Kabanata 3

234 11 1
                                    

Yakapan
by: DakoPeymus

Kabanata 3

Christian's POV
Sinindihan ko ang isang pirasong sigarilyo at dumungaw ako sa bintana sa kwarto ko. Kung bisyo nilang maituturing ang ginagawa ko, stress reliever naman ang kahulugan ng paninigarilyo sa akin. Nakakapag-isip ako ng mabuti sa bawat buga ng usok na inilalabas ng sigarilyo. Oo, masama nga ito sa kalusugan, pero sila ba ang magkakasakit? Hindi ba't ako kaya anong karapatan nilang pakialamanan ang mga bagay na hindi naman sila ang magdudusa sa huli. Saka hindi naman ako araw-araw gumagamit nito, paminsan-minsan lang.

Sa kalagitnaan ng aking paninigarilyo, isang katok ang narinig ko mula sa pintuan ko. Ibinuga ko ang huling usok at itinapon sa basurahan ang sigarilyo'ng upos.

"Ayos ka lang ba iho?"

Nakatayo ngayon sa harapan ko ang bagong katulong. Ni minsan, hindi nagawa ni Leonira ang ganitong bagay. Kung sino ang pinakamalakas, doon siya nakapit kung kaya't lagi siyang nakabuntot kay Ate Cherry. Ito ang unang beses na tanungin ako ng kapwa tao ko, kung okay lang ba ako.

Hindi ako madramang tao, sadyang ito lang talaga ang unang pagkakataon na may kumausap sa akin ng ganito.

"Yeah, I'm fine" maikling sagot ko sa katulong. Isang ngiti ang natanggap ko mula sa kanya. Yung ngiti niya, ngiti na may ibig sabihin. Bakit ba ang weird niya?

"Pwede mo akong pagkwentuhan" sabi naman nito sa akin.

"Nah, gawin mo na lang yung mga pinapagawa sa iyo ni Leonora" sagot ko naman pagkatapos ay isinara ko na ang pinto.

Kinuha ko ang cellphone ko. Isang text message ang nakita ko kaya binuksan ko ito at binasa.

Napa-iling na lang ako at natawa ng bahagya. Ang babae'ng yun talaga. Nai-kwento niya agad sa mga kaibigan niya, lalo na sa kanya. Tss.

Mineya's POV
Matapos ang mga nakakatawang pangyayari kanina, kasalukuyan naman akong nandito sa aking fully airconditioned na kwarto ko. Ninanamnam ko ngayon ang ginhawa na mayroon ako.

"So anong nangyari?"

"Nothing girls. Nag enjoy lang ako sa panonood sa kanilang dalawa" sagot ko sa kanila sabay tawa ng mahina.

"I smell something fishy here, Mineya" sagot ni Christine.

"Parehas tayo ng nararamdaman, girl" sabat naman ni Janice.

Ka-group call ko ngayon ang mga kaibigan ko. We are planning na gumimik ngayong gabi hanggang sa napag-usapan namin ang lahat ng eksena kanina with my sizzling hot brother, Christian and my wicked sister, Cherry.

"What? Promise wala akong ginawa" pagsisinungaling ko sa kanilang dalawa. "Anyway, Janice? Alam mo na ba kung saan pupuntang bar sina Adrian?" pagiiba ko ng topic.

"As usual girl, doon pa din sa luma. Doon na naman ba tayo?" sabi ni Janice

"Pwede bang sa iba naman tayo? Nakakabagot naman sa bar na pinupuntahan ng lalaking kinahuhumalingan mo Mineya eh" sabat naman ni Christine.

"Shattup guys, of course, doon pa din tayo. Alam niyo naman kung gaano ako ka-obsessed sa lalaking iyon diba? At hindi ako titigil hanggat hindi niya ako nakikita, bilang si Mineya Flores" sagot ko sa kanila sabay ngisi.

"Yah yah, at sa sobrang pagka-obsessed mo, nagmumukha na tayo tanga kakahabol sa kanya" sabi ni Christine.

Agad naman akong tumawa ng mahina. "Wow girl ha, as far as I know, parang ganito ka din naman sa Kuya Christian ko"

"Duhh, hindi naman ako ganong kahalata no. At saka mas pinapaibabaw ko ang pagiging Maria Clara kapag kaharap ako ng Kuya mo"

Tumawa naman kaming tatlo. Tumagal pa ng ilang minuto ang kwentuhan naming tatlo hanggang sa naumay na kami sa isa't isa at isa isa ng ibinaba ang tawag. Naghanda na ako ng susuotin para mamaya. Pagkatapos non' ay lumabas na ako ng kwarto. At sa saktong paglabas ko, ay siya din namang paglabas ni Ate Cherry.

"Look Mineya, I'm really sorry sa nangyari kanina pero——."

"Can you please stop explaining your side. Nakakarindi na. At saka wala din naman akong pakialam sa kung anong sasabihin mo, nag aaksaya ka lang ng laway" tugon ko dito pagkatapos ay dumiretso na ako sa pagbaba ng hagdan. Naabutan ko naman ang bagong katulong na papa-akyat. And as usual, ano bang pake ko sa mga tao dito? Tss.

Cherry's POV
Napa-upo na lang ako sa isang tabi. Iniisip ang mga binitawang salita ni Mineya sa akin. Bakit ba parang kasalanan ko ang lahat? Wala naman akong ibang ginagawa kundi ang lahat ng tama para sa pamilya na ito. Pero bakit parang mali? Mali ba ang lahat ng ginagawa ko? May mali ba sa pamamalakad ko? Para naman sa ikakabuti ng lahat ang ginagawa ko, pero bakit parang salungat ang lahat ng nangyayari? Hindi ito ang gusto ko. Hindi ito ang pangarap ko.

"Ikaw! Ikaw ang may kasalanan kung bakit kami nagkakaganito! Siguro kung hindi mo kami iniwan, may pag-asa pang hindi magka-ganito ang pamilya na ito!" bulong ko habang naka-tungo ako. Sinisisi ko ngayon ang magaling naming ina! Oo, hindi naman kasi mangyayari ang lahat ng ito kung hindi siya umalis, kung hindi niya kami iniwan. Edi sana kumpleto at masayang pamilya kami ngayon. Napaka-unfair naman ng mundo, sa dinami-dami ng pwedeng bigyan ng ganitong problema, kami pa ang binigyan.

"Baka gusto mo ng tubig,"

Pinahid ko ang kaunting luhang tumulo sa mga mata ko at saka marahang iniangat ang ulo.

"Alam mo iha, hindi mareresolba ang isang problema kung patuloy mo lang na isusumbat sa isang tao ang lahat ng kamalian nito. Mas maluwag sa pakiramdam kapag nakakakilos ka ng maginhawa, di ba?" tugon ni Yaya Minerva sa akin.

"Hindi lang basta kamalian ang ginawa niya sa amin. Isang kasalanan na kailanman ay hindi na niya mababayaran" sagot ko sa kanya at saka tumayo na sa pagkaka-upo. "At mas lalong hindi sapat ang kapatawaran na hihingin niya sa oras na magpakita siya sa amin"

Nagsimula na akong maglakad patungo sa kwarto ko para magkulong at magnilay-nilay.

Minerva's POV
Mabigat na problema pala ang dinadala ng magkakapatid na iyon. Isang problema na matagal na nilang hinahanapan ng solusyon. Ano nga ba ang puno't dulo ng kaguluhan sa pagitan nila?

Hindi sapat ang impormasyon na narinig ko kanina mula sa mga bulong na salita ni Cherry. Kailangan ko pa ng mas sapat na impormasyon para mas malinawan na ako at para naman mabigyan ko na ito ng aksyon.

Bitibit ang isang basong tubig na para sana ay kay Cherry, dumiretso na ako sa hagdanan para ilagay sa kusina ang baso. Naabutan ko naman si Mineya na pataas na, nagmamadali at tila tuwang tuwa pa. At kapareho ng una naming pagsasalubong sa hagdanan, hindi na naman ako nito pinansin.

"Minerva, pagkatapos mong dalhin yan' sa kusina, ihiwalay mo naman ang nga de kolor na damit sa mga puti. Bukas ay dadating ang tagapag-laba ng mga damit ng mga amo natin, kailangan ay maayos ang pagkakahiwalay nito kung hindi, malilintikan ka sa akin! Intiendes!" dire-diretsong sabi nito sa akin. Bawat instruksyon naman nito ay naunawaan ko kaya dali-dali na lamang akong sumunod. Mas nakatataas siya sa akin, kaya wala akong magagawa kundi sumunod na lamang.

Pumasok ako sa laundry area ng makarinig ako ng tunog ng isang pagbukas na pintuan na nang-gagaling malapit lang sa kinaroroonan ko.

Ayon sa pagkaka-alam ko, may isang kwarto dito na hindi pwedeng pasukan, malapit lang din dito sa laundry area na kinatatayuan ko. Pero, sino naman kaya ang magbubukas ng ipinagbabawal na kwarto ngayong dis oras ng gabi? At dala ng kuryosidad, dahan-dahan akong naglakad patungo sa ingay ng pagbukas ng pintuan na narinig ko.

Nagtago agad ako sa isang sulok ng makarinig ako ng mga yabag. Maya-maya pa ay isang bulto ng babae na kaparehas ng suot ko ang lumabas mula sa isang kwarto. Luminga-linga muna ito pagkatapos ay parang walang nangyaring naglakad patungo sa kung saan.

Mayordoma Leonora? Anong ginawa niya sa loob ng kwartong iyon?

YaKapAn (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon