Hindi mo malalaman ang ibig sabihin ng buhay kapag hindi mo pa nararanasan ang hirap at pait ng isang reyalidad. Komplikado ang buhay. Maging ang mga kahulugan nito ay mahirap ding ipaliwanag. Sa sobrang komplikado nito, hindi mo na malaman kung ano nga ba ang tama sa bawat depenisyong ibinibigay sa atin ng mga bagay-bagay.
Sa hamon ng kapalaran, kailangan marunong ka sa lahat ng bagay para mabuhay. Isang leksyon sa paaralan, dapat maalam ka at dapat wais ka. Kapag marunong ka sa lahat ng bagay, marami kang pagkakataon para ipagpatuloy ang buhay na mayroon ka. Kailangan ay maging matalino ka sa mga bagay na malalaman mo. Kailangan nagtataglay ka ng isang salita na iilan lamang sa mundong ito ang nagtataglay, ang pagiging maparaan. Sa pagiging wais, nagagawa mo ding makipaglaro sa tadhana ng buhay. Mapaglaro ang buhay, kung kaya't ang pagiging wais ang kinakailangan ng isang tao para masabayan mo ang laro ng kapalaran.
Maraming hamon ang kakaharapin ng bawat indibidwal. Mayroong dadaan ka sa butas ng karayom para mapagtagumpayan mo ang buhay, pero meron din naman dyang mas pinipiling manatili na lang sa kung anong buhay lang ang mayroon sila.
Hindi mo mapagtatagumpayan ang hamon ng buhay kung hindi mo haharapin ang mga pagsubok at problema. At sa huli, tanging ginhawa na lamang ang iyong madarama kapag natapos mo na at nalaman mo na ang ibig sabihin ng buhay.
"Mama Minerva, tapos na po ba kayong magdasal?"
Napalingon ako sa kasama kong bata'ng si Cassie. Nakangiti ang mga labi nitong nakatingin sa akin.
"Tapos niyo na po bang kausapin si Papa God?" tanong na naman sa akin ni Cassie.
"Tapos na iha" sagot ko dito at agad na akong tumayo mula sa pagkakaluhod. Inilagay ko naman sa bulsa ko ang hawak kong rosaryo. "Halika na?" Kinuha ko ang kamay ni Cassie at agad na kaming nagsimula sa paglalakad.
"Mama Minerva, bakit parang ang tagal niyong kinausap si Papa God kanina?"
"Apo, Cassie, kapag nananalangin ka sa itaas, dapat taimtim ang iyong kalooban. Malinis ang iyong kaisipan para sa gayon, maparating ko kay Papa God ang panalangin ko sa kanya"
"Bakit kailangan niyo siyang kausapin? May ginawa po ba kayong bad?" tanong na naman sa akin ni Cassie.
"Marami apo eh. Maraming nagawang kasalanan ang lola mo mahabang panahon na ang nakakalipas. At hanggang ngayon, pinagbabayadan ko pa din ang kasalanang iyon" maluha-luha kong sambit habang naglalakad kami.
Tumigil lang ako sa paglalakad ng biglang huminto sa paglalakad si Cassie.
"Ano iyon apo? May problema ka ba? Bakit bigla kang huminto?" tanong ko dito pagkatapos ay pumantay ako sa level ng tayo niya.
Hinawakan ni Cassie ang pisngi ko at agad na pinunasan ang ilang luha na namuo sa gilid ng mata ko. Agad naman akong napangiti sa ginawa niya sa akin.
"Huwag na po kayong umiyak Mama Minerva. Alam ko pong tutuparin din ni Papa God yung mga hiling mo saka mabait naman po siya eh kaya papatawadin din po niya kayo" sabi nito habang naka-ngiti. "Pero bago po muna yun, ang sakit na po ng tyan ko eh, hehe"
Tumawa naman ako ng mahina ng marinig ko ang tunog ng sikmura niya.
"O siya sige. Alam ko kung anong gusto mo," nakangiti kong saad sa kanya.
"Cotton candy!" sabay na tugon naming dalawa ni Cassie. Tumawa naman ito at agad na tumakbo papunta sa bilihan ng cotton candy. Agad naman akong sumunod dito at binili ang gusto niya. Ang makita lang na masaya ang batang ito, hindi ko alam kung anong hiwaga ang mayroon sa mga ngiti niya pero.... napapa-ngiti na din ako. At doon pa lang, masaya na ako.
"NAKU pasensya na po kayo sa kakulitan nitong si Cassie, Aling Minerva"
Naka-ngiti lang ako habang pinagmamasdan ang batang si Cassie papasok sa kanilang bahay. Hinawakan ko ang kamay ni Jenifer at saka ngumiti sa harapan niya.
"Babayaran na lang kita para doon sa pagkaing dala-dala ni Cassie" sabi ni Jenifer habang kumukuha ng pera sa kanyang pitaka. Agad ko naman itong pinigilan.
"Huwag na iha. Masaya na akong masaya siya kahit sa maliit na halaga lamang na aking naibigay. Saka hindi naman ako nakulitan sa kanya... konti lamang" tugon pagkatapos ay parehas kaming natawa.
"Maraming salamat Aling Minerva sa pagmamahal na ibinibigay mo sa anak ko. Sa mga pagtulong na ipinapa-abot mo sa aming mag-ina" sinseridad na tugon sa akin ni Jenifer.
"Wala yun, ano ka ba. Saka parang apo ko na din ang batang iyon. Masaya ako sa ginagawa ko, kaya wala kang dapat na problemahin pa" sabi ko sa kanya. "O siya sige marami pa akong kailangang gawin sa bahay. Mauna na ako sa iyo"
Nagsimula na akong maglakad papasok sa isang maliit na eskinita at sa kaduluhan nito ay doon mo makikita ang isang munting tahanan na pagma-may ari ko. Hindi naman malayo sa kalsada ang bahay ko, kaunting lakad lang ang gagawin mo, nasa kalsada ka nang muli.
"TAO po! Tao po!"
Tumalima naman ako ng marinig ko ang isang malakas na sigaw na nagmumula sa labas ng bahay ko. Paspasan ang ginawa kong pagkilos at ng makalabas ako, isang lalaki'ng naka-sambalilo ang bumungad sa akin.
"Magandang araw po, ano pong sadya nila dito?" tanong ko sa lalaki.
"Kayo po ba si Minerva Reyes?" tanong nito sa akin. Tumango naman ako bilang sagot sa kanya. "Ah, ako nga po pala si Steven, ang anak ng Mayordoma sa Mansion ng mga Flores kung saan kayo nag-apply bilang katiwala. Pinapunta po ako dito ni Mama para personal na sabihin sa inyo na tanggap na kayo sa trabaho. Maaari na daw po kayong magsimula bukas ng umaga."
"Talaga iho? Tanggap na ako? Kung gayon naman pala ay saluhan mo ako sa pagkain, alam kong hindi ka pa nanananghalian dahil sa mahabang byahe. Halika, pasok ka" pag-aaya ko sa kanya. "Steven ang ngalan mo hindi ba?" tanong ko sa pangalan nito.
"Opo, ako po si Steven Baltazar" naka-ngiti nitong pagpapakilala sa sarili.
"Maaari mo ba akong kwentuhan ng ilang mga bagay na nalalaman mo tungkol sa mga magiging amo ko sa mansion?" tanong ko sa kanya. Tumango naman ito sa akin.
"Hindi naman daw po mahirap alagaan ang mga amo ni Mama. Apat silang magkakapatid, walang nanay at ang tatay nila ay isang negosyante. Wala silang kinalakhang pamilya. Sabi pa ni Mama sa akin, dating masaya daw ang mansion, pero biglang nagbago ng biglang mawalang parang bula ang ina ng nga bata. Naging tahimik na ang paligid. At ngayong mga dalaga at binata na sila, katulad ko, mas lalong hindi nila ipinapakita sa bawat isa ang pagmamahalan bilang magkakapatid. Yun lang po ang alam ko eh, pasensya na po"
"Hindi, ayos lang yun. Ang mahalaga ay mayroon na akong konting nalalaman tungkol sa kanilang apat" sagot ko sa kanya.
"Masarap po ang ulam na inihanda ninyo. Salamat po sa pagkain pero kailangan ko na pong umalis. Aasahan po namin ni Mama ang pagdating niyo bukas, Aling Minerva." sabi sa akin ni Steven.
"Pasabi sa Mama mo, maraming salamat. Asahan mo na dadating ako bukas ng umaga sa Maynila" sagot ko naman sa kanya.
Unti-unti ng nawala sa paningin ko ang katawan at anino ni Steven.
Isang panibagong oportunidad na naman ang nagbukas sa akin. Isang pinto na naman ang muling nagbukas.
Bukas, ako na si Yaya Minerva sa mansion ng mga Flores.
****
This story is a work of fiction. Names, characters, some places, and inicidents are product's of Author's imagination and are use fictitiously. Any resemblance to actual events, places or persons, living or dead is entirely coincidental.
Plagiarism is a crime.
Copyright Law.
BINABASA MO ANG
YaKapAn (UNDER REVISION)
Novela JuvenilKapag may sumarang pinto, may bubukas muling panibago. At kapag nangyari iyon, just grab the opportunity. Huwag ng mag-alinlangan pang sayangin ang pagkakataon. Minerva Reyes entered into a new door. Pero ang hindi niya alam, sa pintong kanyang pap...