagat ang mga labing pigil niya ang mapatili.

Kung hindi ba naman walang magawa talaga si Deo, mula sa entrada ng Hacienda Alcantara papunta sa mansyon ng mga ito ay pinatigil nito ang mga may dalang sasakyan. Mula sa edad na trenta pababa maliban sa mga batang-bata pa ay hindi pwedeng pumasok nang hindi naka-bisikleta. Hindi rin pwede ang maglakad nang mag-suggest si Trixia at dapat daw sundin ang utos ng groom. Ang dahilan? Dapat daw mapagod ang lahat bago makarating sa mansyon para maraming makain. Isang dakilang kababawan!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 25, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Back to BracksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon