Chapter 13

82 6 0
                                    


"Pasensya na talaga."

Trixia held Aaron's hand. Gusto niya iparating rito ang sinserong paghingi niya ng tawad sa pagtanggi sa nararamdaman nito para sa kanya. Alam niyang naging unfair siya pagdating sa pakikitungo rito pero ano ba ang magagawa niya? Kahit crush ay ni hindi siya tinubuan man lang para pang-konswelo rito kahit papaano.

"It's okay. Baka hindi lang talaga."

"Someone out there deserves you more than me. Magkikita rin kayo. Mahahanap mo rin siya." Hindi siya makapaniwalang sa kanya mismo nagmumula ang 'deserve' na salita. But hers meant for good and sincerity. Not for judgement.

Mag-mo-move on ka na, di 'ba? Para saan pa ang pagiging atribida mong pahabol, ha? sermon niya sa isip bago iwinaksi ang bad vibes sa utak niya.

"Saan?" tanong ni Aaron na nakapagpa-simangot sa kanya. He laughed. She felt good, finally. "Kidding. I really hope so. Ako itong gusto nang magpatali ay pinagkakaitan pa ng pana. Ipinapain ko na ang sarili ko, iniiwas pa rin sa akin ang maging masaya."

"Kasi hinahanda para sa 'yo ang pinakamasaya." She motioned her hand like doing the Twinkle Twinkle Little Star action. "Hintay ka lang."

"Ikaw ang maid-of-honor ko pagnagkataon, ha?"

"Pwede ring bridesmaid, ring bearer, flower girl, lahatin mo na. Ayos lang at para na rin makatipid ka," biro niyang sinabayan ng tawa.

Aaron just stared at her in awe. "Ngayong tuluyan mo na akong binasted, tatawa-tawa ka na."

"Komportable na ako, Kuya. And I hope you don't mind."

"Should we make a truce for this? How about a drink? Nag-aaya si Ted kanina sa Cagandahan Lounge bago ako pumunta rito kaya makakasiguro kang wala akong gagawing masama sa iyo sapagkat nandoon din siya."

Pumasok sa isip niya si Bracks. "Sige."









"Date kita ngayon. Bukas mo na akong gawing kuya."

Natatawang bumaba si Trixia ng sasakyan. Inalalayan siya ni Aaron hanggang sa makapasok sa loob ng Cagandahan Lounge. Walang gaanong tao sa baba dahil tiyak na sa itaas ang karamihan. Lahat kasi- babae, lalaki, bakla o tomboy, allowed ng araw na iyon na magkasama.

Weird din kasi ang panukala ni Russ na may schedule pa ang bawat gender. Kaya tuwina'y punung-puno ang bar kapag Biyernes, Sabado at Linggo.

"Ano ang gusto mo?"

"Isang shot lang ng Baileys," sagot niyang parating order kapag nandoon. May lasa kasing tsokolate at matamis.

"Brandy naman sa akin. Double shot on the rocks."

Nang ma-i-serve ang order nila ay tumungo na sila sa ikalawang palapag. Maingay at nagkakasiyahang mamamayan ng Capogiang Grande ang siyang sumalubong sa kanila. Palinga-linga siya. Hinahanap niya ang mga kasamang doon ang tungo pagkatapos ng final practice kanina.

"Woah! Am I dreaming?"

"Lasing ka lang, Kuya." Niyakap ni Trixia ang kapatid.

"Ngayon pa lang ako mag-ha-hard," depensa nitong nakataas ang basong may kaparehong kulay nang kay Aaron bago kinamayan ang katabi niya. "Buti nailabas mo ito?"

Back to BracksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon