Yakapan
by: DakoPeymusKabanata 2
"CAN you do me a favor, bess?" tanong ko sa kaibigan ko habang naglalakad kami papauwi sa bahay namin.
"What is it? Basta yung kaya ko lang ha. Baka kung ano-anong favor na naman yan" sagot nito sa akin.
"Alam kong kaya mo ito, saka hindi naman to mahirap. It's super madali lang, promise. Hindi ka pagpapawisan sa favor na ito" naka-ngiti kong tugon sa kanya.
"Ano nga kasi yun?"
"Pwede ka bang sumama sa bahay, next week?" tanong ko sa kanya.
"Kung wala akong gagawin, baka pwede naman. Pero kung meron, edi pasensya. Yun lang ba yung pabor na sinasabi mo?" tanong nito sa akin.
Hindi na ako umimik sa kanya. Nanatili na lang akong tahimik habang naglalakad kami ng best friend ko. 'Nakanang naman Zeb, bakit kasi idadamay mo pa si Althea sa katangahan mo?' Tssk. Hindi ko na hahayaang muling maipit pa sa gulo ang kaibigan ko. Hindi na ngayon. Siguro sa iba na lang ako hihingi ng pabor.
"Uy," naramdaman kong siniko ako ni Althea sa balikat ko. "Bat tahimik ka?"
"Hmm, wala. May iniisip lang ako"
"Anong wala ka dyan, kilala kita kaya sige na, ano ba yung iniisip mo at bigla ka na lang nanahimik dyan? Ayun na yung kanto oh, maghihiwalay na tayo ng landas" tugon nito sa akin.
"Wala nga. Bilisan na lang natin ang paglalakad. Baka abutan tayo ng dilim" tanging sagot ko na lang sa kanya.
Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad. Walang imikan. Walang kibuan. Pasensya na bess pero hindi ko na hahayaang maipit ka uli sa gulong pinasok ko. Bakit kasi hindi ko masabi sa kanila na bakla ako eh. Bakit kasi kailangan ko pang magpanggap sa harapan nilang lahat na lalaki talaga ako. Bakit kailangan kong magtago.
Nakarating ako sa bahay na mayroong dinadalang isipin. Agad akong pumasok sa loob at dumiretso sa kusina para uminom ng malamig na tubig. I need to refresh my mind.
"Magandang gabi sa iyo iho" nagitla ako ng biglang may nagsalita sa likuran ko.
"Magandang gabi din po," sagot ko sa kanya. Bagong katulong?
"Siguro nagtataka ka kung bakit ako narito sa bahay niyo, hayaan mong magpakilala ako sa iyo. Ako si Minerva Reyes, galing probinsya at ang inyong bagong katulong. Kinagagalak kitang makilala, Zeb? Tama ba ako?"
Tumango ako sa kanya at ngumiti. Ang gaan ng loob ko sa bagong katulong. Lumapit ako dito at agad siyang niyakap.
"Feel at home po, Yaya Minerva." bulong ko sa kanya.
DAMA ko pa din hanggang ngayon ang yakap ng bunso sa apat na magkakapatid na si Zeb. Nagulat ako kanina sa ginawa ng bata. Hindi ko inaasahan na yayakapin ako nito kahit na isa lamang akong katulong sa bahay nila.
Mukhang magiging maganda ang pananatili ko rito sa mansyon. Habang naglilinis sa kusina, nakarinig ako ng ilang malalakas na sigawan na nanggagaling mula sa ikalawang palapag ng bahay. Agad naman akong naghugas ng aking mga kamay at dali daling pumanhik sa itaas.
Sa aking pagpanhik, nakita ko ang takot sa mukha ni Zeb, ang bunso sa kanilang apat na magkakapatid. Kalapit nito si Mayordoma Leonora na hindi din malaman ang gagawin sa dalawang magkapatid na nagsasagutan.
"A-anong nangyayari dito?" mahinang tugon ko sa lahat ngunit tila yata hindi ako narinig ng kahit na sinong tao kaya ang ginawa ko ay lumapit ako kay Mayordoma Leonora.
"My God Christian, ilang beses ko bang kailangang banggitin sa iyo na mag-aral ka ng mabuti! Bakit ba parati mo na lang akong sinusuway? Hindi ka ba naaawa sa akin? Sa Ate mo?!" sigaw ni Cherry kay Christian.
"At hanggang kailan ko din ba kailangang i-explain sa iyo na hindi ko hilig ang mag-aral. Hangang dyan lang ang kaya ng utak ko, kaya huwag mo akong pwersahin sa mga bagay na hindi ko naman gusto!" sagot ni Christian dito.
"Pero ang bisyo mo? Ano? Hanggang ngayon hindi mo pa din tinitigil? Hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Para ka ng basahan kung tutuusin! Intindihin mo naman ako Christian, intindihin mo naman ako bilang Ate mo!" sigaw na naman ni Cherry sa kapatid.
"Intindihin mo din ako bilang kapatid mo, hindi lang sapat na ikaw yung lagi naming iniintindi" sagot nito pagkatapos ay pumasok na ito sa kwarto niya.
"Nice show, nice actress and actors. Saan kayo nag aral niyan? Grabe ang bitawan niyo ng linya ha, di ko kinaya"
Ngayon, si Mineya naman ang nakatayo sa harapan ng kanyang Ate Cherry.
"Wag ngayong Mineya. Huwag mo ng dagdagan pa ang pasakit na ibinigay ni Christian" kalmadong tugon nito sa kapatid.
Lumingon naman ako sa katabi kong si Zeb. Ngayon ay nakatungo na ito at saka unti-unting umalis. Naglakad na ito patungo sa kwarto niya.
"Alam mo, tama si Kuya Christian. Kasabay ng pag-intindi namin sayo, try mo din kayang intindihin kami. Malay mo, matuto na kaming rumespeto sayo, right?" tugon ni Mineya sabay talikod sa Ate niya. Nakita ko naman ang ekspresyon nito, dahil ngayon ay nakaharap na ito sa akin. "At ikaw? Tapos na ang palabas, bumalik kana sa ginagawa mo, tonta."
Ngayon, alam ko na kung bakit matamlay ang bahay na ito mula kanina pa pagdating ko. Ang mga taong nakatira dito sa loob ay walang koneksyon mula sa isa't isa. Wala na silang respeto sa isa't isa at lalong wala ng pagmamahal na namumutawi sa kanilang lahat. Patay na bahay na ang nakatayo dito. Pero may pagkakaton pa na magbago ito. Marami pang pagkakataon.
NAPAKAMOT ako sa sintido ko habang naka-upo ako sa kama ko. Hindi ko lubos akalain na magiging ganito ang samahan naming magkakapatid. Wala namang may kasalanan sa aming lahat ah? Ang tanging may kasalanan lang ay ang mga magulang namin. Kasalanan nila kung bakit kami ganito, kung bakit kami watak-watak. Kung hindi nila siguro kami pinabayaan, sa tingin ko ay hindi mangyayari ang lahat ng ito.
'Cherry, kaya mo ito. Laban lang!'
Paulit-ulit kong itinatatak sa isip ko na malalampasan din namin ang lahat ng ito. Magiging masaya ulit kaming apat. Hindi ko isusuko ang lahat. May paraan pa para magbago ang sitwasyon namin.
Kailangan lang ay tumingin ako sa bright side at saka sa positive way. Kailangang hindi makapasok sa utak ko ang negative thoughts na maaaring mag-dulot ng panghihina ng loob ko. Hindi pwedeng mangyari iyon.
Ayokong dumating sa point na hahayaan ko na lang sila sa buhay na gusto nila. Ayokong dumating sa point na susuko na ako bilang Ate nila. Ayokong dumating sa point na magkakanya-kanya na kaming lahat. Pero kakayanin ko pa ba, kung lahat sila sumusuko na? Oo nga't nakatingin ako sa positive side, pero hindi ko din maiwasang mag isip ng mga bagay-bagay. Tao din ako, napapagod din, nagsasawa din.
'Kaya mo to Cherry!'
BINABASA MO ANG
YaKapAn (UNDER REVISION)
Подростковая литератураKapag may sumarang pinto, may bubukas muling panibago. At kapag nangyari iyon, just grab the opportunity. Huwag ng mag-alinlangan pang sayangin ang pagkakataon. Minerva Reyes entered into a new door. Pero ang hindi niya alam, sa pintong kanyang pap...