Chapter 11

99 1 0
                                    


"Bracks, ikakasal na si Governor Deo, di'ba?"

Umagang-umaga ay tsimis ang bumubungad kay Trixia. Ayaw niya mang tumuloy sa dining room para harapin si Bracks ay hindi pwede. Nagpautos mismo ang ama niya na gisingin siya dahil may bisita nga. Bwesita pala.

"Good morning." She readied a smile for her parents before blankly turning to Bracks and unlively greeted him. Nakaupo na ito sa hapag at pinagsisilbihan din ng kasambahay nila.

"Tita, hindi ko po alam kung ikakasal pero si Ate Caille ay long-time girlfriend ni Kuya Deo noon," sagot ni Bracks pagkatapos siya nitong balingan. "But we really are crossing our fingers na nagkabalikan na ang dalawa at sa simbahan na ang tuloy."

"My wife always believes what she foresees, hijo," pakikisali ng papa niya. "At gaya ng gusto ng pamilya Alcantara, iyon din ang nakita niya."

"Aba'y dapat pala ay magpa-party na tayo, tito, ngayon pa lang," biro ni Bracks.

Itinaas ni Tirso ang tasa ng kape nito. "Cheers!"

"Cheers!"

Napailing si Trixia sa mga nasisiraan ng ulo na kasama niyang nag-aagahan. Sana lang ay hindi mabulunan ang mga ito na ang pinag-uusapan ay buhay ng ibang tao. Though she is one out of many who will be very happy if their governor will soon tie-the-knot between him and Caille, ang pangunahan ang mga ito sa hindi pa nasisigurong mangyari ay magpapaasa lang sa boto sa mga ito.

"At ikaw naman, Bracks? Kailan mo gustong habang-buhay na ang pagiging masaya?"

"Wala pang balak, tita."

"Wala ka pang natatagpuan?"

"Matagal na kung tutuusin, tito." Bracks paused for a little while before continuing. "Kaya lang, kamakailan lang nagpakita dahil mukhang trip makipagtaguan kay kupido."

Bahagya siyang natigilan sa sagot nito. But she continued as if she heard nothing when Bracks' attention flew to her. Halos kaharap niya ito kaya sa gilid ng mga mata niya, kitang-kita niya na sa kanya na ito nakatingin.

"Hmm. That's interesting," komento ng mama niya. "Ex girlfriend?"

"Yes."

Mula sa plato ay napaangat siya ng mukha. "Habulin mo na at nang matali ka na rin," naisaboses niya nang wala sa oras. Pati ang mga magulang niya ay gulat na napabaling sa kanya, marahil dahil sa tono niyang pagkadisgusto ang banat. "What I mean is..." she cleared her throat. "Gaya niyo, Ma, Pa. Kung si Bracks, hahabulin na ang babaeng iyon, I'm sure magiging gaya niyo ang buhay niya. Masaya, matatag, at hindi basta-basta." palusot niyang may bahid namang katotohanan.

"Do you think we are strong, prinsesa ko?"

"Pa, blessed kasi kayo ni Mama kaya magkasama pa rin kayo hanggang ngayon at nakakasama ko."

Her mother moved and kissed her cheek. "Mas biyaya ka sa amin kaya nandito pa rin kami ng papa mo."

May humaplos na mainit na palad sa puso niya sa narinig. Siguro tama ang mama niya. Kumapit ang mga ito kahit gaano na katagal hanggang sa mabuo ang pamilya nila. Pero siya ang mas nabiyayaan ng husto. Dahil dalawang magulang ang ibinigay sa kanya ng Diyos na mahal siyang totoo.

"O, Bracks. Makinig ka sa dalaga ko at sa babae na mismo nagmula ang payo," pagbabalik ni Tirso sa topiko. "Go and get what you feel is yours. Huwag mo nang pakawalan."

"I won't, tito," sagot ni Bracks na may kombiksyon. "Not in this and next lifetime."

"Sweet!" kinikilig na turan ni Maria Shana. Palibhasa, wedding organizer ito kaya parating nag-pa-pantasya ng maganda at hindi makakalimutang happy ending. "I will follow your story too. Magaan ang vibes ko sa 'yo no'ng una tayong magkita kaya dapat e-update mo ako."

Back to BracksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon