Yakapan
by: DakoPeymusKabanata 4
Mineya's POV
Loud music. Halos hindi na magkarinigan ang mga tao sa sobrang lakas ng tugtugin ng DJ na nasa unahan. Janice was on the dancing floor, kasayaw ang boyfriend niya. Christine was beside on me, parang batang palinga-linga sa kung saan at kung may lalapit na lalaki ay agad na naghi-histerikal. Pero kapag si Kuya Christian ang kaharap, nawawala ang pagka-Maria Clara, tss."Hanggang anong oras ba tayo dito?" tanong sa akin ni Janice.
"Hanggang sa umuwi si Adrian, hindi ka na nasanay girl!" sigaw ko sa kanya kahit na kalapit ko lang siya. Wala akong magagawa, sa sobrang lakas ng tugtog baka mainis lang ako sa kaibigan ko kapag pauulit-ulitin niya sa akin ang sinasabi ko. Ayaw ko namang magmukhang sirang plaka noh'
Sa isang iglap, biglang humawi at umunti ang mga tao sa dance floor. Biglang naging mild and calm ang music, a romantic and sweet sound.
"Girl, gumawa ka na kasi ng paraan para mapansin ka na niya! C'mmon! Ikaw, si Mineya Flores, ang goddess of beauty na dinaig pa si Athena sa kagandahan, naduduwag sa isang Adrian Gonzales?" sabi ni Christine sabay tawa.
Naningkit naman ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Sinong may sabing duwag ako? Don't try me Christine, baka kainin mo lang yang' sinasabi mo" sabi ko sa kanya.
"Then prove it! Oh baka naman tama nga si Christine," nilingon ko ang papalapit na si Janice. "Na duwag ka sa lalaking iyon" sabay inom ng wine.
Nagpantig na ang tainga ko sa paulit-ulit na kaduwagang naririnig ko sa mga kaibigan ko. Agad akong tumayo at naglakad papunta sa table nina Adrian pero agad akong natigil ng tumayo din ito. Pakiramdam ko binalot ako ng malamig na hangin ng makita kong sa direksyon ko ito papunta. Huwag niyang sabihing iniintay niya lang na tumayo ako?
Isang dipa na lang ang layo namin. Papalapit na siya ng papalapit. Ibubuka ko na sana ang bibig ko ng lagpasan ako nito. Sinundan ko ng tingin kung saan siya pupunta at agad na nandilim ang paningin ko ng makita ko si Ate Cherry.
"Witch!" bulong ko sa hangin.
Padabog akong bumalik sa pwesto namin. Nakabusangot na ngayon ang mukha ko. Ang pangit na ng araw ko, at talagang mas papapangitin pa niya ang gabi ko!
"Bakit ka bumalik?" natatawang saad ni Janice sa akin.
"The witch is here" malamig kong turan sa kanila sabay inom ng alak na iniinom ko kanina.
"Really? So nandito na pala si girlfriend" saad naman ni Christine. "Alam mo Mineya, dapat kasi ay sa iba mo na lang inilalaan ang pagtingin mo. Nakita mo naman diba, si Ate Cherry mo na at si Adrian your love. Doon pa lang, talo ka na"
"Kung hindi lang siya umepal sa eksena noon, edi sana ay ako ngayon ang girlfriend ni Adrian" nanggagalaiti kong tugon sa kanila.
"So what's your plan now? Titigil ka na ba sa pags-stalk sa kanya?" tanong ni Janice
Agad akong nag isip ng plano para matigil na ang kahibangan ni Adrian sa bruha'ng yon'. Kailan ng matigil ang nakakadiri nilang tandem. Agad akong napa-ngiti ng maka-isip ako ng magandang plano.
"Let's have a bet girls" panimula ko. "Kapag... napaghiwalay ko ang dalawang iyon, both of you will pay me" tugon ko. Siguradong sigurado naman kasi ako na mananalo ako sa larong ito. ".....but if I failed, ako ang magbabayad sa inyong dalawa"
"Ano bang klaseng bet yan? Tss. Sa sariling kaligayan mo lang naman binabase ang laro eh. Paano naman kami?" frustrated na sabi sa akin ni Janice.
Agad akong napa-ngisi sa sinabi niya.
"And how'd you sure na ikaw ang mananalo sa bet na ito? Kung makapagsalita ka kasi ay parang hawak mo na ang korona eh" sabi naman ni Christine.
"Mukhang nakakalimutan niyo ata ang pangalan ko, my dearest bitches" naka-ngiting tugon ko sa kanilang dalawa. "Lahat ay kaya kong paikutin gamit lamang ang mga kamay ko"
"Fine fine. We knew that" sagot ni Christine
"And make sure na kapag natalo ka, babayaran mo kami ng buong buo" sabi naman ni Janice.
"Kailan ba ako hindi tumupad sa usupan, Janice?" naka-ngisi kong tugon sa kanya. Pagkatapos ay napunta ang mga titig ko sa pwesto ng bruha at ng prince charming ko.
Wait for me my dearest prince. Gigisingin kita mula sa pagkakatulog, at ilalayo sa mangkukulam na iyan'!
Zeb's POV
Nakakailang beses na akong nagpagulong-gulong sa higaan ko pero hindi pa din mawala sa isipan ko ang problemang pinagdaraanan ko. Hanggang kailan ba ako magtatago sa reyalidad? Hanggang kailan ba ako magsusuot ng maskara para itago ang totoong ako? Gulong gulo na ako. Hirap na hirap na ako sa sitwasyon ko. Gusto ko ng sabihin sa kanila kung ano ba talaga ako, pero sa tuwing gagawin ko iyon, umaatras ang dila ko. Natatakot ako. Naduduwag. Kaya mananahimik na lang ako sa isang sulok.Sa totoo lang, wala naman akong boses pagdating sa bahay na ito. Sanay na ako. Sanay na akong maging hangin ng bawat isa. Oo, may kapatid silang bunso, alam nila yon. Pero hindi nila ako itinuturing na kapatid, at mas lalong hindi ko nararamdaman ang pagiging bunso. Hindi nila ako nakilala. At wala silang alam sa buhay ko. Hindi nila nasubaybayan ang paglaki ko. Minsan nga, iniisip kong kasalanan nila kung bakit naging ganito ang kasarian ko. Isang salot sa lipunan. Pero laging kinokontra ng puso ko. It was my choice daw at wala silang kinalaman doon. Free will, ika nga.
Isang tao lang ang nakakaalam ng tunay kong pagkatao. At yun ay ang best best friend kong si Althea Maier Leron. Since elementary ko pa siya kaibigan at mas lalong tumibay ang friendship naming dalawa ng malaman niya kung anong gender mayroon ako.
Ring ng cellphone ang nagpabalik sa akin sa reyalidad. Agad akong tumihaya sa pagkakadapa at kinuha ang cellphone ko. Sinagot ko ito at agad na napa-ngiti.
"Hello. Bess, hindi ako pinapatulog ng problema mo. Ano ba kasi yun? Sabihin mo na"
"Althea, hindi mo na kailangang malaman pa kasi tapos na. Na solve na. Okay na, kaya wala ng problema. Don't worry, okay lang ako" pagsisinungaling ko sa kanya. "Yun lang ba ang itinawag mo?" tanong ko dito.
Narinig ko ang buntong hininga niya sa kabilang linya.
"Are you sure na okay kana?" paninigurado nito. "Hmm, Bess, may isa pa akong dahilan kung bakit ako tumawag."
"Ano yun?" tanong ko naman dito.
"Si Kuya Brandon, naka-buntis. Dumagdag pa siya sa bigat ng problema ni Nanay" rinig ko ang paghikbi niya. Alam kong umiiyak ngayon ang best fiend ko. "Tapos si Kuya Michael, hindi pa nagseseryoso sa pag-aaral niya. Puro na lang problema, Bess. Hindi na natapos"
Dama ko ang bigat na nararamdaman niya. Alam ko ang pinagdadaanan ngayon ng kaibigan ko.
"Shhh, tahan na. Alam mo nandito lang ako. If you need someone na makakausap, nandito lang ako." sabi ko sa kanya.
"May request lang sana ako Bess"
"What is it? Baka kaya naman ng budget ko" pagbibiro ko sa kanya.
"Sira, hahaha. Ahmm, pwede bang dito ka matulog bukas? Girl talk tayo. Alam mo na, just like the old days." sabi nito sa akin. "Please?"
"Yun lang ba? Sige. Bukas na bukas din, kitakits na lang tayo sa school Bess. Labyou!" sabi ko sa kanya. Narinig ko naman ang Ilabyoutoo niya kaya ibinababa ko na ang linya.
Time out na muna ako sa mga problema ko. Kailangan ako ngayon ng kaibigan ko. And I'm here to help her. Para saan pa at naging magkaibigan kami diba?
BINABASA MO ANG
YaKapAn (UNDER REVISION)
Novela JuvenilKapag may sumarang pinto, may bubukas muling panibago. At kapag nangyari iyon, just grab the opportunity. Huwag ng mag-alinlangan pang sayangin ang pagkakataon. Minerva Reyes entered into a new door. Pero ang hindi niya alam, sa pintong kanyang pap...