Yakapan
by: DakoPeymusKabanata 1
ISANG malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko habang pinagmamasdan ang report card ng kapatid kong lalaki. Nag-isip muna ako ng malalim bago ko simulang ipasok sa garahe ang sasakyang gamit ko.
Agad na lumapit sa akin ang Mayordoma ng bahay pagkapasok ko sa loob.
"Magandang hapon po, Señorita Cherry." bati nito sa akin.
"Dumating na ba si Christian?" tanong ko agad dito. Hindi ko na pinansin ang pag-bati nito sa akin. At saka isa pa, wala din naman akong pakialam.
"Hindi pa po Señorita. Pero si Señorito Zeb po——."
"Tawagin mo na lang ako kapag dumating na siya. Aakyat na muna ako sa kwarto ko" diretsong saad ko at saka nagsimula ng umakyat. "Sandali nga Leonora, yung bagong kasambahay na sinasabi mo, dumating na ba?"
"Ah, opo Señorita. Nasa itaas po siya, pinagpa-plantsa ko ng mga damit" sagot naman nito.
Mahirap ang maging panganay sa loob ng isang tahanan. Napakaraming gampanin at tungkil ng isang pagiging panganay. Napakalaki ng responsibilidad. Lalo na sa sitwasyon naming apat na magkakapatid, ilang dekada na akong tumayong magulang sa mga kapatid ko.
Bukod sa hirap, may pagkakataon din naman sa buhay nating mga panganay na nakakaranas tayo ng ginhawa at sarap. Bakit? Dahil ikaw ang panganay, napaka-engrande ng pagpapalaki sa iyo ng mga magulang mo. Napaka-sensitibo pagdating sa balat at kalusugan. Strikta pagdating sa iyo. At dahil nga unang anak ka, lahat ng mga gamit mo ay bago. Pero ang lahat ng iyon ay lumilipas at unti-unting nawawala lalo na kapag nagkaroon ka na ng kapatid. Wala na sa iyo ang atensyon ng lahat. Parang pinaglumaan kung baga. Pero panganay ka eh, kaya dapat iintindihin mo na lang ang sitwasyon.
"Naku, magandang hapon sa iyo iha. Ako nga pala si Minerva, Minerva Reyes. Ako yung bagong——."
"Yah I know. Ikaw yung bagong katulong. Alam mo na siguro ang mga patakaran dito sa bahay, kung hindi pa, itanong mo na lang kay Leonora." sabi ko sa kanya habang pinagmamasdan siya simula ulo hanggang paa.
Wala naman kasi akong pakialam kung sino ang mga kasambahay dito, ang mahalaga lang sa akin ay dapat hindi nila sirain ang tiwala ko sa kanila.
"Gusto mo ba ng meryenda iha?" tanong sa akin ni———— ah, I forgot her name.
"Wag na. Ang kailangan ko ay pahinga" sagot ko sa kanya pagkatapos non' ay tumalikod na ako at pumasok na sa kwarto ko.
Nakakapagod ang buong maghapon sa eskwelahan. Bukod sa mga lessons na kailangan kong intindihin at unawain, may mga terror pa akong teacher na hindi ko malaman kung menopausal na. At dumagdag pa sa intindihin ko ang report card ng kapatid ko'ng lalaki.
Inilapag ko sa side table ko yung bag ko at agad na humiga sa malambot kong kama. Ipinikit ko ang mga mata ko at agad na inialis sa isipan ko ang lahat ng problema ko.
KINUYOM ko ang kamao ko dahil hindi ko na mapigilan ang galit ko. Palagi naman akong galit at walang pakialam sa mga bagay-bagay pero nasa ibang punto na ng usupan ang pinag-uusapan dito.
"Hoy Flores, ipinapa-alala ko lang sa iyo na nalalapit na ang palugit na ibinigay ko sa iyo. Umaandar ang oras, tandaan mo iyan"
Matalim ko siyang tinitigan habang pinipigilan ko pa ang sarili ko na hindi makapanakit ng taong minsan ng naging kaibigan ko.
"Alam ko, hindi mo na ako kailangang paaalalahanan pa" malamig na turan ko dito. Isa-isa ko namang pinagmasdan ang mga kasama niya. Armado ang mga ito, may mga naka-ipit na baril sa kanilang pantalon, ang iba naman ay may hawak na kahoy at kutsilyo.
Hindi ako takot sa kanila. Kung pupwede nga lang ay naupakan ko na silang lahat ang kaso ay ako ang may atraso sa kanila lalo na sa pinuno nila, si Marvin. Mahirap lumaban lalo na kung alam mo naman sa sarili mo na matatalo at matatalo ka, at saka isa pa, kapag natapos na naman ang pagbabayad ko sa kanya ng utang ko ay hindi na ako nito guguluhin pa. I want a peaceful life. Pero ang gulo mismo ang kusang lumalapit sa akin, kaya minsan hindi ko maiwasang magkaroon ng reward na pasa at galos.
Isinakbit ko na ang bag ko at saka tuluyang umalis sa bilyaran na palagi kong pinupuntahan sa tuwing nagbubuhos ako ng sama ng loob.
Tumigil muna ako saglit sa malapit na tindahan at bumili ng isang pakete ng sigarilyo. Sinindihan ko ito. Nagpatuloy na ako sa paglalakad pauwi sa bahay. Wala naman akong pakialam kung may makakita sa akin. I don't even care if I'm wearing my school uniform and my school ID. Buhay ko ito kaya wala silang karapatan na pakialamanan ang buhay n mayroon ako.
Impluwensya ng mga taong nakakasama ko araw-araw sa bilyaran ang bisyo na mayroon ako. Noong una, patry-try lang pero nang kalaunan ay hinahanap-hanap na ng katawan at isip ko. Mahirap ng iwasan, kaya kahit na bawal, mas sinusunod ko pa din ang gusto ng katawan ko, ang sigarilyo.
Nakaubos ako ng limang stick ng sigarilyo sa paglalakad ko bago ko marating ang bahay. Kumain muna ako ng candy na maxx bago ako tuluyang pumasok. Alam kong mabubungangaan na naman ako ni Ate Cherry. But I don't care. Pasok sa kanang tainga, labas sa kaliwa. Ganun naman lagi ang ginagawa ko, then wala na, tapos na. Makakagawa uli ako ng ikakagalit niya, pagagalitan then gagawin ko ulit. Paulit-ulit na lang. Hindi na bago sa akin ang mga ganitong pangyayari.
"Señorito Christian, magandang hapon po." tugon sa akin ni Leonora. Aligaga pa itong tumayo ng makita ako. "Teka sandali po at tatawagin ko lang ang Ate mo"
"Wag na. Ako na lang ang pupunta sa kanya mamaya" pigil ko sa kanya.
"Pero ang sabi po kasi ng Ate niyo———."
"Diba sabi ko wag na? Siya lang ba ang amo mo?!" sigaw ko sa kanya. "Umalis ka muna sa harapan ko Leonora, baka pagsisihan mo kapag sa iyo ko naibuhos ang sakit ng ulo ko"
Dali-dali namang umalis ang katulong sa harapan ko at agad na umakyat sa itaas. Tss. Tiyak na pupuntahan na non' si Ate.
"Magandang hapon iho"
Agad na nangunot ang noo ko. Sa pagkakatanda ko, isa lang ang katulong sa bahay, pero bakit bigla na lang nagkaroon ngayon ng isang matanda'ng babae na naka-suot ng pangkatulong. Magrere-sign na ba si Leonora?
"Ako nga pala si Minerva, iho. Kung nagtataka ka, ako ang bagong pasok na katulong dito sa mansyon. Kinagagalak kitang makilala, Christian, tama ba?"
Hindi ko ito sinagot bagkus ay dumiretso ako sa ref para kumuha ng malamig na tubig.
"Kamusta ang eskwelahan, iho?" tanong na naman sa akin ng bagong katulong.
"School pa din hanggang ngayon." pabalang na sagot ko dito. Ngumiti lang sa akin ang matanda. Weird.
"Palabiro ka pala, iho. O siya sige, papanhik na ako." sabi nito sa akin. "Siya nga pala, hinahanap ka ng Ate Cherry mo"
Nawala na ng tuluyan sa paningin ko ang matandang iyon. Napatingin na lang ako sa kawalan, bumuntong hininga at saka lakas loob na umakyat na din sa itaas. Handa na akong mabugahang muli ng naglalagablab na apoy mula sa mga salita ni Ate Cherry.
"Hey bradeh, aakyat kana? Goodluck"
"Shut up Mineya. Your not helping my situation" tugon ko sa kakapasok lang na si Mineya.
"Yah yah yah, as you say so. Cheer up bradeh, your beautiful sistaaah is always here to support you." plastik na turan nito sa akin at nagpatuloy na sa paglalakad patungo sa kusina. Pero huminto ito at saka ako nilingong muli. "Oh, by the way, Goodluck again to our monster ate. Nakakatakot siyang magalit, lalo siyang pumapangit. Ingat ka ha" sabi nito pagkatapos ay tumawa ito ng malakas.
Umiling na lang ako at saka nagpatuloy na sa pag-akyat. Hanggang ngayon ba naman, may sister rivalry sila? Tss. Too childish for them to fight. At anong pinagaawayan nila? Ang lalaking wala namang binatbat sa akin. Ni hindi man lang umabot sa kaling-kingan ko.
Tssk. Tssk. This is my family. This is our situation everyday, every hour. Masasanay ka nalang kapag nagtagal ka. Tss.
BINABASA MO ANG
YaKapAn (UNDER REVISION)
Teen FictionKapag may sumarang pinto, may bubukas muling panibago. At kapag nangyari iyon, just grab the opportunity. Huwag ng mag-alinlangan pang sayangin ang pagkakataon. Minerva Reyes entered into a new door. Pero ang hindi niya alam, sa pintong kanyang pap...