Kabanata 5

156 9 0
                                    

Yakapan
by: DakoPeymus

Kabanata 5

Minerva's POV
Hindi ako pinatulog ng eksenang nakita ko kagabi. Hindi ko alam kung bakit nagagawa ni Leonora ang ganoong bagay sa loob ng bahay na ito, samantalang nasa kanya na ang tiwala ng mga bata. Hindi ko lubos maisip na kung sino pa yung taong alam mong mapag-kakatiwalaan, siya pa itong gagawan ka ng mga bagay na hindi mo inaasahang magagawa nito. Napaka-komplikado talaga ng buhay.

Gaya ng nakasanayan, maaga akong gumising para magluto ng umagahan ng mga bata. Matapos non' ay walis at feather duster naman ang hawak ko para maglinis. Mayroon namang mga makabagong kagamitan dito sa bahay, pero hindi ako sanay gumamit ng mga ganoon. Mas sanay ako sa tradisyunal na panglinis kaysa sa bago.

Inumpisahan ko na ang paglilinis sa sala. Gamit ang pamunas at feather duster, isa-isa kong nilinis ang isang aparador na puno ng larawan. Nakakatuwang pagmasdan ang mga batang naka-ngiti sa larawan. Bakas sa kanilang mga mukha ang walang bahid na problema. Tanging saya lamang ang kanilang nararanasan. Walang poot at walang galit sa isa't isa. Kailan kaya makakabalik sa ganitong panahon ang mga batang iyon?

"Yaya Minerva, hindi po ako uuwi dito mamaya ha"

Nilingon ko si Zeb habang inaayos ang bag niya sa kusina.

"Ganun ba iho? Nagpaalam kana ba sa mga kapatid mo?" tanong ko sa kanya. Kita ko ang tila pagbagal ng kilos niya habang nag-aayos ng gamit niya.

"Hindi na siguro nila kailangang malaman" sabi nito sa akin pagkatapos ay ngumiti.

"Ako na lamang ang magsasabi sa kanila" tugon ko sa kanya. "Sige po Yaya Minerva, alis na ako"

Tuluyan ng umalis ng bahay ang batang si Zeb.

"Oh, Minerva, tapos ka na ba riyan sa ginagawa mo?"

Hindi pa din mawala-wala sa isipan ko ang pangyayari kagabi. Habang nakatitig ako sa kanya, binabasa ko sa kanyang mga mata kung bakit niya kailangang gawin iyon. Ang pagnakawan ang pamilyang ang turing na din sa kanya ay isang pamilya. Alam kong matagal na dito si Mayordoma Leonora, pero bakit? Bakit niya kailangang gawin iyon?

"Bakit nakatunganga ka pa dyan? Binabayaran ka para kumilos hindi para ngumanga!" sita na naman nito sa akin. "Hala! Paspas ang kilos!" sigaw pang muli nito.

"Leonora, can you please shut your mouth! It's so irritating!" tugon ng bumababang si Mineya habang naglalagay na naman ng koloreta sa mukha.

Mineya's POV
Mukhang nasa itaas pa ang sisteret kong chaka. Nagpapaganda pa ata para mag-mukha na namang anghel sa harapan ng jowa niya mamaya. Ang baduy. Like the hell I care, naiirita lang ako sa tuwing sila ang laman ng tsismis tuwing umaga sa school. Nakakasawa na. Ako dapat ang nasa posisyon niya. Ako dapat ang kinakainggitan ng lahat. Ako dapat yun at hindi siya! Hindi ang bruhang katulad niya ang magpapatumba sa akin!

Kinuha ko ang cellphone ko at agad kong binuksan ang camera. Nag-selfie muna ako para ipamukha sa mundo kung gaano ako kaperpekto at kung gaano ako kamahal ng Diyos para biyayaan ng ganitong mukha. Sobra-sobra na. Haaays.

Nakita ko na ang pababang bruha kaya tumayo na ako at naglakad palabas ng bahay. Ayaw ko siyang makasabay, pumapangit lang ang araw ko. Baka makapanampal lang ako ng wala sa oras.

"Magandang umaga iha" bati sa akin ng bagong katulong.

Hindi ko na ito pinansin dahil wala naman akong pakialam sa kanya. The hell I care, ano ako bulag? Alam ko namang umaga ngayon, kaya hindi na niya dapat pang sabihin. Hindi naman ako ganon katanga. Tss. At isa pa, hindi na maganda ang umaga, nakita ko ang hibla at anino ng kapatid kong bruha, kaya hindi na naging maganda. Dapat pala mas inagahan ko pa ang gising ko.

6:30 na pala. Sigurado akong nasa school na ang dalawang iyon.

Lumabas na ako ng village namin at nag-abang ng masasakyan. Nakataas ang isang kilay ko ng may huminto sa harapan ko. Pagbaba ng salamin ng kotse, nakita ko si Adrian. At agad na pumasok sa isip ko ang bet game namin. I think, the game starts now.

"Waiting for someone?" tanong ni Adrian sa akin.

"Uhmm. Taxi" maikling sagot ko sa kanya.

Cherry's POV
I texted Adrian na mag-antay na lang sa labas ng village namin. I will not use my car for today because me and Adrian is celebrating our 4 months of love. Maganda ang naging gising ko. Inalis ko muna ang mga negatibong bagay na nasa isip ko. Ipagpapaliban ko muna ang lahat para lang sa araw na ito. Hindi ko lubos akalain na aabot kami ng ganito katagal ni Adrian. I mean, my boyfriend was so handsome to the point na kaliwa't kanan sa university ang mga magagandang babae na alam ko namang may gusto sa kanya. Haaays.

"Leonora, hindi ako dito kakain mamaya'ng gabi at baka ma-late din ako ng uwi. Paki-asikaso nalang ang mga kapatid ko mamaya pagdating nila" bilin ko sa kasambahay namin.

Nilinga ko pa ang paningin ko pero bigo akong makita si Minerva. Nasaan naman kaya ang isang yun?

Naglakad na ako palabas ng subdivision namin. Mula sa kinatatayuan ko ay natanaw ko na ang sasakyan ng boyfriend ko. Agad akong namula habang iniisip ang mga posible naming gawin mamaya habang may date kami. Hindi mawala sa mga labi ko ang ngiti habang papalapit sa kotse niya.

Nang makarating ako sa kinaroroonan ng sasakyan niya, kumatok muna ko ng dalawang beses bago ito buksan. Pero tila yata ako ang nasorpresa sa sitwasyong nadatnan ko. Halos maglapit na ang mga labi ng kapatid kong si Mineya at ng boyfriend kong si Adrian.

Anong nangyari? Diba dapat, masaya ako ngayong araw na ito? Bakit.... bakit parang may luha'ng gusto ng kumawala sa mga mata ko?

"Oh, your here?" tugon ni Mineya ng luminga ito sa pintuan ng sasakyan. Oo, kanina pa. Pero mukhang nage-enjoy kang kasama ang boyfriend habang wala ako. Gusto ko sanang sambitin ang mga salitang iyon pero nanatili akong tikom. Alam kong may nangyari. At alam kong may eksplenasyon ang lahat ng iyon.

"Babe," lingon ni Adrian sa akin. Ngiti naman ang iginanti ko sa kanya. "Nakita ko si Mineya na nag-aabang ng taxi, sinabay ko na. Tutal sa parehas na school lang naman tayo pumapasok diba? Saka hindi naman siya iba sa atin"

"Hmm" sagot ko habang inilalagay ang seatbelt sa akin.

"Ako na," agaw ni Adrian sa seatbelt ko. Siya na ang nagkabit nito pagkatapos ay bigla niya akong hinalikan sa pisngi.

"A-ano ba," sita ko sa kanya pagkatapos ay tinignan ko sa salamin si Mineya pero mukha naman siyang walang pakialam kaya pinabayaan ko na.

"Happy monthsarry babe," bulong nito sa akin habang nagmamaneho ito. Kubli ang kilig ko pero hindi pa din mawala sa isip ko ang mga tanong na umiikot dito. Lumapat ba ang mga labi nila sa isa't isa?

YaKapAn (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon